Chap 10: Just Weird (Part 2)

80 6 0
                                    


Pagkatapos kumain, nagpaalam ako kay Mame kase nag-aya si Jhayce na kami muna ang tumao sa bahay nila. Wala kase silang yaya or kasambahay gaya namin. Kung di nyo naitatanong praning pa naman 'to pag mag-isa lang sya. Feeling nya daw may nakamasid sa bawat galaw nya. Palibhasa mahilig sa horror dati. Yan tuloy epekto sa kanya. Masyado ng matatakutin. E sila pa naman ni Ate Cel ang naiiwan. Alam nyo na. Busy parents para sa future.  Pinalaki silang  sariling sikap. Bawal ang tamad. Parehas ng ugali si Mame at Tita Aud. Ang daddy naman ni Jhayce, si Tito Caleb, succesful Engineer. Hanep ng mga trabaho e nuh? Pero katulad ni Dade, or should I say namin, minsan lang din sila maka-bonding na magpapamilya. Lamang nga lang si Jhayce kasi may kapatid sya. Ako solo lang. Malungkot. Pero andyan naman sya e. At nakatulong na madaldal sya.
X.X

Sumalampak ako sa kama nya. Malaki ang room ni bessy. Puro poster ng kanyang mga idols ang dingding nya. Alam nyo na kung ano yun. Kumpleto din sya sa gamit. At malakas ang wifi nila.

Pinikit ko ang mata ko para damhin ang lambot ng kutson. Inaantok ako. Pero makakaidlip pa lang ako ng magtitili etong lokaret. Nakaupo sya at nakaharap sa computer. Titig na titig sya sa kung anumang tinitingnan nya. Hindi ko naman makita. Nakaharang kase sya.

"Anong meron bes?"
Tanong ko. Namumula sya. Kaya
nilapitan ko sya at lumaki ang mata ko sa nakita ko.
Just what the f.

"Ba't mo iniistalk ang fb account ni Ziall?" 

Etong buang na 'to. Tilian ba daw ang album of profiles ni Ziall?!
Oo na! Pogi nga sya. Halata namang fckboy. Sus. Tsk tsk.May highlight pa ang buhok. Idol ata si Zayn sa music video ng Live while we're young at Kiss you. Pero iba si Malik syempre!

Naku. Kilala ko pa naman ang loka. Kapag nagka-crush todo-todo! Malupit pa ang stalking skills. YEAH. STALKER YAN SA CRUSH NYA. TANONG NYO PA SA DATI NYANG CRUSH NA SI DAVID. HINDI NAMAN SYA PINAPANSIN NG KUPAL NA 'YON! ASAR NA ASAR NA NGA AKO SA KATANGAHAN NYA DUN E!! TAPOS MAUULIT NA NAMAN?!!

"Ang gwapo nya bessy! I think, makaka-move on na  ako kay ano." Lumungkot yung tono nya.

Binatukan ko naman sya. Isa lang. Kanina pa ako nagpipigil e!

"Makabatok ka naman dyan!"
Angal nya.

"Para matauhan kang loka ka! Anong gwapo? Yuck. Fuckboys be like kamo!! At anong MOVE ON??!! Dyusko naman Jhayce! KILABUTAN KA NGA! HINDI NAMAN NAGING KAYO NI DAVID EH!!!"

Kainis! Nakakainis talaga! As in!

>>.<<


Napatingin naman ako sa kanya ng mapansin kong parang paiyak na sya. Naman e. Tsk.

"Sorry."
Pinipilit kong hulihin yung mata nya pero nakayuko lang sya. Patay ka Mikka. Lakas mo rin kase mangrealtalk e. Ayan. Alam mo namang pagdating sa mga  crush nya emotional sya e. Patay ka. Magagalit na sayo ang bestfriend mo. Naku. Yari ka.

Haisst!

"Sorry na Jhayce. Hindi ko naman sinasadya na i-realtalk ka ng ganun. Alam ko naman na----"

"Okay lang. Hindi naman ako galit or sort of."

Sabi nya saka humarap ulit sa computer nya.

"Sorry ulit."

Sabi ko. Hinila ko yung isa pa niyang upuan dito at tumabi ako sa kanya.

"Pero ano na palang balita kay David?"
Bigla kong tanong.

"Maayos naman sya. Alam mo na. Enjoy sya sa college life nya."

She faked a smile. Para naman kaseng timang yung tanong ko. Haaaaaaaaaaaaaay.
What to do? Hindi pa naman ako marunong mag-comfort. Naman kase e! Kaya ayaw na ayaw ko sa mga love love na yan e. Masasaktan ka lang.

"Teka asan na pala yung sinasabi mong babawi ka sa akin?"

Naalala ko sinabi nya kanina babawi sya. Diba?

Ngumiti sya. Tapos may kinuha sya sa cabinet nya.

"This."

Saka nya inabot sa akin yung CD.




















YUNG NEW ALBUM NG 1D!!!!

T_T

Kahit mapera kami hindi ako gumagastos para dito e. Kahit super fangirl ako. Eh kase nga sayang. Kuripot pati ako.
Lol.

Mahigpit ko syang niyakap! Ang swerte ko talaga sa bessy ko!

"Nalaman ko na may new album release sila. Kaya ayan. Bumili ako kahapon."
Nakangiti nyang sabi.
Para namang tutulo na yung luha ko.

"SUPERTHANKYOU SHENG!!!!!"

"Welcome!"

Nagyakapan ulit kami.

Tiningnan ko agad yung Songlists. Takte wala na si Zayn. Ano na kayang tunog nito? Hmmm :((((

Bumalik ulit ang atensyon namin ni Bessy sa Comp nya. Binabasa nya yung notifs nya. Sa aming dalawa mas Active sya.

Nagkatinginan kami ng makarinig kami ng sigawan sa baba.









Jhayce:  >>.>>












Ako: <<.<<











Agad kaming nanakbo pababa ng hagdan.



At.....









To be---------

Love Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon