Chap 7: Another friend

95 9 0
                                    


Dedicated to Mssleo WP
:))) SALAMAT SA VOMMENT!

--------------------------------------------------




Hindi ko alam kung kakambal ba ng dati naming teacher si Maam Carinan. Napakaprangka nya. Walang preno. Pakiramdam ko tuloy hindi ako masyadong lalapit sa kanya.

"Two manila papers.
Two cartolinas.
Pilot pentelpen.
Colored papers.
Ruler.
Plastic envelope."

Napaangat ako ng tingin sa pwesto nya. Okay. Dapat pala in-on ko yung voice recorder sa phone ko. Ang bilis bilis kaseng magsalita. Para na tuloy sulat ng alien ang gawa ko. Tsk. Bahala na yan. Ako naman ang may sulat. Maiintindihan ko rin ito.

"And coloring materials. Alam nyo na yan. Nag-kinder naman yata kayo. Basta bukas, ayokong may makitang may naghihiraman. Nahihiya naman siguro kayong matawag na pulubi, right?"

Pansin ko ang laki pala ng mata ni Maam. Dyusko lang. Nakakatakot siguro makita yung mas lalaki pa dyan. x)

"That's all for today.
See you tomorrow 11- Newton."

Saka sya parang model na lumabas ng room. I sighed.

"I'll ask her identity to Ate.
Hindi ko kinakaya pagmamaganda nya. For fck's sake, teacher sya. And she's supposed to teach us. NOT just sit infront and text with someone else."

Iritang sabi ni Jhayce.

"Yeah. I agree."
Napatingin ako sa nagsalita.
Tiningnan ko yung nameplate nya.

She gave her right hand to me and her left to Jhayce.

"Hi! I'm Danielle Rivera. Dane for short. Nice to meet you girls!"
Masigla nyang bati. Inabot namin yung kamay nya.

"Hello Dane.."
Nakangiti kong sabi.

"Hello din. Nice to meet you too."
Sabi naman ni Jhayce.

Nginitian sya ulit ni Dane.
Ang kyut ng dimple nya. Ang lalim. Sarap dutdutin. Jolly sya tulad ni Jhayce.

Nakapwesto sya sa harapan namin. Pero medyo isang hakbang kase ang layo.
Para hindi magdaldalan kapag oras ng klase, pinaglalayo talaga hahaha ^^ inilapit nya yung upuan nya. Sinilip ko yung pinto. Wala pa naman yung next teacher namin.

"Yang Carinan na yan, akala mo dyosa. Hmp. Mas maganda naman ako sa kanya." she said while rolling her eyes heavenlywards.

Nagkatinginan kami ni Jhayce.

Yes. She is. Maputi sya. Slim. Sakto lang ang height nya. Ang astig ng kulay ng buhok nya.
Brown tapos yung dulo kulay pink. Taray diba? *.*
Allowed naman ang may kulay ang buhok sa amin. Hindi nga lang pwede ang rainbow style. Grabe lang. A-aura ang peg? HEHEHE =)

"Dejoke lang haha!"
Natawa rin kami sa tawa nya. Gusto ko sya. Teka baka kamag-anak sya ni Jhayce?! Parehas sila e... dejoke din. Pssh

"Sorry FC ako ha?"

"Hindi okay lang."
Sagot ko. Tumungo naman si Bff.

Napatingin sya sa nameplates namin. Oo nga pala. Hindi pa kami nagpapakilala.

"Mikka pala."
I said. She smiled again.

"Wait."
Natigilan sya at tinitigan sandali si Jhayce. Parang ineeksamin nya ang mukha nito.

"Related ba kayo ni Maam Celine? Kahawig at ka-surname mo sya."

"Sisters."
Tipid nitong sagot.

"Uhhh. I see. Magiging PE teacher natin sya right? JUDO yun! So excited!"

Wow. Kung madaldal si Jhayce mas madaldal pa pala 'tong si Dane.

Napaikot sya sa harap nang...

"Magandang umaga klase."

Dumating na ang Filipino teacher namin. Bale last period na namin. First subject namin ang Humanities- Sir Louis, sunod English- Maam Faith, tapos Math- Maam Beth. Then break time 20 minutes. Tapos Science. Then eto. Ganito sched namin kapag Monday to Thursday. PE Class namin sa Friday.

Yes. Makakaraos na rin ang first day of class namin!

Gil Bogate ang name ni Sir.
Mabait siya. Pero nasesense ko na strict sya. Maloko rin sya.
Nagpapatawa at kahit may edad na, marunong syang makipag-sabayan sa amin. Alam nya yung limits nya. Tawa nga kami ng tawa. Sabi ni Jhayce naniningkit na daw ang mata ko. Hahaha. Sorry na XD

"Huwag kayong magpapakulong sa kahon. Lagi niyong isipin na humanap ng paraan para makalabas kayo sa kung saan mang kinalalagyan nyo."
Seryoso nyang turo sa amin. Lalim nuh? Partida. Nagpadrowing pa sya ng kahon sa isa naming kaklase na lalaki. Pasmado nga yun e. Kulu-kulubot yung drawing nya. Nanginginig kase. Onemig ang pangalan. Mahilig daw kase sa kape. Ayon. Nerbiyoso. Laughtrip diba? Ang cool pala ng mga classmates namin!

Si Sir naman kase. Kahon lang, pinadrawing pa. Iba rin e.

Nung magbell na, naghiwalay na kami ni Jhayce. Sabay daw sila ni Ate Celine.

"Okay. Dadaan naman ako sa Expression. Bibili ako ng ibang requirements na wala ako. Bye bessy!"
Sabi ko saka sinuot ko na sa likod ko yung backpack ko. Lumapit naman sa amin si Dane.

"Bye girls! See you tom!"

"See you!"
Sabay naming sagot. Saka sya lumabas. Uwian na pero ang taas pa rin ng energy nya. Ibang klase.




























----------------------------------------------------
Yohooooo! Kaway kaway sa mga classmates ko na nagbabasa ng story na 'to!
Lalo na yung STAR! Jusme! Miss na miss ko na kayo mga kumag!
Saka sa new bessy ko na si mimoi! Yieeeeeeee<3
Magbabasa ako mamaya ng story mo! Basahin nyo rin daw po.
Love's story ang title. Mema lang daw yun. Haha!
Salamat po ulit sa mga nagbabasa! Maraming salamat!
Pramisss maganda ang susunod na eksena. ALAM NYO NA YUN. HAHAHA!

PS: Pinalitan ko po yung surname ni Mikka, from Zepeda to Telesforo. Naalala ko po kas yung isa ko pang cm na si Antonith Telesforo! Nasa THIS TIME SYA. Kasama po sya ni Nadz sa pagpepaint. Taray nila artista na ^^

VOTE/COMMENT/FOLLOW/SHARE

;)

-TINE

Love Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon