CHAPTER ONE: MY WORLD

254 28 36
                                    

"ANO TUTUNGANGA KA LANG BA DIYAN HA LUMABAN KA..." sigaw ng isang lalakeng nasa dalawampu pataas ang edad.
Sinuntok niya ang batang babae na nasa lapingapat na taong gulang kaya napaupo ang kawawang bata sa sahig habang umiiyak.

"LUMABAN KA HUWAG KANG TATANGA TANGA" dagdag pa ng lalaki at sinakal ang bata kasabay ng  paghagis niya nito sa pader na parang aso lamang.

Pilit na tumayo ang bata habang umiiyak parin
At inatake niya ang lalaki. Nailagan naman ng lalaki ang lahat ng nabibitawang suntok ng bata at dahil sa inis ng lalaki dahil sa pinapakitang kahinaan ng bata sinuntok niya ang bata at sinampal.

"ANG HINA MO LABANAN MO AKO" sigaw pa niya at muling sinuntok ang bata.

Napahiga sa sahig ang bata habang umiiyak. Marami na rin sugat ang kanyang natamo. Tumutulo na sa sahig ang mga dugo niya galing sa lahat ng kanyang sugat....

"HINDI AKO MAHINA" mahinang pero madiing sabi ng bata .

"Kung hindi ka mahina ipakita mo sa akin ngayon kung ano ang kaya mong gawin... LABANAN MO AKO" madiin at maawtoridad na sambit ng lalaki.

Tumayo ang bata at hindi na siya nagdalawang isip na sugurin ang lalaki. Dinambahan niya ito ng suntok. Suntok na mas malakas pa sa pagsuntok ng lalaki...

"Hindi ako mahina...hindi ako mahina...hindi ako mahina" paulit ulit na sambit ng bata hanggang sa  palakas ng palakas ang boses.

Tumigil ang bata at napaluhod siya dahil na rin sa pagod.

"Tulungan mo ako..... n-n-natatakot ako" umiiyak na sabi ng bata.

Lumuhod rin ang lalaki upang mapantayan niya ang bata at hinawakan niya ito sa kanyang baba upang maiangat ang tingin niya sa kanya.

"Hindi ka matatakot kung lumaban ka hindi ka mahina kung magpapakatatag ka...hindi ka NIYA sasaktan kung matuto kang lumaban" madiing sabi ng lalaki at tumayo na tinulungan rin niyang makatayo ang bata .

"LABANAN MO AKO" sigaw niya at sinunod naman ito ng bata.

Inatake niya ang lalaki. Sinuntok niya ito sa mukha, sinikmuraan pa niya ang lalaki, tinuhod niya. Paulit ulit niya itong ginawa at inaatake rin siya ng lalaki pero nakaiwas agad siya .

Ngumisi ang lalaki

"Ganyan nga lumaban ka... lumaban ka para mabuhay, matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa at huwag aasa sa iba, magtiwala ka lang sa sarili mo na KAYA mo ito huwag lang susuko sa labang sinimulan mo at tanging ikaw rin ang makatatapos at ito ang tatandaan mo LUMALABAN KA DAHIL SA KANYA UPANG IPAKITA NA KAYA MO NANG WALA SIYA" seryosong sabi ng lalaki at tinalikuran niya ang bata na umiiyak.

Tumango ang bata kahit na hindi ito nakita ng lalaki pinunasan niya ang luha niya at nagbitiw ng salitang nagpangiti sa lalaki.

"IPINAPANGAKO KO SA ARAW NA ITO ANG HULING BESES NA MAKIKITA MO AKONG UMIYAK... MAGPAPAKATATAG AKO...LALABAN AKO HINDING HINDI AKO SUSUKO... PAPATAY AKO...PAPATAY AKO KUNG KINAKAILANGAN... BABAGUHIN KO ANG BATANG BABAENG SINAKTAN AT INIWAN LANG".

————~~~~~————






4 YEARS LATER

"ANG HIHINA NIYO PARA KAYONG MGA MATANDANG MAY ARTHRITIS" sigaw ko sa mga lalaking kinakalaban ko.

Nandito ako ngayon sa isang madilim na eskinita at nakikipaglaban sa mga anim na lalaki. Sinundan kasi nila ako kanina habang papauwi ako at hinaras nila ako kaya napikon ako at nauwi ito sa pakikipagpatayan este pakikipag bugbugan pala.

Dahil sa galit sinuntok ako ng isa pero agad ko nasalo ang kanyang kamao at pinaikot ko ito sa kanyang likuran habang dinidiinan ito. Sumigaw ang lalaki dahil sa sakit kaya masdiniinan ko pa hanggang sa

~creeek~

Sinyales na naputol ang kanyang buto sa braso. Tinulak ko siya sa sahig habang siya naman ay namimilipit sa sakit.

Sunod na umatake ang apat. Tumakbo sila ng sabay sa direksyon ko at sabay sabay na sinuntok ako pero nakaiwas agad ako at napaumupo sa sahig kasabay ng pagpatid ko sa kanilang apat. Tumayo ako at sinipa ng sobrang lakas ang tagiliran nila at may narinig naman ako tunog ng pagcrack ng ribs nila.

Sunod na umatake ang LEADER nila at mabilisan niya akong sinipa sa tagiliran ko pero na pahawak agad ako sa hita niya at ilang beses kong siniko ng malakas ang kanyang tuhod at sinisiguradong hindi na siya makakalakad pa.

Isang nakakabinging sigaw ang lumabas sa bibig niya dahil sa ginawa ko sigaw na nagpapakita kung gaano siya natatakot sa sunod kong gagawin.

BUT their scream, fear and begging for mercy is my happiness and KILLING is my happiness...

Tinadyakan ko ang leader nila as my FINISHING TOUCH at humarap sa kasamahan nila.

At dahil magbff kami ni DANGER,

Isang hollow block ang tumama sa right side ng noo ko na ikinatumba ko. Napapikit ako ng sandali atdinama and sakit at dahil na rin sa nahihilo ako.

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang lalaking pinilipit ko sa braso na nakatingin sa akin ng masama.

Tumayo ako at hindi ko ininda ang sakit at hilo ko at inatake ko ang lalaking nagtapon ng hollow block sa ulo ko, sisipain ko sana siya  pero narinig ko ang siren ng mga pulis kaya sinuntok ko nalang siya sa ulo na ikinawala ng kanyang malay. Dali-dali akong umakyat sa malapit na pader at dahil sa sobra na talaga akong nahihilo hindi na ako nakababa pa ng husto nahulog na lang ako. Napagulong ako sa damuhan at nakaramdam uli ako ng pagkahilo.

Shit naman oh. 

Narinig ko sa kabila ang paparating na police kaya mabilis akong tumayo at gumewang gewang na naglakad paalis sa lugar na yun pero,

Natumba ulit ako at

——BLACK OUT——


Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Tumingin ako sa kisame at inikot ko ang mata ko sa paligid.

'Hindi ko to kwarto ah asan na ba ako' tanong ko sa isip ko.

At nasagot agad ito ng may nagsalitang lalaki sa pintuan.

"Your at my house" sabi niya.

Well sa katunayan kilala ko siya, siya yung lalaking tumulong sa akin at siya ang palagi kong kasama noong nawalan na ako ng PAG-ASA.

FUEGO WARD.

Yan ang kanyang pangalan.

"Why am I here?"tanong ko at kinapa ang noo ko .

T-teka ba-bakit may bandage ang noo ko.

"You don't remember... well you are DANGER and what's new about that.

You were on a fight with someone and this someone throw you a hollow block and then boom... " kwento niyang wala naman kakwenta-kwenta.

Pero ano raw 'throw a hollow block'.

Ah yeah yun pala ang nang yari sa akin nawalan ako ng malay nung tumakas ako doon sa eskinita.

"One of my MEN found you inside the forest near your apartment kaya ka nila kinuha at dinala ka dito sa bahay ko" dagdag pa niya.

Ah so kelangan sa bahay pa niya... eh sinabi naman niya kanina na malapit sa apartment ko so why bother take me here.

"At dahil nandito ka rin sa MUNDO ko dito ka na titira at lahat ng gamit mo doon sa apartment mo nakuha ko na and na enroll na rin kita sa academy dito" mahabang paliwanag niya pero tanging.

'Blah blah blah blah' Lang ang narinig ko pero dalawang word lang ang pumasok sa tenga ko at prinoseso ng utak ko at ito ay ang

MUNDO KO.

What does he mean by mundo ko?

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya

"Welcome to VAMPIROS MAGICOS KINGDOM".

-----------

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon