CHAPTE 15: MY JOURNEY

116 23 23
                                    

Napamulat ako ng mata dahil sa kakaibang boses at linguahe na naririnig ko sa paligid. Tumingin ako sa paligid at tanging mga kakaibang halaman ang aking nakikita yung bang mga pang seaweeds.

May mga isda ring lumalangoy-------







Napabalikwas ako ng bangon teka bakit may mga isdang lumalangoy. Kinurap kurap ko ang aking mga mata pero hindi eh talagang totoo ang aking nakikita. Tumingin ako sa paa ko at

THE FUCK......  WHAT HAPPENED TO ME....

BAKIT AKO GANITO........ THE FUCK HOW ON EARTH

Nakatingin lang ako sa binti ko o talaga bang binti ang tawag dito......

Hindi ako makapaniwala... hinawakan ko ang binti ko at nararamdaman ko pa naman ang haplos at lamig ng aking kamay.....

"Gising ka na pala binibini"

Napa angat ang tingin ko sa at hinanap kung saan nanggaling ang boses at halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakikita.....

Is this even real??

Kinurot ko ng konti ang aking sarili at totoo nga ang aking nakikita...

"Malamang ay naguguluhan ka sa iyong nakikita at sa paligid...... pero nandito kaya pala sa





UNDERWATER KINGDOOM"

dalawang salita lang ang pumasok sa akin isipan

UNDERWATER KINGDOOM

Bakit ako nandito at bakit..... tumingin uli ako sa binti ko

O sa mas tamang tawaging BUNTOT KO

Hindi ko alam kung anong nangyari pero may buntot ako na parang sa sirena at kulay red ito...

tapos ang babaeng nasa harapan ko ay isa ding sirena pero ang pinagkakaiba lang ay yung kulay ng buntot niya kulay green.

"Ako nga pala si Sabrina ang prinsesa dito sa underwater kingdon" pagpapakilala niya

Tumayo ako------ ay lumangoy pala ako papataas

"Bakit ako nagkaganito?" Tanong ko at tinuro ang buntot ko

Isang ngiti lang ang kanyang isinagot at lumapit sa akin hinawakan niya ako sa braso

"Tara labas tayo......" sabi niya at hinila ako papalabas

Paglabas namin sa ewan kung anong tawag nila doon pero isa itong MUSHROOM na sobrang laki at kulay orange pa ito at pati narin pala dito sa labas iba ibang kulay din ang kulay ng mga kabute.

"Alam mo ngayon lang ako may nakasalamuhang ibang sirena.... ay hindi ka pala totoong sirena pero ngayon lang talaga ako nakasalamuha ng ibang uri ng nilalang dahil narin sa posisyon ko" kwento niya at ngumiti

Lumangoy kami papunta sa siyudad nila at kakaiba ang siyudad nila. Nakakamangha dahil parang sa normal world lang ito pero ang pagkakaiba ay sa ilalaim lang ito ng tubig.

Habang lumalangoy kami tumitingin sa akin ang mga ibang sirena siguro dahil kakaiba ang kulay ng buntot ko hindi kagaya nila na green lahat.

"Bakit pala ako naging...... ah kagaya niyo"naiilang na tanong ko

Tumingin siya sa akin at ngumiti

"Mamaya mo na lang yan itanong masasagot din naman lahat ng iyan at matutulungan ka din naman namin sa misyon niyo......mo" sabi niya

Kaya napatango nalang ako

Ipinasyal niya ako sa siyudad nila. Nakakatawa nga dahil may MALL sila dito at akalain mo ang mga damit NILA na binebenta yung gawa sa kakaibang uri ng dahon lahat pero may mga magagandang disenyo.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon