CHAPTER 28: 'She Killed Her'

96 16 8
                                    

Danger POV

"ONE MORE" sigaw ko sa bartender...

"Ah ma'am nakakailan na po kayo at baka-----" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil tinutukan p siya ng baril

"May reklamo ka" malamig kong sabi

Sunod-sunod naman siyang umiling at nilapag niya ang isang bote ng beer. Tinungga ko lahat ng laman nito at kumuha pa ng isa.

Nandito ako ngayon sa bar.
X RATED BAR kung tawagin. Ang totoo niyang kanina pa ako  kaya nakakailan na rin ako pero hindi parin ako nalalasing. Tapos itong walang kwentang bar tender na ito kanina pa reklamo ng reklamo. Anong akala niya sa akin walang pera. Tss bilhin ko kaya itong bar na ito.

Gusto ko lang naman makalimot kahit konte pero parang walang epekto yung mga alak na iniinom ko.

Huminga ako ng malalim at napapikit.

"Please save my daughter"

Puta...  Malakas kong hinampas ang table kaya naman may mga iilan na tumingin sa direksyon ko.

Akalain niyo anak pala niya yung Cassandra-bitch na yun. Kaya pala niya ako iniwan noon dahil may anak siya na mas mahalaga pa kesa sa akin. Tss napakawalang kwenta niya.
Lahat naman ginawa ko ah..  Naging top ako sa school at sa lahat lahat. Sumali ako sa mga competitions para lang maging proud siya sa akin pero anong ginawa niya.

"Mommy.. Mommy.. Tignan niyo oh ang dami kong medals...  Nananalo po ako. Tapos ako po yung first honer." Masaya kong sabi sa kanya pero hindi siya nagsalita at patuloy parin sa pagtratrabaho.

"At mommy.. Family day po namin next week. Mommy punta ka ha... Gusto ka raw makilala ng mga guro ko dahil raw-------"

"ANO BA... KITA MONG MAY GINAGAWA AKO EH.." galit na sigaw niya sa akin

Napatigil naman ako sa pagsasalita dahil sa sigaw niya.

"Mommy gusto ko lang naman-----"

"ANO BA...  UMALIS KA NGANG BABAE KA DITO NAKAKAISTORBO KA.. KUNG GUSTO MONG PUMUNTA SA WALANG KWENTANG FAMILY DAY NA YAN EDI PUMUNTA KA.. " sigaw niya

Umiyak lang ako habang takot na takot na nakatingin sa kanya.

"Umalis ka sabi eh...  MANANG... MANANG..." tawag niya sa yaya namin

"B-bakit po ma'am"
"Ikulong mo ito sa kwarto niya. Nakakaistorbo" sabi niya

Napangiti ako ng mapakla nang maalala ko naman ang mga sinabi niya sa akin. Parati na lang ganyang ang ginagawa niya sa akin. Umuwi siya noon galing sa business trip niya tapos kinukumusta ko lang naman siya kaya lang bigla na lang siyang nagalit at pinalabas ako ng bahay kaya ayun may kumidnap sa akin. Muli akong nagbalik tanaw sa aking nakaraan.

"Yaya ngayon po ba ang uwi ni mommy?"nakangiti kong tanong kay yaya. Ngumiti ito pabalik at
"Oo anak ngayon siya uuwi" sagot niya.  Pagkalipas ng ilang minuto may narinig akong bumusina sa labas kaya tumakbo ako sa labas upang salubungin siya.

"Mommy mommy.. Kumusta po kayo?"tanong ko sa kanya

"Hwag ngayon okay..  Pagod ako" sabi niya

"Mommy alam niyo po may friends na po ako sa---"

"SABING PAGOD AKO.. HINDI KA BA NAKAKAINTINDI" galit na sigaw niya at mahigpit na hinawakan ang braso ko sabah kaladkal ako palabas ng gate.

"Diyan ka muna" sabi niya at nilock ang gate.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang. Ilang minuto pa ang nakalipas ng may isang itim na van ang tumigil sa tapat ko at may lumabas dito na lalaking nakakaitim tapos tinakpan nila ang aking ilong.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon