CHAPTER 39: YOU

32 5 1
                                    

Cassiopeia POV

It's been a week since I woke up. Nakausap ko na rin si Cassandra at Briana tungkol sa lahat ng napanaginipan nila noong nasa lab pa sila. 

I really intended to let the two of them see what happened to me back then.
Alam naman ni Sandria ang lahat pati na rin ang tungkol doon sa nagpapanggap.

Sabi niya sa akin na naikwento raw sa kanya ng dad namin ang tungkol sa mom namin. Sabi niya na mabait raw siya, mapagmahal, hindi nananakit ng iba at doon nalaman niya na ang kinakasama niya ay peke lang. Sabi niya na mas swerte raw ako dahil kahit papaano nakasama ko ang totoong mom namin.

Lahat nang sinabi ko sa kanya at lahat ng ipinakita ko sa harap ng nagpapanggap na yun ay masasabi kong acting lang.

Nagpanggap rin naman ako sa harap niya na apektado ako sa lahat ng naipapakita niya para maniwala siya na hindi ko pa alam na fake siya.

Naglalakad ako ngayon papunta sa fountain. Dito sa pagitan ng gate at ang main door.

Tinitigan ko ng nabuti ang babaeng nakahawak ng violin at napangiti ako ng mapakla. Alam kong magagaya rin ako sa kanya.

Nagiiba na ang kulay ng statue ng babae. Kung noong gold na gold ito,ngayon naman nawawala na ang kulay nito.

Indeed, time really run so fast. Hindi mo namamalayan ang paglipas ng panahon.

"Cassiopeia"

Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"ChainI called his name.

Ngumiti ito gaya ng dati pa niyang ginagawa. Chain has a friendly personality kaya sa lahat ng nilalang nakikipagkaibigan siya pwera na lang sa taong plastik sa kanya.

"It's been a while since I saw you. You're just 12 that time" sabi niya at umupo siya sa gilid ng fountain sabay senyas sa akin na lumapit.

Umupo ako sa tabi niya at nagbuntong hininga.

"If you are here to reminder me about my mission. Can you give me enough time to do it" walang padalos dalos kong sabi na ikinatawa niya.

"Haha ikaw talaga wala naman ako dito para pagsabihan ka tungkol sa misyon mo but since you mentioned it, " Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

"I can't give you what you asked for. You can't asked the time to stop just for you to do you're mission. I gave you enough time to do that" sabi niya. Napatayo naman ako dahil sa sinabi niya.

"You can do that. You can stop the time. You have this power to manipulate the time and space so you should stop the time to let me do my task" I commanded him..

"Don't tell me what to do. Hwag mo akong diktahan kung ano ang dapat kong gawin. Kung alam mong darating din ang araw na mawawala ka dapat ginawa mo ito ng mas maaga. Bakit? Dahil may nagugustuhan ka na. Dahil may kaibigan ka na. Dahil okay na kayo ng pamilya mo. Tandaan mo ito ikaw ang dahilan kung bakit nabuhay ang dapat na patay ngayon. Kaya ikaw ang dapat na gumawa nito" galit na bulyaw niya at tumayo na rin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kwintas.

"Nakikita mo kung ano ito?" Tanong niya pero di ko siya sinagot.

"Ito ang nagsisilbing buhay mo. Kung naubos na ang sand sa hourglass na yan at nagawa mo na ang misyon mo ibigsabihin tagumpay ka na. This is between your life and death. It's a matter of life and death I should say. If you don't do this you will suffer and be a prisoner of your past" mahabang paliwanag niya.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon