CHAPTER TEN: FORBIDDEN FOREST

108 24 27
                                    

ASHLEY HEART POV

Hi I'm Ashley Heart, an air controller and time manipulator meaning I can stop the time and can slow the time.

At kanina lang pagkatapos naming magtraining nilapitan namin ang new friend ni Briana.

Ang totoo niyan kanina ko pa siya tinitingnan hindi sa lesbian ako ha. Ano... nakakaakit kasi yung ganda niya kaya lahat ata ng mga vampire dito napapatingin sa kanya kahit na yung mga may stiff neck pati yung mga bulag.

Yung mga bakla naiinlive na rin.

Tapos nung nilapitan na namin siya syempre pinakilala ako ni Briana sa kanya tapos bigla na lang siyang nagtanong .

"Kilala mo ba si Thana?" Tanong niya na ikinabigla ko at the same time ikinataka ko.

Teka yung sinasabi ba niyang Thana at ang Thana-ng kilala ko ay iisa.

"Thana?" pangsisigurado ko.

"Lighthana Heart" sagot niya na ikinabigla ko ulit at ikinalungkot ko.

Hearing hear name makes me feel the pain...

I gave her a slight smile pero kahit na ngumiti naman ako hindi parin nito matatakpan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

"Oo" sagot ko at umupo sa tabi niya.

Kilalalang kilala ko siya dahil siya ang babaeng nagluwal sa akin dito sa mundo, siya ang babaeng noon ko pa gustong makasama pero hindi na pwede dahil wala na siya.

Si LIGHTHANA HEART ang aking INA.

"Ang totoo niyan mommy ko siya" sagot ko habang nakatingin sa langit hoping na nakatingin rin si mommy sa akin.

Tumingin ako sa kanya dahil bigla siyang natahimik ang lalim ng iniisip niya .

Ano kaya ang iniisip niya at bakit kilala niya si mommy.

Tumingin uli ako sa langit.

Miss na miss ko na si mommy. Sana nandito siya para makita niya kung paano ako lumaki,

"Nasaan siya?"tanong niya .

Nasaan siya?...... seriously.

Gusto kong tumawa dahil sa tanong niya pero hindi ko ata kaya dahil masakit.

Hinahanap niya sa akin ang babaeng hindi ko pa nakikita.

Tumulo ang luha ko dahil naalala ko naman ang sinabi ng umampon sa akin pagkasilang ko pa raw namatay na agad siya dahil sa mga dinaranas niya noong pinagbubuntis niya pa ako.
Sobrang stress raw siya tapos sobrang pagod na pagod siya kaya hindi na nakayanan ng kawatan niya. Ang swerte ko raw dahil kahit na sobrang pagod si mommy nagawa pa rin niya akong i-silang dahil raw gusto niyang makita ko ang mundo,

pero ano ba ang mundo, kung wala siya sa mundong ginagalawan ko kung alam kong magisa na lang ako.

"Wala na...wala na...wala na siya sabi nila sobrang stress at sobrang pagod kaya di na niya nakayanan"umiiyak na saad ko.

Napatigil ako ng may biglang yumakap sa akin napatingin ako sa kanya na ngayon ay yakap yakap ako.

"Ssshhhhhh... your mother is a great person... she sacrife everything just for you... at kahit na wala na siya nandiyan parin siya nakabantay sayo" mahinang sabi niya.

Tinanggal ko ang pagkayakap niya sa akin at tinitigan siya.

Kilala niya ang mommy ko pero paano?

"Y-y-y-you k-k-know h-her?" Tanong ko pero imbes na sagutin ako isang ngiti ang sinagot niya.

Ngiting totoo... at ngiting nakakagaan ng loob.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon