CHAPTER 38: Fake

34 3 1
                                    

Ashley POV

Isang linggo na ang nakalipas ng magamot nga ni Diana si Sapphire. Pero hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Siguro ganun katindi ang black magic na pumasok sa katawan niya.

Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko magawang hindi marinig ang mga pinaguusapan ng mga bampira dito.

"Buhay sila"
"Hindi nga ako makapaniwala"
"Parang kahapon lang nang may ipainom sa kanila si Sapphire"
"Oo nga kala ko patay na sila"

At kung ano ano pa.

Pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad ng may makita akong dalawang bampirang sobrang pamilyar. Nakasuot sila ng itim.

Sobrang talaga silang pamilyar ng...

"Cassandra/Briana"  hindi ko na nakita kung sino ang nakasabay ko sa pagsigaw dahil mabilis akong  tumakbo sa kinaroroonan ni Briana at niyakap siya.

"Akala ko wala ka na" humahagulgol kong sabi.

Niyakap lang niya ako ng pabalik at sa pagkalas ko sa pagkakayakap tumingin ako sa kasama niya.

"C-Cassandra?" Nagtatakang tanong ko. Kasama niya ngayon si Axcel.

"Magkasama kami ni Cassandra" sagot ni Briana.

"Saan kayo ngaggaling?" Tanong ni Axel kay Cassandra pero nagkatinginan lang sila ni Briana.

"Mahabang kwento pero ang taong nagpainom saamin ng kakaibang likido ang dahilan kung bakit buhay pa kami" mahabang paliwanag niya.

"Si S-sapphire?" Tanong ko na ikina ngiti niya.

"Nasaan siya?" Tanong niya yumuko lang ako at sinamaan sila kung nasaan si Sapphire.

"Anong nangyari sa kanya? hindi makapaniwalang tanong ni Cassandra ng makita ang kalagayan ng kapatid niya.

"Si D-draco ba ang may gawa nito?" Galit na tanong ni Briana.

"Paano mo nalaman?" Singit naman ni Dianna.

Hindi niya siya sinagot at nilapitan lang si Sapphire.

"Kung hindi dahil sa kanya... Malamang patay na kami" kwento nito.

"Dahil doon sa likidong pinainom niya sa amin kaya kami  nabuhay muli. Pinalabas niya lang na namatay na kami para maguluhan ang mga bampira dito lalong lalo na ang mga higher officials. Gusto niyang ipalabas na siya ang may kagagawan sa mga krimen na nagaganap dito"kwento niya.

"Pero bakit niya iyon nagawa kung hindi naman talaga siya ang may kasalanan sa pagpatay?" tanong ko.

"Sapphire has her own reason in doing that and the least thing we can do is to let her do what she wants" sagot ni Cassandra.

Hindi na kami umimik pa at tahimik lang kaming nakatingin kay Sapphire.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng biglang may pumasok sa kwarto.

"Cassandra"

Diana POV

Nakatingin lang ako sa bampirang pumasok dito.

"Mom" sabi ni Cassandra at niyakap siya.

"Buhay ka... Ang akala ko wala ka na. Saan ka ba galing ha? Kumusta ka na? Wala bang masakit sayo?" tuloy tuloy na tanong niya kay Cassandra.

Nakatingin lang ako sa kanya ng masama.

"I'm okay mom" tanging sagot ni Cassandra at hanggang ngayon hindi parin sila naghihiwalay sa yakap.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon