CHAPTER 25: FLASHBACKS

93 22 10
                                    


DANGER POV

Nandito ako sa harap ng isang waterfalls. Nakahiga ako sa damuhan habang nakatingin sa langit. Ang gandang pagmasdan ng langit lalong lalo na na kakulayan nito ang dagat.

"uy Sapphire..kanina ka pa diyan ah... halika na kakain na tayo"

tumingin ako sa pinanggalingan ng salita at ngumiti ako ng makita kong si Thana ito. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"tara na baka maubusan tayo.. alam mo naman ang magkapatid na iyon" sabi ko at hinila siya papunta sa pastilyo.

------

"nandito na pala kaya. Umupo na kayo at kakain na"  sinunod naman namin ang sinabi niya at umupo kami sa harap ng dalawang lalaki. Sina AQUARIUSE AT MONDRAGON.

"siguro gutom ka na no?" mapangasar na sabi ni Mondragon sa akin. Ngumiti ako sa kanya at

" hindi naman masyado.. gutom na gutom lang" sagot ko na ikinasama ng tingin niya. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

"ano ba tama na yan. kumain na lang kayo" sabi ng mama nila kaya gaya ng sabi niya kumain na kami. Sanay na rin naman kasi sila na marami akong kinakain. kumuha ulit ako ng kanin at tsaka ulam ng magsalita ang reyna.

"Cass..." mahinahon na tawag niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya

"bakit po?" tanong ko. Ngumuti siya  bago magsalita.

"ilang buwan ka na rito nakatira. Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo?" ang tanong niya na nakapagpigil sa akin. 

Hala anong sasabihin ko. Sasabihin o ba ang totoo na hindi ako taga rito. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Thana ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatinging siya sa akin na nagaalala kaya ngumiti ako sa kanya na nagsasabing okay lang ako. Tumingin ako sa reyna at ngumiti.

"wala na po akong mga magulang" sagot ko na ikinakunot ng noo niya

---------

Habang naglalakad lakad lakad ako, nakita ko si Thana sa garden na may tinititigan. Hinanap ko kung sino ang tinitignan niya at napangiti ako ng makita kung sino ito. Lumapit ako sa kanya at sinundot siya sa kanyang tagiliran.

"gusto mo siya no..uy aminin" pangaasar ko. mabilis na naging pula ang kanyang mukha at 

"hindi ah..bakit ko naman yan magugustuhan eh ang yabang yabang kala mo kung sino. Oo nga't gwapo siya pero kung makapagmalaki naman kala mo kung sinong gwapo." sagot niya

"ang dami mong sinasabi yes or no lang naman" sabi ko at tumingin kay Mondragon na tinitignan niya.

"hindi ko siya gusto" sabi niya. Tumingin ako sa kanya habang siya nakatingin kay Mondragon.

"oo na hindi-----"

" Mahal ko siya.." pagpuputol niya sa sinabi ko.

Tumingin ako sa kanya at napangiti. 

"hwag kang magalala. Gagawin ko alam lahat mahalin ka lang niya" sabi ko

isang paraan lang naman ang alam kong pwedeng paraan.



--------

Nanginginig akogn tumingin kay Thana. Nandito kami siya sa garden habang ako naman nasa malapit sa pinto at nakadungaw sa kanya. tumulo ang luha ko. Sana hindi ko iyon ginawa. Sana hinayaan ko na lang.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon