CHAPTER 23: PAIN

95 20 15
                                    

Danger POV

Matapos kong sabihin lahat kay Axcel ang nangyari. Hindi nga siya makapaniwala tinignan niya lang ako tapos bigla na lang niya akong iniwan.

What will I expect, siyempre iba na ang tingin niya sa akin.

Naglakad lang ako papalabas ng gate ng harangin ako ng dalawang guard.

"Saan ka pupunta miss?" tanong ng isa. Malamig ko silang tinignan at muling humakbang pero hinarangam nila ulit ako.

"Bawal pong lumabas na walang permiso ng Headmaster" sabi ng isa

"So" malamig na sabi ko

"So hindi ka makakalabas" sagot ng isa

Tss... Banatan ko sila eh.

"Wala pong nakakalabas dito sa gate ng hindi pa natatapos ang klase" sabi ng isa

"I don't fucking care" malamig na sabi ko

"Sorry talaga pero hindi po pwede eh" sabi ng isa

Wala na akong nagawa kaya tinalikuran ko sila.

Pumunta ako sa likod ng building dito kung saan may mataas na pader. Timingin ako kung gaano ito kataas.

'kaya to' sambit ko sa aking isipan

Naglakad ako ng ilang metro palayo sa pader at mabilis akong tumakbo dito.

I need to get out of here.

Mabilis akong tumakbo papalapit at mabilis na tumalon. Inapakan ko ang pader kasabay ng pagtalon upang maabot ang taas nito.
Naabot ko naman ito kaya umakyat na ako pataas. Binalanse ko ang katawan ko para hindi ako mahulog at ginamit ko ang aking hood.

Habang paisa isa akong naglalakad dito may biglang sumigaw sa baba.

"HOY SAAN KA PUPUNTA"

tumingin ako sa baba at nakita ang dalawang babae at may 4 na lalaking papalapit sa kanila na napatingin din sa gawi ko.

"BUMABA KA DIYAN" sigaw ni Briana

Oo sina Briana ang nasa baba. Anong akala nila sa akin uto uto. Tss... There's not turning back. Nandito na nga ako sa taas.

Binilisan ko ang aking paglakad pero sinisigurado ko paring balanse ang katawan ko.

"SABING BUMABA DIYAN EH..." sigaw ni Ashley

"HOY SINO KA BA HA... TUMIGIL KA SA PAGLAKAD KUNDI MALILINTIKAN KA" sigaw ni Briana

Sinusundan nila ako sa baba.

Ng makalapit na ako sa edge ng mahabang pader na ito. May dalawang bulding na dalwang metro ang layo sa isa't isa.

Tumingin ako sa baba.
"Bumaba ka na kasi sasaluhin naman kita. Wala ka nang iba pang madadaanan diyan pababa" sabi ni Ethan

Ngumisi lang ako at sinigurado kong nakita nila ito.

Tinaas ko ang isa kong kamay. Nakafold ito pwera lang sa middle at pointing finger ko. Tinapat ko ito sa gilid na aking noo at nagsalut ako sa kanila kasabay ng pagsabi ko ng,

"Adios"

Mabilis akong tumalon sa isang pader at mabilis ko itong inapakan. Tumalon pa ako sa katabi nitong pader at inapakan ko rin.

PARKOUR

ang tawag sa ginagawa kong ito. Ganun lang ang aking ginagawa hanggang sa nasa baba na ako.

Tumambling ako sa sahig at nagpagulong kasabay ng perfect landing ko. Naka half kneel ako at nakayuko yung isa kong kamay nakaflat sa sahig habang ang isa nakahawak sa hita ko.

Her Name Is DANGER.. beware!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon