STRIKTONG GABAY AT PATNUBAY !
• Ang susunod na eksena ay may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, at Horror na hindi angkop sa mga tanga. HAHA ECHOS! •
Someone’s Point of View
Hi? Kelangan ko pa bang magpakilala? Ang bakla naman! Ako nga pala si Mango Velazquez, ang pinagpapantasyahan, pinapangarap at pilit binibili ng mga babae. Ang bakla ng pangalan ko no, si mama kasi pinaglihi raw niya ako sa Carabao mango kaya pinangalanan niya akong ‘Mango’. Much better than Carabao =__= Nakakadiri man wala na akong magagawa! Kung may chance lang ako na ibahin yung name ko nung baby pa lang ako ginawa ko na kasi ang bakla pakinggan ng pangalan ko! I’m used to call Art in school, nickname ko na rin kahit sa bahay. Ang layo ba ng Art sa Mango? Pinalapit ko na wag mo ng problemahin! Problemahin mo yung mukha mo. Kaya kayo kung ayaw niyong sumabog mga mukha niyo tawagin niyo akong Art instead of Mango! 4th year high school na ako ngayong year sa Fort University, somewhere in Pasig. Exclusive school yun para sa mayayaman, kaya nagtataka ako kung bakit napasok ako dun samantalang mahirap lang kami.
May girlfriend na ba ako? Wala ang papangit kasi nila. Ginagawa rin nila akong walking wallet, pabili ng ganito, pabili ng ganyan! Samantalang meron naman silang allowance ako pa ang inuubliga na bumili ng mga gamit na sila naman ang gagamit! Palamunin ko pa! Kaya kayo bago maghanap ng girlfriend, isipin niyo muna kung kaya niyo magpalamon sa hindi niyo naman kaano ano. See? What if same tayo ng allowance, 1000 per week. 500 para sa girlfriend na di ba? Ano sila nakajackpot at hahatiin ko pa ang allowance ko para sa kanila, wag na uy. Wag ako ang gawin nilang wallet sa mga walang kwentang bagay na gusto nila. Bakla ako? Kung sipain kaya kita! Para clear, may naging girlfriend na rin naman ako pero ang babata pa nila, ang lalandi pa kaya brineak ko na lang. Meron din akong crush, si Christine Reyes nga ultimate crush ko eh.Tipo kong babae? Type ko mga sexy, parang si Sam Pinto, yung walang excess fats sa katawan! Ang kadiri kaya tignan? Di ba. Bakit ang daldal ko? Tanong kasi kayo ng tanong eh. Bakit ako may POV? Ewan ko sa abnoy na author (A/N: Gagu ka ah).
Andito ako sa bagong bahay ng kaibigan ko, Ka-ibi-gan hindi Kai-bigan! Magkaiba yun at hindi ako bakla, childhood bestfriend ko na rin tong gagung to eh. Tinutulungan ko kasi sila maglipat ng gamit, sa sobrang dami nilang gamit sana pati yung bahay nila sa Pasig dinala na rin nila.
“Ang dami niyo namang dala ni tita, bakit hindi niyo pa sinama yung mga bintana at pintuan sa dati niyong bahay” sabi ko kay Math. Kaming dalawa lang ang nagbubuhat ng mga gamit nila wala man lang hinire na taga buhat.
“tado. Ang dami mong sinasabi bakit hindi mo na lang ipasok lahat yan sa loob ng makauwi ka na” Sabi ni Math. Salamat pre ah! Pagkatapos kong magkawang-gawa pauuwiin na ako agad.
“Bakit naman kasi hindi niyo na lang iniwan yung ibang mga gamit sa bahay niyo dati, Ang dami niyong dalang basura” Sabi ko kay Math. Dawalang truck ng gamit tapos kami lang ang magbubuhat? Ayos.
“Naiwan na tol. Yung mga malaking cabinet sa bahay iniwan na namin ni mama pati yung ibang mga gamit. Ang reklamador mo talaga, dapat kasi sinama mo sila Jano and Kevin para may katulong tayo sa pagbuhat”, Math said.
“Mga gagu nga. Sinabi ko na sa kanila na tutulong kami, tapos inindian ako. Nasa tambayan lang naman sila maghapon hindi pa sumama” I said. Nakakagago kausap yang mga ganyan eh, OO sabay HINDI sa last minute.
“Bayaan mo na nga lang, nandiyan ka naman na KATULONG ko. Hahah. Oh wait tignan ko lang si mama, nagluluto ng merienda natin. Pasok ko na rin tong mga boxes”, Sabi ni Math tapos dala dala niya ung malalaking box papasok ng bahay.
“Ang peaceful naman dito” sabi ko. Nilibot ng mata ko yung paligid ng bahay nila. Lumabas na rin ako para tignan kung meron siyang kapitbahay na maganda.
“Puro puno at damo lang pala yayakapin at hahalikan ni Math dito haha” sabi ko sabay sandal sa truck. Pahinga muna kasi kanina pa kami nagbubuhat ng mga gamit nila.
“Wala man lang chicks dito, boring” kanina pa ako nagmamasid sa paligid eh wala namang naglalakad na babae o kahit si sadako. Dahil bigo ako sa paghahanap ng babae, napagpasyahan ko na lang na ituloy ang pagkuha ng gamit sa truck.
“Waaa. Maghihiwalay na ang paa ko sa legs ko (_ _)” boses ng babae. Nandito ako sa loob ng truck. Nakita ko kung kaninong boses yun, babae na malusog. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kaya naman pala hirap na hirap ng maglakad, pwede namang mag-paa kasi. Yung mukha niya parang natatae na ewan, kanina pa siguro naglalakad. Haha. Nakakatawa yung itsura niya, mukhang mascot. Priceless to ah. Alam ko hindi niya ako nakikita kasi madilim sa loob ng truck, pero siya kitang kita ko kung gano kapanget yung mukha niya. Pawis na pawis pa. nakakadiri! Wala bang panyo tong babae na to? Bigyan niyo nga ng basahan.
“Woah. May bagong lipat na pala sa bahay ni Madam”, sabi ng babaeng nakakadiri. Nakahinto siya sa tapat ng bahay nila siguro habang nakatingin sa bahay nila Math. Malamang kaya nga naglilipat ng gamit sa bahay na walang nakatira. Ang bobo naman nito. Pagkatapos niyang pagmasdan ng ilang minuto yung bahay nila Math, naglakad na siya ulit. Nakakatawa siya maglakad. Tapos pumasok na siya sa loob nga bahay nila. Tsk tsk. Ang malas ni Math sa kapitbahay.
“Huy tol! Ang tagal mo namang pumasok, kanina ka pa namin hinintay ni mama”, sabi ni Math. Wala namang sinabi tong gago na to na pumasok ako sa bahay nila. Kanina pa kami buhat ng buhat, siyempre kelangan din magpahinga.
“Tado ka ba tol? Wala ka namang sinabi . papasok na rin naman ako” sabi ko sabay baba sa truck. Kinuha ko na rin ung iba pang mga boxes. Ang dami talagang gamit nitong si Math, dapat i-donate na lang nila to eh.
“Bakit parang natatawa ka kanina? Alam ko baliw ka na kaso mukha kang tanga haha” Math said. Hindi ko sasabihin sa kanya yung nakita kong live show (hoy hindi bold hah!) yung babaeng mukhang baboy na naliligo sa sariling mantika haha.
“Wala tol. Imahinasyon mo lang yun haha. Tol may tanong ako sayo..” Sabi ko sa kanya. Siya na lang ang dapat makasaksi sa nakakadiring pangyayaring yun tutal kapitbahay naman niya.
“Obviously nagtatanong ka na..” Math. Pilosopo tasyo to, sarap bigwasan.
“Gagu. Bakit ang mga babae kahit hirap na hirap na maglakad, naghe-heels pa rin?”sabi ko. Bigla naman siya napatingin sa taas, yung parang hirap na hirap sa tanong kong walang kwenta.
“Ewan” sabi ni Math. Inang yan! Bakit ko pa tinanong tong bading na to.
“Bakit nga? Di ba bading ka naman.. alam mo sagot sa tanong ko” I said. Nag-isip siya ulit. Parang tanga lang, bading talaga.
“For fashion siguro. Di ba yun naman reason ng mga girls sa pagsusuot nila ng matataas na sapatos. Parang sunod sa uso ganun” Math said. Ahh. Ganun ba?
“Kahit hindi bagay isusuot pa rin nila? Buti sana kung mukha nila yung matatakpan ng sapatos haha” I said. Natawa rin siya. Di ba tama naman ako haha
“Eh kung sa mukha mo kaya? Mas bagay Art haha! Ang rude mo talaga sa mga babae dapat gentle ka lang.. kaya ka hindi nagkaka-girlfriend eh” Math said. Nagsalita ang may girlfriend. Pake ba nito kung ayaw ko mag-girlfriend.
“Ang papangit kasi nila..hindi rin sila pasado sa taste ko, ikaw kaya wala kang girlfriend kasi bakla ka. Ako yung type mo kaya feeling close ka sakin” I said.
“Mas mukha kang bakla tol Haha! Pasok na nga tayo kanina pa naghihintay si mama satin. Tapos umuwi ka na! Baka maligaw at ma-rape ka ako pa sisihin mo! Ako na bahala sa ibang gamit namin”, sabi ni Math.
to be continued
A/N: HASHTAG MEDYO BAD BOY! BAD MANGO.. so isipin niyo na lang guys kung magkatagpo sila ni Sydney. World War Z? Haha! Let's see!
BINABASA MO ANG
I Fat You .. You Fat Me?! ♥Slow Update♥
Teen FictionMataba ka ba? Chubby mo kasi mahal mo ako haha :"> Habang binabasa mo ito, mabubusog ka haha! Basahin mo na lang, basa basa rin pag may time :3 8.31.13