*Chapter 8*

65 2 3
                                    

Busy ako sa panunuod ng hello kitty series kaya nakalimutan kong may bisita pala kami. Ang ganda nga ni tita Elaine, hindi man lang ako tinawag ni mommy. Daya hmp! Ang kulit pa nitong si Sophy! Flooding texts ang reply sa blank messages ko. Kanina pa rin tawag ng tawag haha. Sagutin ko na nga para tumigil na tong impakta na to. Habang busy ako sa pakikipag-usap at  pakikipag-asaran kay Sophy bigla na lang may kumalabit sa akin. Si mommy siguro to or si manang, hindi ko makita since nakatalikod ako sa kanya.

*Kalabit*

“Mom.. wait lang po.. I’m kinda busy annoying Sophy ahahahaha”, Pagkasabing pagkasabi ko nun biglang binabaan ba naman ako ni Sophy. Haha. Sa sobrang asar niya hindi na niya kinaya kaya binaba na niya yung phone. Pero hindi pa tapos yan.. flooding texts naman ang gumimbal sa phone ko.

*kalabit*

“Mom wait lang po.. buburahin ko lang mga texts ni Sophy. Flood texts na kasi eh”, Eeer!!! Umabot na sa 100 unread messages ang narerecieve ko! Kakababa niya lang ng phone ah! Intay ka lang babawian kita.. yung tipong tulog na si Sophy tsaka ko siya ifoflood texts hahah

*kalabit*

“Mo…. Mwaaaaaa?!!! Anak ng kabayong tinubuan ng pating sa ulo!!!! Who the hell are you?” Ng titignan ko na kung sino yung kalabit ng kalabit sakin bigla akong napatayo sa couch at halos lumawa na ang mga mata ko dahil sa taong nasa harapan ko. Hindi dahil mukha siyang impakto na lumabas sa kumunoy kundi dahil sa sobrang gwapo niya. Chinito, maputi, red-brown hair, matangos ilong, 5’6” (estimate ko lang), perfect set of teeth, at kung maka-smile sakin wagas!!!! Pff!! San to galing? Sa pader? Sa ceiling? Sa sahig? Waaaaa ang gwapo!!! Walang wala ang level of gwaponess ni Dominic.

“Woah. Sorry to scare you.. Kanina pa kasi ako nakatayo dito”, Chinito. Sino ba tong gwapong nilalang ni God?! At tsaka sino ba nagsabi na tumayo siya sa likod ko! Duh!

“Eh sino ba nagsabi na tumayo ka diyan?! Pfft. At bakit ka ba nanggugulat!!”, kahit naman po gwapo siya muntik na akong atakihin dahil sa kanya. Jusme!

“Ako malamang? Excuse me hindi kita ginulat ah..  Okay.. Okay! Sorry for scaring you Ms??? .. Bagong lipat kami infront of your house.. My mom and I brought some snack..” Aah!! Siya pala yung narinig ko na nagsalita. Nakalimutan ko kagad dahil kay hello kitty =__=.

“Gosh! Muntik na ako mamataybecause of heart attack!!! What’s your freaking name ba?” Shemay! Hindi ako matingin sa mata niya dahil nakatitig siya sakin eh. Nakakatunaw.

“Kylde Math Santiago, sorry ulit hah, anong name mo ganda?”, Klyde said then he offered his hand. Wow nakanang sa name, MATH talaga. Tsk! Bawi naman dahil sa endearment niya sakin haha!! Gawd.. kinikilig ako super. Hindi ko yata matutupad yung promise ko kay mommy dahil kay klyde! :”>

“Sydney Galvez”, I said. Nagdadalawang isip pa ako iabot yung kamay ko.. dahil sa kadahilanang : Kakakain ko lang ng junk foods hindi pa ako naghuhugas, nanlalamig yung kamay ko parang bangkay na haha, at higit sa lahat, pasmado ako. Nakakadiring ipahawak sa kamay niya ang kamay kong nagtutubig. Waa!! Mukha na siyang tanga na inintay yung kamay ko. Wew. Sige na nga. Sabi nga ni Olive, ‘pa-virgin pa ba?’ haha. Eto na iaabot ko na sa kanya. Fjskshjkl!! Ang lambot ng kamay niya. Heaven ang feeling. Nahiya naman yung kamay kong parang magsasaka haha!

“Tagal nun ah *smile* kala ko nandidiri ka sa akin kaya ang tagal mo makipag-shakehands *smile*”, Klyde. Nandidiri? Ako? Sa kanya? Kahit sa kamay niya pa ako tumira mukhang pwede sa sobrang linis, lambot, bango (siguro.. mamaya aamuyin ko yung kamay ko haha)

“Hindi naman hehe.. upo ka muna Klyde Math?”, I said to Klyde Math. Para kasing hindi bagay yung pangalan niya eh. Parang mas bagay Klydney, pinagsamang Klyde + Sydney = Klydney. Mwahahaha!! Ang baho pakinggan parang body organs lang haha

I Fat You .. You Fat Me?! ♥Slow Update♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon