Chapter 16

26 3 0
                                    

Goddess's POV

"WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU!!!" Sigaw naman ni Zeus sa akin na parang tigre na ang mukha.

"Hoy, Zeus Damon Vandorpe, akala mo madadala mo ako sa harana-haranang yan?! Bwisit! Ang pangit ng boses mo! Feeling mo naman kikiligin ako?! Don't me,ha!Others only!" Bulyaw ko naman sa kanya.

Leche flan talaga! Kinilig naman talaga ako eh kaso lang alam ko yung pakay niya. Haharanahin ako tapos yayayain na niya akong magpakasal tapos iiwan na niya ako. Mukha niya! Ayokong ma Bong Bong Marcos nuh! Akala mo ikaw na para sa puso niya yun pala paggising mo may iba na. Kaloka!

Hindi ko naman sila pinatamaan sa katawan eh! Sa lupa ko naman pinatama! Ang OA lang talaga nilang mag react feeling na ambush!

Tinapon naman niya yung bitbit niyang bulaklak,balloons at tsokolate and tried to open the door but it's locked.

"Open the door!" Utos naman niya sa akin habang prente akong nakaupo sa terrace.

"Linisin mo yung kalat mo! Itapon mo yung bulaklak at balloons sa basurahan wag kahit saan. Yung chocolates dalhin mo sa library! Doon tayo maguusap!" Utos ko naman sa kanya.

Nakangisi naman ang tatlo kong kaibigang humarap sa akin at sila na ang nag volunteer na magbubukas ng pinto pero kukuha rin daw sila ng chocolates na dala ni Zeus.

Tumakbo na ako papuntang library. Baka kasi ano pa ang gawin ni Zeus sa akin eh kaya mabuti na na handa ako.

Ba't ang ganda ng boses niya? Tapos yung mga mata niya parang bituin na kumikinang. Sheet of paper talaga. Natatakot akong mahulog sa kanya kasi alam na alam ko na ang sahig lang talaga yung sasalo sa akin sa kahibangan kong to. Kaya hangga't maaga ay mabuti na to.

Napaupo naman ako ng tuwid nung malakas na bumukas yung pinto ng library.

"Mahal ang bayad ko jan sa pagpaggawa ng pinto!"

"F*ck! I can double the payment for that!" Sigaw naman niya sa akin at masama talaga ang tingin niya pero siyempre hindi ako nagpatinag.

"Hindi lahat ng bagay matatapatan ng pera." Sabi ko naman sa kanya.

"Now you're talking about that huh! Hindi rin matatapatan ng bala ang effort kong mangharana sa isang katulad mo!" Sagot naman niya sa akin na nagpatahimik sa akin.

Sh*t lang talaga nahihiya rin ako sa ginawa ko kasi nag effort pa rin yung tao. HAYYYY! The damage has been done so I just have to act that I don't care but deep inside I feel sorry for what I did.

"I know what you are up to,Zeus. So please stop the drama coz it makes me wanna puke."

" You don't have to humiliate me in front of other people,Goddess! Damnit!" Fine! Mali na ako pero sorry di ko kayang sabihin yun. Dedma na lang muna aketch.

"I'll marry you." Sabi ko naman sa kanya at nagulat din siya sa naging desisyon ko.

"What?!"

"You heard me,Zeus. Don't make me repeat it."

"I know you too well,Goddess. What's the deal then?" Edi siya na ang may alam. Ba't pa kasi kailangan pa niyang mangharana kung pwede naman siyang mag offer ng deal or ako yung mag offer diba? Wag paasa kasi!

"I don't have but you gave me an interesting suggestion. Give me time to think what I want in return."

Wala naman kasi akong makukuhang benepisyo sa kanya maliban na lang sa legal ko nang makukuha ang manang iniwan ni daddy sa akin kasi isa yun sa kasunduan.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon