Chapter 12

32 3 0
                                    

Zeus's POV

Hinatid ko na si Goddess sa bahay nila kasi wala lang. Trip ko lang siyang ihatid. Kanina pa nga siya walang imik eh!

Sa bagay nawalan na siguro siya ng lakas para makipagbangayan sa akin. Alam kong napipikon siya kasi hinalikan ko siya but dam! Hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko na angkinin ang labi niya. She really tastes sweet pero hindi ko siya type .

Yung mga tipo ko kasing mga babae parang mahinhin at mahiyain pero naghuhurumentado pag nasa tabi nila ako katulad ni Carly.Tsk! Magkaibang magkaiba talaga silang dalawa ni Goddess,kasi ang isang to mukhang Diyosa pero kapag kumilos daig pa ang lalaki. Mabagsik.

Tinawagan ko na rin yung mga tauhan ko na ihatid na rin yung mga kaibigan ni Goddess pauwi kasi masyadong delikado. Pero bilib din ako sa kanila at nakahanda talaga silang lumaban kanina.

No doubt na isa sa pinakamalakas na mafia group ang Mitra.

Hindi niya na inantay na pagbuksan ko siya ng pinto at agad na siyang lumabas ng kotse ng walang kibo at dumiretso na sa loob ng bahay.

Kita mo tong babae na to. Ni thank you hindi nagawa.tss

Nadatnan ko siya na naka upo sa sofa at nung nakita niya akong pumasok ay sinamaan niya ako ng tingin at umakyat na sa hagdan.

"Ba't ka sunod ng sunod?!" Naiirita niya namang tanong sa akin nung pagsasarhan na niya ako ng pinto sa kwarto niya pero siyempre mabilis akong kumilos para hindi niya masara ito at humiga ako sa kama niya. Napagod din naman ako sa bakbakan kanina nuh.

"I'm just adjusting myself in your bed. Alam mo naman siguro na dito ako matutulog ngayon." Sabi ko naman sa kanya habang nakapikit yung mata ko. Pero damang dama ko talaga yung masama niyang tingin sa akin.

At nung imulat ko yung mata ko ay napatawa na lang ako sa isipan ko na makita na nag-aalab yung mga mata niya sa inis.

"Lumabas ka ng kwarto ko! Dun ka matulog sa sasakyan mo!" Sigaw naman niya sa akin at tinalikuran ako at pumasok na siya ng CR.

Bumaba na lang ako papuntang kusina para makapaghanap ng pwedeng makain. Di naman kasi ako masyadong nakakain kanina sa party eh.

Isusubo ko na sana yung cake ng may marinig akong tilian at sigawan sa labas ng bahay. Kaya minabuti kong tingnan ang nangyayari.

Bumungad naman sa harapan ko yung tatlo kong kaibigan na sina Nyx,Chester and Ash habang pasan pasan nila na parang bigas yung mga kaibigan ni Goddess.

"I'm gonna kill you if you won't put me down!" Sigaw naman ni Minzy habang pinapalo sa likod si Chester.

"Shut up,lady!" Sigaw naman ni Chester pabalik.

"You are gonna regret this,idiot!" Pagbabanta naman ni Sierra kay Nyx.

"Ingay mo!" Sagot naman ni Nyx sa kanya habang inaayos ang pagkakapasan kay Sierra.

"You can't get out of here alive,you perv!" Pananakot naman ni Yen kay Ash tapos tili ng tili.

"I can manage to get out alive.Trust me,sweetie." Sagot naman ni Ash kay Yen.

"Put them all down." Utos ko naman sa tatlo at sabay sabay pa talaga nilang binagsak sa sofa.

Pagkabagsak ng tatlo ay agad nilang sinugod sina Nyx,Ash and Chester. Hahayaan ko na sana silang magpatayan ngunit nabighani ako sa babaeng pababa ng hagdan na may dalang baril.

"What the f*ck is going on here?!" Sigaw naman niya na nakapukaw ng atensyon sa anim na animo'y na freeze sa pagsasakalan nung marinig ang boses niya.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon