Chapter 9

25 4 0
                                    


Minzy's POV

"Minzy, gising na!!!" Boses ni Sierra yun kaya napatakip ako ng unan. Kahit kalian ay panira talaga ng tulog ang bruha na to.

Ang ganda kasi ng panaginip ko eh. Nakasakay ako sa dream car kong McLaren 650s. Parang totoo yun eh.

Nakabangon ako sa kama ng wala sa oras dahil nakaramdam ako ng malamig sa may paa ko.

"Ano ba!!! Shit! Ang lamig!" Kayo ba naman lagyan ng ice ang paa hindi ka makakagising.

Tumakbo si Sierra palabas ng pinto habang tawang tawa sa ginawa niya.

"Bilisan mo,Minzy. Naghihintay na sina Goddess. May pupuntahan tayo." Pahabol pa niya bago sinara ang pinto.

Naku naman! Bibili pa pala kami ng damit na susuotin mamayang gabi sa engagement party ni Goddess.

Naku yung isang yun magkakalove life na rin. Pero hindi ko talaga alam kung bakit pumayag ang isang Goddess Zestine Park na magpakasal eh. Sa bagay sino ba naman ang makakahindi sa isang Zeus Damon Vandorpe, sobrang mayaman, sobrang gwapo, sobrang maapeal, isa sa pinakakilalang tycoon sa bansa atsaka isang boss ng mafia group na tinatawag nilang Stygian at si Zeus ang Stygian's god. Oh diba?

Kailan pa kaya darating yung para sa akin? Hayyy! Sana makahanap ako ng forever ko sa engagement party mamaya.

Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush ay bumaba na ako para makakain na yung dragon sa tiyan ko.

"Ang tagal mo naman, Minzy." Reklamo ni Yen sa akin na mukhang gutom na nga talaga.

Rule kasi ni Goddess na kung kakain ay dapat kumpleto kami at before we eat ay kailangan naming magpasalamat sa aming pagkain sa Panginoon.

Kaya nung naka upo na ako ay nagdasal na si Goddess para sa pagkain at siyempre pagkatapos ay lafang na.

"Sa mall na lang siguro tayo mamili ng damit at sapatos." Sabi naman ni Goddess sa amin habang kumakain ng rice at fried chicken. Hindi nag-aalala sa body niya kasi maganda naman yung katawan niya kahit heavy meal yung kinakain niya at ganoon din naman kami.

"Sige. Matagal na rin tayong hindi nakapag shopping." Dagdag ko naman. Baka kasi ito na yung last naming pagshoshopping na walang mga nakasunod sa amin or kung meron man ay sana naman hayaan kami nilang makapag mall.

"Gagamitin ba natin yung mga dream cars natin?" Tanong naman ni Sierra na nakapagpatigil sa akin sa pagkain.

"Seryoso? Hindi lang panaginip yun? Nasa akin na talaga yung McLaren 650s?" GUlat ko namang tanong sa kanilang lahat.

"Ay ang engot ng isang to! Siguro yan yung dahilan kung bakit ka nalate ng gising nuh?" Sabi naman ni Yen na tinaasan ako ng kilay.

"Nagtanong lang. Engot agad?" Sabat ko naman kay Yen. Ba't ba ang init ng ulo nito? Meron ata ngayon. Tsk!

"Wag nga kayong mag-away sa harap ng pagkain." Saway naman sa amin ni Goddess at dinala na yung pinggan at baso niya sa sink.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na kami at pumunta sa garahe at sabay kaming napatakbo ni Sierra sa aming sasakyan.

"Gosh!This is real! My baby, ba't ang gwapo mo?!" Niyakap ko yung sasakyan ko at kinausap ito at ginawa rin iyon ni Sierra.

Si Goddess naman at Yen ay napailing na lang at agad ng sumakay sa kanilang sasakyan.

Mabuti na lang at walang traffic ngayon. Ang daming tumitingin sa mga sasakyan naming nung nasa daan na kami papuntang mall. May nakita pa nga akong iba na kumukuha ng picture eh.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon