Chapter 10

20 5 0
                                    




Zeus's POV

"Ano?! Bakit ayaw sumama?" Nakakainis talaga ang grotesque na yun. Pinasundo na nga kay Nyx Guevarra na isa sa mga tao na pinagkakatiwalaan ko para dalhin siya dito sa hotel para makapaghanda sa engagement party namin nag-iinarte pa.

"Wag daw po kayong excited,boss. Dadating daw po siya sa tamang oras kasama yung mga kaibigan niya." Sagot naman ni Nyx sa kabilang linya.

I ended the call and throw my phone on the couch.Nakakabadtrip talaga ang babaeng yun. Kung hindi lang talaga kailangan na ikasal ako sa kanya ay hindi ko mapapansin ang babaeng yun kasi hindi naman siya kasing hot ng mga babae ko at girlfriend ko este ex na pala.

Tawang tawa naman yung mga kasama ko sa loob ng penthouse kung saan ako nag stay. Kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Easy lang,boss. Wag ka namang masyadong excited makita ang soon to be wife mo." Sabi naman ni Ash Gaviola na animo'y nakakatawa yung sinabi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin para tumahimik sa mga pinagsasabi niya.

Ako?Excited? Sus! Ang dami kong babae na pwedeng ipagpalit sa Goddess na yun.

"Boss, wag kayong mag-alala kay Goddess. Nakaya niya ngang patumbahin yung mga makapangyarihan na tao na walang nakakaalam maliban sa atin, yung pagpapaganda pa kaya sa'yo." Dagdag naman ni Chester Ayala na prenteng naka upo sa kitchen counter at ngiting-ngiti sa akin.

"Shut up if you don't want to be dead. I don't care about her." Masyadong sakit ng ulo ang babaeng yun! Pinatay ba naman ang bunsong kapatid ng GEMS mafia group kaya minadali yung engagement party dahil dun.

Nag-aalala kasi si daddy sa kaligtasan ni Goddess kasi kilala na siya ng iba't-ibang organized group ng mafia dahil sa ginawa niyang pagpatay kay Sapphire Collins.

We need to let them know na magiging asawa ko si Goddess para yung magtataka sa buhay niya ay aatras dahil kapag kinalaban nila si Goddess ay kinakalaban na rin nila ang boss ng Stygians na walang iba kundi ako.

Isa ako sa Untouchables sa mafia because of my money,connections,businesses,skill in fighting. Name it and I have it.

Pumasok ako sa kwarto ko para makaligo na at makapag bihis dahil ilang minute na lang ay magaganap na ang party.

Paglabas ko naman ng kwarto ay nakabihis na rin pala ang mga kumag.

"Ang gwapo natin ngayon,boss ah." Nakabalik na pala si Nyx galling sa bahay ni Goddess.

"Matagal na akong gwapo. Hindi katulad mo" Pagmamayabang ko naman sa kanya at iniwan siya na nagpopout. Parang bakla ang gago.

"Ang sakit mo naman magsalita kay Nyx,boss." Sabi naman ni Chester at niyakap si Nyx na animo'y nag iinarte na umiiyak.

"Gaya nga ng sabi nila, the truth hurts." Sabi naman ni Ash kaya nagtakbuhan sila sa loob ng penthouse ko kasi nag-aasaran sila.

"And the truth will set you free." Dagdag naman ni Chester at inaasar pa si Nyx na ngayon ay nambabato ng unan.

"Lumayas na nga kayo!" Sigaw ko naman sa kanilang tatlo kaya tumigil sila.

"Dito na lang kami,boss. Alam namin na kinakabahan ka baka di ka siputin ni Goddess." Sagot naman ni Nyx sa akin na nag painit ng ulo ko kaya kinasa ko yung baril ko at sa isang iglap ay nawala na sila sa paningin ko.

Subukan lang talaga ni Goddess na hindi ako siputin at makikita niya kung sino ba talaga si Zeus Daemon Vandorpe.

Pumunta na ako sa function room ng hotel namin habang tinatawagan si Goddess pero hindi niya ito sinasagot.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon