Chapter 14

19 2 0
                                    

Goddess's POV

"Zeus! Yung kamay mo!" Leche flan talaga oh! Hinawi ko yung kamay ni Zeus na nakayakap sa akin habang tulog na tulog.

You read it right! Magkatabi kami sa kama ko at ako ay hindi makatulog kasi panay yung yakap niya sa akin. Like srsly? Hindi ako sanay na may katabi. Uggggh! Nakakabanas talaga!

Feeling ko hindi na eyebags ang mayroon ako,eyemaleta na!

Ilang oras na lang umaga na at kailangan ko pang pumasok sa company namin.

Pinikit ko na lang ulit yung mga mata ko tapos binalot yung katawan ko ng kumot para iwas chansing si Zeus sa akin. Perv din kasi ang isang to kahit tulog eh!

Mukha na akong lumpia ngayon. Makakatulog din ako.

I'm half awake half asleep kasi nararamdaman ko yung ginaw sa bandang legs ko. Wala na pala akong kumot. Hindi muna ako gigising kasi ipagpapatuloy ko yung panaginip ko.

Naglalakad ako papasok ng simbahan suot ang aking napakagarang wedding gown. Sa wakas magpapakasal na rin ako sa idol kong si James Reid. Enebenemenyen! Ang hot talaga ng magiging asawa ko.

Hindi ko talaga lubos maisip na ikakasal ako sa kanya. Nakangiti ako habang naglalakad sa aisle at nakikita kong nag-aantay siya sa akin sa dulo.

Nung malapit na ako sa kanya ay natapilok ako at muntik ng makakiss sa akin ang sahig buti na lang at nandoon ang labidabs ko.

Sinalo niya ako at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Be careful,wifey." Sabi niya sa akin at siniil ako ng halik. Tapos narinig ko na lang ang sabi ni father.

"I now pronounce you as husband and wife." Nagpalakpakan na yung mga tao.

Masyado naman atang excited si father at wala ng sesreseremonya. James kissed me again and it was deep and passionate.

Parang totoo na to ah! Nafefeel ko na talaga yung init ng kamay niya na nilalakbay yung legs ko patungo sa tiyan ko. Suman na malagkit!!!!

Nagising ako nung naramdaman kong may nakadagan na sa akin. And pagdilat ng mata ko ay...Sheet of paper! Nakikipaghalikan ako kay Zeus!

Whaaaat??? Diba si James Reid yung kahalikan ko ? Bakit naging si Zeus!

Sa sobrang gulat ko ay tinulak ko si Zeus kaya nahulog siya sa kama at napamura.

"Dafuk! Why did you push me?!" Galit na tumayo ang naka topless na si Zeus at umaapoy yung mata niyang nakatitig sa akin.

"You tried to rape me when I'm sleeping,jerk!" Sigaw ko naman sa kanya na napataas ang kilay niya at sinalo yung tinapon kong unan sa kanya.

"You were the one who tried to rape me! I was silently sleeping when you started kissing me! Pinagbigyan lang kita kaya wag mo akong sisihin! Tapos mambibitin ka na naman at magagalit ka pa!" Sagot naman niya sa akin at pumasok ng CR.

Gosh! Nakakahiya talaga! Akala ko talaga si James Reid eh!Enebenemenyen! Ang bastos ko naman! Erase erase erase! It's so embarrassing kaya!

Humiga na lang ako ulit sa kama at tinakpan ng unan yung mukha ko.

"Bumangon ka na jan at ihahatid kita sa company mo." Malamig na sabi ni Zeus na bagong ligo na nakatapis lang ng tuwalya.

Bago pa ako maglaway ay tumakbo na ako papasok ng CR, baka paghahalataan na niya ako na pinagpapantasyahan ko siya eh. Mahirap ng mabuko!

Dali-dali akong naligo at nakalimutan ko na wala pala akong tuwalya.

Alangan naman na rumampa ako ng nakahubad diba? Malamang hinding hindi ko gagawin yun.

Lumapit ako sa pinto ng CR at binuksan ito ng konti. Suman na malagkit! Naka pantalon lang si Zeus at naghahanap pa ata ng shirt niya tapos bigla na lang napunta yung atensyon niya sa akin at nag smirk. Ayy nahuli na naman ako!

"A-ah Z-Zeus p-pakiabot n-ng t-tuwalya." Utos ko naman sa kanya. Ba't ba ako nauutal sa kanya.

Kinuha niya yung tuwalya at inabot sa akin at dahil sa sobrang natataranta ako sa presensya niya ay hindi pa nakalabas yung kamay niya ay sinara ko na ang pinto kaya napasigaw siya sa sakit dahil naipit yung kamay niya.

"F*ck!" Mura naman niya.

"Saree na,Zeus." Sigaw ko naman habang nasa loob ng CR.

"Bilisan mo jan!" Utos naman niya sa akin at siyempre hindi ko siya sinunod kasi nakatuwalya lang ako.

"Lumabas ka muna! Magbibihis ako!"

Hindi na siya sumagot pero narinig ko na bumagsak yung pinto kaya lumabas na ako ng banyo at dali-daling nagbihis.

Bumaba na ako papuntang kusina at laking gulat ko na parang dumaan ang bagyong Yolanda sa so sobrang gulo nito,isama mo pa yung anim na nagtatapunan ng pagkain.

"What the hell is wrong with you,people?!" Sigaw ko naman kaya napatingin silang anim sa akin na nanlaki pa ang mga mata nila.

"The heck! Anong ginawa niyo dito?!" Sigaw naman ni Zeus na nasa likod ko pala. Saan kaya siya nanggaling?

"They started it!" Turuan naman ng anim sa isa't-isa.

"Explain!" Sabay naman naming sabi ni Zeus kaya napairap na lang ako sa kanya. Gaya gaya!

"Ayeeeeeiiii" Tukso naman nilang anim sa amin ni Zeus.

"Talk or die?!" Sabay naman ulit naming sabi ni Zeus. Tsk! Ano to si B1 at B2 lang ang peg namin.

Pero hindi na tumawa yung anim kasi sinamaan na sila namin ng tingin ni Zeus. Akala siguro nila malulusotan nila yung panggugulo nila sa kusina ko. Gutom na ako tapos pinagtatapon lang nila yung pagkain!

Sabay sabay naman silang nag explain. Langya! Parang mga bata na nagsisisihan na lahat naman sila ay may kasalanan.

"Boss,tutulong lang naman sana kami." –Chester-

"Goddess, nagmamarunong kasi sila!" –Minzy-

"Boss,ipagluluto lang naman sana namin ang lahat." –Ash-

"Goddess,nakakabwisit kasi sila!" –Yen-

"Boss, ayaw kasi nilang kami ang magluto!" –Nyx-

"Goddess,sinadya kasi nila na matapon ang niluto namin!" –Sierra-

Pagkatapos nun ay nagbangayan naman silang anim at nagsimula namang mag rambol at tapunan ng pagkain.

"FOOD FIGHT!!!" Sigaw naman ni Nyx at agad sapol sa akin ang hita ng fried chicken. Da eff!

Sa sobrang inis ko ay kumuha ako ng itlog at pinagbabato sa kanila.

"Sh*T!" Sigaw naman ni Zeus nung pati siya ay nabatuhan ko ng itlog sa noo. Nagpeace sign na lang ako at tumakbo takbo na rin sa loob ng kusina kasi nakita kong kinuha niya yung chocolate cake and before I can cover my face ay nasapol sa akin ang cake at nag smirk lang ang loko.

Batuhan dito at batuhan doon lang ang ginawa namin habang tawa ng tawa sa mga hitsura namin. Bagong ligo pa naman kami ni Zeus tapos ito na yung mga mukha namin.

"Guys!Tama na!" Sigaw ko naman kaya napahinto na sila sa batuhan.

"Clean yourselves!" Utos naman ni Zeus habang kinukuha yung icing sa ulo niya.

"Mamaya na taong maligo! Maglilinis ang lahat!" Sigaw ko at nagreklamo naman si Zeus.

"Pati ako?" Tanong niya.

"No excemptions,babe." Sagot ko sa kanya.

"Everyone! Shut your mouth and start cleaning!" Utos naman ni Zeus sa lahat at nagkanya-kanya na kaming naglinis ng nagkalat na pagkain sa kusina.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon