Chapter 17

20 2 0
                                    

Nyx's POV

Hindi talaga ako makapaniwala na pumayag si Goddess na magpakasal kay Zeus. Pero sa kamandag ba naman ng boss ko malamang hindi nan aka angal pa si Goddess.

Pero seryosong usapan. Goddess is up to something. Hindi siya basta bastang susuko na lamang sa prinsipyo niya na ang marriage ay hindi isang pera na pwedeng peke-in lang. Magpapakasal lang yun kung mahal talaga niya yung tao.

Baka mahal na niya talaga si Zeus? Pero baka masaktan lang siya sa huli. I know Zeus care for her pero hindi naman siguro sapat na dahilan yun para sabihing mahal na rin siya ni boss. Ang gulo naman kasi nilang dalawa eh!

Pagod kaming lahat na umuwi nung madaling araw pagkatapos nilang ikasal sa lugar kung saan madalas ay tambayan namin nina Zeus,Chester at Ash kapag may seryoso kaming pinag uusapan na dapat ay kaming apat lang ang nakakaalam.

"Mr. Guevarra, may naghahanap po sa inyo. Miss Sierra Sandoval ang pangalan. Papapasukin ko ba,sir?" Sabi naman ng seksi kong secretay.

Kasama sa requirements ng mga secretary ko yung physical appearance nila. Hindi lang dapat pleasant. They should be smoking sexy.

"Don't let her in. Sabihin mo busy ako." Utos ko naman sa secretarya ko na agad namang lumabas.

Natatawa talaga akong imaginan ang mukha ni Sierra pag sinabi sa kanya yun ng secretarya ko. Sigurado akong magwawala yun.

Feeling ko talaga may gusto siya sa akin kaya niya ako binisita sa office ko.

Naputol yung pag-iisip ko nung marahas na bumukas yung pintuan ko. As what I have expected ay niluwa nito ang isang galit nag alit na babae,Sierra Sandoval.

"Sir,ayaw paawat." Paliwanag naman ng secretarya ko at hinahawakan pa sa braso si Sierra na parang sasabog na sa galit.

"Bitawan mo nga yung braso ko! Tibo ka ba?!" Sigaw naman ni Sierra sa secretary ko na mukhang naiinis na rin sa kanya.

"Kaila, hayaan mo na siya.Lumabas ka muna."

Pagkasarado ng pinto ay agad may lumipad na sapatos sa mukha ko pero nasalo koi yon ng walang kahirap hirap.

"Bwesit ka! Pa VIP ka masyado!" Sigaw naman ni Sierra sa akin at tinapon na naman ulit yung isang pares na sapatos niya.

Ang bayolente talaga nitong magkakaibigan pero mabuti na to at sapatos lang di katulad ni Goddess na bala talaga. Pero ang cool pa rin niya at nasa kanya na ata ang lahat lalo na at kasal na sila ni boss.

"What brings you here,honey? Miss mo na agad ako? Lagi naman tayong nagkikita sa bahay ah." Sabi ko naman sa kanya na padabog na umupo sa silya.

"Hoy!Wag masyadong feelingero ha! Nakakamatay yan!"

"Tsk! Alam kong patay na patay ka sa akin Sierra." Pangungulit ko naman sa kanya at tinitigan ko talaga siya sa mata.

"Ewan ko sa'yo! Hindi kita pupuntahan dito kung hindi lang inutos ni Goddess sa akin. Alam mo kung bakit,honey?" Malambing naman na sabi niya sa akin.

Shit! Did she just called me honey? Fuck! Why does it sound so right?

"W-why,h-honey?" Tanong ko naman sa kanya. Why am I even stuttering?

"Are you sure you want to know the reason,honey?" Paninigurado naman niyang tanong sa akin.

Ayaw na niya siguro akong makita baka mas lalong lumalalim yung pagtingin niya sa akin. Sabi ko na nga ba at may gusto ang babaeng to sa akin.

"Of course,honey. Tell it straight on my face." Excited ko namang sabi sa kanya.

"Ayaw kitang makita kasi para kang HONEY, honey."' Nagpipick up line pa talaga siya sa akin.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon