Chapter 11

29 5 0
                                    

Goddess's POV

"Kiss!"

"Kiss!"

"kiss"

Sigaw naman ng mga walang hiyang bisita. Pinakain na nga magrerequest pa ng live show. Leche flan naman oh!

Nagulat na lang ako nung marahas akong hinalikan ng pervert na lalaki na nagngangalang Zeus Daemon Vandorpe. SRSLY? Why am I responding to his kiss?

Matagal yung halikan namin pero naputol ng biglang namatay yung ilaw. Sheet of paper! Nakakabitin naman! Psh!

Pero mabuti na rin yun at nang hindi niya makita yung namumula kong pisngi. Kahit naman ganito ako eh may hiya pa rin ako nuh! That was my first kiss after all.

Tatayo na sana ako pero may humila sa aking braso at napa upo ako sa silya.

"Stay down. I'll take care of this." Kahit hindi ko nakikita yung mukha niya dahil sobrang dilim ay alam ko naman kung kaninong boses iyon. Syempre kay Zeus.

Nung naramdaman ko namang umalis na siya sa tabi ko ay agad ko namang inutusan sina Sierra,Minzy at Yen para alamin ang nangyari. We have our earpiece kaya hindi ko na kailangang hanapin ko sila.

Nagkakaputukan na rin sa loob ng function room at yung mga bala ay hindi lamang sa loob ng function room nanggagaling. Nanggagaling ito sa labas ng hotel. Probably sa kabilang building yung mga snipers.

This is why I agreed to be engaged to Zeus. Malalaman ko kung sino ang kaaway at kakampi ko. I knew this would happen kaya ready to fight ako.

"Sierra, ikaw yung magiging sniper kaya maghanap ka ng spot mo." Sabi ko naman sa kanya total alam ko namang dala niya yung Galil Sniper at tinago niya ito sa sasakyan niya at kailangan naman talaga niyang umalis ng hotel.

"Copy. Sa kabilang building ako pupwesto." Sagot naman niya.

"Yen,patumbahin mo lahat ang haharang sa'yo. Get inside the monitoring room." I instructed Yen since I know we are all ready for this atsaka na briefing ko na sila tungkol dito.

"I'm on my way." Sagot naman ni Yen.

"Minzy, get all the information we need. Mag-ingat ka. Masyado na silang marami."

"Ok. I'm out." Sagot naman ni Minzy sa kabilang linya.

Kinuha ko naman yung baril ko na nakakabit sa legs ko at agad pinatumba yung lalaking nakatayo sa may kabilang side ko.

Pagulong-gulong ako sa ilalim ng mesa para makapagtago ako sa snipers kasi pinaputukan ako. Suman na malagkit! Ang hirap hirap pa naman ng damit ko. Kaya kinuha ko yung knife sa may buhok ko at gagawin ko na lang na mini dress tong long gown.

Naiimagine niyo ba ako ngayon na kinucut yung maganda kong long gown? Hayy naku! Sa wakas at above the knee na lang yung haba ng long gown ko kaya hindi na sagabal.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko habang hawak hawak yung dalawang baril at pa zigzag na tumakbo habang nagpapaputok sa mga kalaban.

I managed to got out of the function room alive.

"Are you all set?" Tanong ko naman sa mga kasamahan ko.

"We're good." Sagot naman nila at ako naman ay hinanap yung babaeng pugita na yun. Hinubad ko na lang yung high heeled sandals ko para hindi hassle tumakbo.

"Yen, may nakita ka bang babae na nakakulay maroon na damit? Matangkad,maganda ang katawan at mahaba ang buhok?" Tanong ko naman kay Yen since naibalik na niya yung lights at system ng hotel.

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon