Chapter 19

26 1 0
                                    

Goddess's POV

Pagbalik namin ng Maynila ay nag ayos na kaming lahat ng aming gagamitin.

Isang Ruger SR9c pistol at Glock 26 with silencer yung nilagay ko sa bandang hita. Yung mga knife naman na dala ko ay Strider SMF at Ari B'Lilah.

Based on the information we got from the GEMS ay may isang malaking event sila ngayon dahil sa paglago ng major shipment nila sa ibang bansa. They invited a lot of prominent people not only in the country but also from other nations.

Magiging mahigpit ang seguridad sa event na ito kaya kailangan ay maging tuso at maingat kami. Dahil isang event ito ng mafia ay kailangan hindi nirereveal ang tunay mong identity kaya kailangan gumamit ng maskara.

Very common na ang pagamit ng mascara sa isang part ng mafia para hindi madaling makilala ang mga taong dumalo.

I wore a body hugging red dress that fits me very well at kulay silver na pumps and kulay red yung maskara ko with glitters. Zeus is wearing a tux pero nadepina pa rin nito ang maganda niyang katawan and yung maskara naman niya ay kulay gold.

Dalawang sasakyan lamang ang dala naming walo. Kasama ko sa sasakyan sina Zeus, Minzy at Chester. Sa kabilang sasakyan naman ay sina Sierra,Nyx,Ash and Yen.

Nakakuha kami ng imbitasyon dahil siyempre sa katalinuhan ko.

*FLASHBACK*

Nag set ako ng appointment kay Blake Roth na mayroong mataas na position sa GEMS mafia group at siya ang on and off boyfriend ni Emerald Collins. I already mentioned na bitch si Emerald at si Blake naman ay isang chikboy na lalaki kaya bagay na bagay silang dalawa ni Emerald.

I wore a disguise bago pumunta sa opisina niya. Since babaero ang lalaking yun ay madali lamang na makuha ang atensyon niya. Magpakita lamang ng cleavage,legs ay siguradong mawawala na siya sa huwisyo niya.

"Naku,Goddess,pagnakita ka ni Zeus na ganyan suot mo siguradong magwawala yun na parang leon." Natatawa namang sabi ni Sierra sa akin tapos binigay na sa akin ang clutch bag.

"Mabuti na nga yang suot ni Goddess eh! Tingnan niyo naman sa akin! Janitress ako,siz." Pagrereklamo naman ni Yen sa kanyang disguise.

"Bagay na bagay nga sa'yo Yen. Para ka talagang totoong janitress." Pang aasar naman sa kanya ni Minzy.

"Enough with that. Suotin niyo na tong mga earpiece niyo." Utos ko naman sa kanila at lumarga na kami.

Si Sierra ay nasa kabilang building dahil siya ang sniper,Minzy is on the car since siya ang nagdadrive at maghahack ng security system ng company ni Roth and Yen and I will be partners in crime later.

Pagkadating na pagkadating ko ay halos mabali ang mga leeg ng mga lalaking nakakakita sa aking pagrampa. Juiceme! Yung iba nga parang huhubaran na ako sa isip nila. Pero siyempre dedma lang dahil parte yan ng plano.

"Good morning, I'm Miranda Dudley and I have an appointment with Mr. Roth." Pakilala ko naman sa babaeng lumapit sa akin na sa pagkakaalam ko ay trusted secretary ni Blake Roth ito.

Maganda ba yung naisip kong pangalan at apelyido? Para kasing ang sexy ng pangalang Miranda kaya swak na swak sa kailangan kong ipakita kay Blake.

"Mr. Roth is waiting for you,ma'am." Sabi naman niya sa akin at sinamahan ako papunta sa opisina ng kanyang boss.

She knocked the door twice bago niya ito binuksan at nadatnan naming busy sa pagbabasa si Blake Roth at hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin.

"Mr.Roth, Ms.Dudley is here." Sabin g secretarya niya kaya pinansin niya kami.

Napako ang tingin niya siyempre sa dibdib kong kitang kita ang cleavage. Feeling ko nga parang nakakita siya ng bituin kasi literal na kumislap ang mata niya. Boys will always be boys,huh!

Shot in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon