Chapter 10

120 4 0
                                    

Chapter 10. Angel

Pilit kong hindi pinansin ang mga balita na mabilis kumalat sa school. Nakaligtas naman ako doon sa pinost ni Luke dahil alam nilang hindi ako ang taong magsusuot ng jeans at simpleng blouse lang pero yun talaga ang plano ko. Bukod doon, hindi naman ako nakaiwas dahil sa scene namin sa Parking Lot. Imagine that? Galit na galit saakin ang fansclub ni Luke at Asha. As if I care right? Madami nang galit saakin kaya wala na para saakin yon. Duh. Hindi naman nila ako kayang labanan dahil alam nila kung saan sila pupulutin kapag naglakas loob sila.

But then at least, unti unti ding namatay agad ang issue dahil hindi naman nila kami nakikitang magkasama ni Luke sa school. Which is completely just a way to cover everything.

A week had past and we are able to fool the student body that we aren't close, that it's just a matter of emergency where we need to talk. Pero sa totoo lang, Luke wished to meet me after class when I have time. Which I hesitantly accept. Well, ginamit niya nanaman saakin ang agreement daw namin. Psh. Agreement his face.

Just for temporary.

I always put that on my head. For precautionary measures of course.

"Hoy Gin!"

Inakbayan niya ako pero agad ko iyong tinanggal at tinutok sa kanya ang spatula na hawak ko. I scowled at him at tinuro ang ginagawa niya kanina gamit pa din ang spatula. He just smiled at me at kinuha saakin ang spatula na hawak ko.

"Masusunog na to. Masyado kang preoccupied." Then he laugh na ikinairap ng mata ko. Psh.

"Epal." I said. Pumunta ako sa kaninang working station niya at pinagpatuloy ang ginagawa niyang paggagayat.

"Inlove ka na no?" Napatigil ako sa paggagayat at tinutok ko sa kanya ang kutsilyong hawak ko pero malaki pa rin ang ngisi sa mukha niya.

"Purkit nakatulala inlove na agad? Pwede namang nag iisip lang kung paano ka isalvage diba?"

He laugh at me at tinalikuran ako para ipagpatuloy ang ginagawa niya. Ganun din naman ako, binaba ko na ang kutsilyo at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

"Bakit? Hindi naman masamang mainlove ha. Lalo na sa mga katulad ko. Gwapo, matalino, malakas ang dating, macho, may sense of humor, sporty, cool—"

"NARCISSISTIC!"

Then he laugh again that makes me glare at him kahit na nakatalikod pa siya saaakin. Buong lakas ang binuhos ko sa paggagayat dahil sa pagkainis sa kanya. Ang yabang yabang talaga nito!

"But seriously, you can have a boyfriend." Humarap siya saakin at ngumiti. Isang tunay na ngiti. Ngiti na dahilan ng pag iyak ng karamihan ng kababaihan. "—just don't forget me. I'm fine. As long as it will make you happy, Gin."

Napatigil ako sa paggagayat at napataas ang ulo ko. I met his gaze and suddenly felt a strong rush of emotions flowed on my veins. Seryoso ang mga mata niyang sinusuklian ako ng tingin habang nakalatay pa din sa mukha niya ang kanyang ngiti.

This man. He's my savior. He's someone I never thought a woman like me deserves. That's why I'm working so hard on school even if I make troubles. I want to deserve the man who treated me his everything since then.

"Gin, take note of it. Please be happy." Ngumiti siya saakin at hinango ang niluluto ko kanina na ngayon ay niluluto niya na. Nakatingin pa rin ako sa kanya kahit siya ay gumalaw na mula sa pagkatigil naming dalawa kanina.

I felt guilty. He committed his life unto me for so long. 'It's Gin's happiness', 'She deserves everything', 'She needs protection', 'I'll take the risk for her', 'I won't leave my sister', 'Gin needs it'. Palagi nalang siyang ganoon. Pakiramdam ko sobrang selfish ko dahil kinukuha ko ang buhay niya. He deserves to be happy too. But I'm taking it away.

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon