Chapter 2

205 7 1
                                    

Chapter 2. Daddy's Bad Girl

"Celestina!" I rolled my eyes and look at the bitch who call me that. The fuck?!

"For the nth time around, It's Celestine not Celestina." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papuntang Cafeteria.

"Hoy! Teka nga!" Rinig ko ang pagtakbo niya hanggang sa maabutan ako at pinulupot niya ang braso niya sa braso ko. Masyado talagang clingy tong bruhang to. Argh. Bakit ko ba hinahayaang dumikit to saakin?

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit umabsent ako ng isang linggo?" Nakapout niyang tanong. Tinanggal ko naman ang pagkakaangkla niya saakin at pinitik ang noo nya.

"Ouchie. Ang meanie mo talaga kahit kailan, bestie. Ayyy. Infairness, like ko yung rhyming! Shala!" Napairap nalang ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Wala akong pakealam sayo. Ni hindi ko nga napansin na wala ka pala. Psh. Not worthy." I said at pumasok sa pintuan ng Cafeteria.

Pagtapak na pagtapak ko palang ay tumahimik na sila. Tinaas ko ang kanan kong kilay at umirap. Humakbang na ako para tuluyan nang makapasok at naglakad para maghanap ng table.

"Baby, I'm worth it!" Napailing nalang ako at nagdire diretso sa table na napili ko. Humahawi naman ang mga estudyante para makadaan ako. Yung iba pa nga ay yumuyuko, right. Very good, bow down to your Queen.

Napamura ako ng umupo siya sa unahan ko. Ang tigas talaga ng babaeng to.
"Kaela Chanel!" Sigaw ko na rinig sa buong Cafeteria dahil hindi naman sila nag iingay at pinapanood lang ang mga kilos ko. Pero pagkatapos kong sumigaw ay nagsimula na silang magbulong bulungan.

"Hala, ang lakas ng loob ni Kaela."

"Wrong move, girl."

"Ang sama niya talaga."

"Satan's daughter."

Napalingon agad ako sa nagsalita noon. Matalim ang mata kong tinitigan siya na nag iwas ng tingin. Hinding hindi mo ako matatakasan. I'm Satan's daughter? Damn.

Tumayo ako sa upuan ko at tinahak ang daan papunta sa kanya. Napapasinghap ang lahat ng dinadaanan ko. No one dares to speak kaya ang tunog lang ng takong ko ang naririnig kong ingay.

You should not mess up with me, girl.

Nanlaki ang mata ng babaeng nagsalita noong makalapit ako sa kanya. Agad kong naramdaman ang takot niya. I stared on her using my coldest eyes. Walang ekspresyon ang mukha ko habang nakatayo ako sa unahan niya.

May naramdaman akong lumapit saakin at hinawakan ako sa braso. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino siya. Siya lang naman ang tanging bruhang may lakas loob na hawakan ako. At isa pa, hinding hindi ko tatanggalin ang tingin ko sa hampas lupang babaeng to na tinawag akong anak ni Satanas.

"Celestine please." Bulong ni Kaela sa tenga ko pero ngumisi lang ako at marahas na inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Shut up Kae, baka gusto mong ikaw ang sumunod." I glared at her kaya naman napaatras siya at napatahimik.

Binalik ko ang tingin ko sa babaeng nasa unahan ko na ngayon ay nanginginig na.

"Can you say it again?" Malamig kong tanong sakanya at humakbang pa para mas mapalapit.

"A..ano? Wa..wala akong.. sinasabi!" Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Kaya pala halos magkabuhol buhol na ang dila niya sa pagkautal. Oh people, hindi sa lahat ng pagkakataon dapat kayong magsinungaling sa isang bagay na buking na, lalong lalo na kapag ako ang kausap mo.

"Say it when I'm asking nicely." Matalim ko siyang tinitigan at napaatras na ang upuan niya dahil sa tensyon niya.

"No. I.. I.. don't.. don't say any..anything!"

My teeth greeted and I tightly close my eyes. One rule, kapag sinabi kong gawin mo, sundin mo ako. Hinding hindi mo gugustuhing makalaban ako.

I opened my eyes, grab the glass of her ice tea at binuhos yon sa mukha niya. Napasinghap siya dahil sa biglaan kong ginawa.

"Celestine!" Rinig kong saway ni Kaela.

Naglakad ako papalapit sa babae at yumuko ko para maging pantay kami. Marahas kong hinawakan ang panga niya at napangisi ako ng makita ko kung paano siya nasasaktan at kung paano tumulo ang luha niya.

"Do whatever I told you to. Satan's daughter? Let me show you one." Hinablot ko ang buhok niya at pilit siyang itinayo. I grip her hair at sinubsob ang mukha niya sa pagkain niya kaya naman napasigaw ang mga kasama niya sa table at lumayo saamin.

"Hey!" Iyak niya habang nakatingin sa mga kasama niyang lumayo.

Tahimik pa rin ang buong tao dito at natatakot magreact. Napadako ang tingin ko sa ibang bahagi at nanliit ang mata ko sa nakita ko. Napasinghap naman ang babaeng may hawak ng cellphone niya habang nagvi video siya noong nakitang sakanya ako nakatingin.

"Kaela." Tawag ko sa babaeng hindi na alam ang gagawin niya sa likod ko. Mabilis naman siyang naglakad sa babaeng yon at hinablot ang cellphone na hawak niya.

"Mahal ang Talent Fee ng isang Regina Celestine Leyson, ahm, yung kapayapaan mo lang naman." Ngumiti ito sa babaeng suminghap at bumalik sa tabi ko.

Nagkibit balikat siya saakin at ibinigsak ang cellphone na nakuha niya at pinagtatapakan niya. Good.

Humarap ulit ako sa babaeng nagpainit ng ulo ko at hinablot ang braso niya.
"Running away, eh?" Saad ko dahil pasimple siyang umaalis sa tabi ko habang nasa iba ang atensyon ko.

Diniin ko ang kuko sa balat niya hanggang sa mapasigaw siya. Hayst. Kakapamanicure ko palang naman.

"Ms. Leyson!" Napalingon ako sa pinto ng Cafeteria at nagpakita ang pinaka boring na babae sa buong mundo kasama ang kanyang mga alagad.

Napairap ako dahil sinira nya nanaman ang show ko. She always spoils my fun. The fuck.

Binitawan ko ang babae at kinuha ang platong pinag subsuban ko sa kanya kanina at binuhos sa mukha niya.

Narinig ko ang sigaw at singhap ng mga tao dito ng sinadya kong isama sa pagbuhos sa kanya ang plato ng pagkain niya. Tumama iyon sa mukha niya at nabasag sa paa niya.

I heard her scream of pain. Umingay naman ang Cafeteria pagkatapos.

"Miss Leyson! Detention Room, now!"

Hindi ko pinansin ang boring na babae at ngumisi lang ako sa babaeng nasa unahan ko bago nagsalita,
"Welcome to the Hunt list, Bitch."

Tumalikod ako at bumalik sa table para kunin ang bag ko.

"Satan's not her father. She's a Daddy's girl. Don't insult her Dad. I think that's another rule-"

"KAELA!" Napatigil siya sa pagsasalita at awkward na ngumiti. Naglakad na ako palabas ng Cafeteria habang si Kaela ay tumatakbo papalapit saakin.

"Detention Room." Bigkas ni Asha noong dumaan ako sa tabi niya. I just smirk and walk like I don't hear anything.

"You going to Detention Room?" Tanong saakin ni Kaela noong makasabay siya sa paglalakad ko. Umirap ako sa kanya at hinawi ang buhok kong humaharang sa mukha ko.

"Do I look like someone who obey rules?" Nagpout siya saakin pero ngumiti din.

"Edi, saan ka?"

"Home." Walang ekspresyon kong saad.

"Sainyo? Can I come?" Nagninining ang mga mata nya habang tinatanong ako. Psh. Feeling talaga tong babaeng to.

"Sure, let's go to hell together."

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon