Prologue

523 11 0
                                    

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue.

"Please Celestine!" Umirap ako at umiling. She's hopeless. Wala naman akong ginagawa sa kanya ha? Hindi ko nga kilala ang boyfriend niya tapos nagmamakaawa siyang ibalik ko sa kanya? Anong pakialam ko sa existence nila? Isa pa, boyfriend? Crazy. Isaksak niya sa baga niya lahat ng lalaki. The hell I care.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Stomach in, chest out, chin up. Tumigil ako sa paglalakad dahil may nakaharang sa unahan ko.

Sinalubong ko ang tingin niya at malambing ngumiti sa kanya. Agad siyang nagmadaling pulutin ang librong nasa lupa at sunod sunod na nagbow sa unahan ko.

"Sorry Miss Leyson! Sorry! Sorry!" Agad tumakbo ang babae palayo saakin. Agad nabura ang ngiti ko sa labi at inikot ang mga mata ko. Itinaas ko ang kaliwa kong kilay at ngumisi sa lahat bago nagpatuloy ng paglalakad.

"Ang sama niya talaga."

"Hindi ka na nasanay!"

"Woah. What a type of a girl, dude!"

"Poor girl."

Napahinto ako at nilibot muli ang mapanuri kong mga mata. Agad namang iniiwas ng mga walang kwenta kong mga schoolmates ang kanilang mga mata saakin.

Seriously? Last time I check, ngumiti pa ako sa kanya at walang sinabi. Sya lang naman ang nagkanda luhod sa unahan ko para humingi ng sorry. Bakit hindi pa nila ipatanggal ang mga walang kwenta nilang mga mata.

Oh Celestine, masasayang lang ang oras mo sa kanila.

Hinawi ko ang buhok kong nililipad sa mukha ko at nagsimula ulit maglakad. Humahawi naman sila para bigyan ako ng daan.

Good. At least alam nila kung paano ako susundin. Hindi nila gugustuhing makakita ng nagwawalang magandang tigre dito ngayon.

Napatigil ako dahil sa paglalakad dahil nagkabungguan kami ng isang babaeng tumatakbo. What's with this day? Bakit ang tatanga ng mga tao ngayon? Ilan pa ba ang dapat kong makabunguan bago ako makarating sa room? Itinagilid ko ang ulo ko at walang emosyong tinitigan ang babaeng ngayon ay nakaupo na sa lapag.

"Si Asha!"

"Omygod! Nadapa sya?"

"Look! Si Celestine!"

"Wala ba talaga siyang pinapatawad?"

Pathetic people all around. Hindi ibig sabihin na ako yung natirang nakatayo sa bungguan namin, ako na yung masama.

"Can you please get out of my way now, Miss?" Matalim ang titig ko sa kanya habang nagsasalita. Kailan ba lumambot ang tingin ko? Probably never.

Tumayo siya at hinarap ako. Napangisi ako ng makilala ko kung sino ang nasa unahan ko. Standing in front of me was no other than, Asha Jazmyn Hizon. The Campus Perfect Girl. But for me? The most boring girl alive. Eww.

"We won't tolerate your attitude, Miss Leyson." Mala anghel ang tinig niya habang nakatingin saakin. Ohh, the righteous Student Council President had spoken, Celestine. Narinig mo ba? I laugh just on my mind.

"You're damn, bitch."

"Patay ka."

"Maganda pa naman sya."

Tumawa ako gamit ang mala anghel kong boses. What? Para lang sa magaganda yon.
"As far as I've remember I don't ask you about my attitude." Itinulak ko sya gamit ang aking daliri at ngumiti sa kanya. "-so please excuse me, naririndi na ako sa mga ipis na nasa paligid ko."

Hindi pa ako nakakahakbang ng isa ay may pumigil na sa braso ko. Hinarap ko siya at natawa. Ano? Hindi pa ba tapos?

"Say sorry." Matigas at ma otoridad niyang utos saakin. Wala ba syang practice ngayon? Sabagay, kung nasaan ang amo, nandoon din ang aso.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko.
"Sorry." I smiled at him at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "-is not my thing."

Naglakad ako papalayo at this time wala nang humarang saakin. Hindi ako masama, nagbabait baitan lang talaga sila. Kontrabida na kung kontrabida pero handa akong mang agaw ng istorya.

Dahil dito, ang kontrabida ay ang bida.

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon