Chapter 37

65 1 0
                                    

Chapter 37: Tulong

Molly Grace——

Nakasanayan ko na ang buhay ko bilang isang scholar ng school na ito. Payapa ang buhay ko tuwing may kasama akong malalaking pangalan sa school na ito ngunit kapag wala ay mabilis silang nagsusulputan para pulaan ako.

Palagi nilang sinasabi na palagi akong nagtatago sa likod ng Student Council pero pinagsasawalang bahala ko na yon. Sila lang ang mga kaibigan ko sa paaralang ito.

Laking pasasalamat ko noong tigilan ako ng pinakamalaking bully ng school na to. Si Celestine.

Nakita at naranasan ko ang pagmamalupit niya. Noong nakita ko siyang saktan ng mga schoolmates, sinabi ko sa sarili kong deserve niya yon. Pero naisip kong ang swerte niya dahil sa pag aalala ni Trey sa kanya.

Si Trey...

Matapos ang araw na yon ay pakiramdam ko kahit wala na siyang masyadong ginagawa ay mas lumakas ang kapangyarihan niya sa school na to. Hindi na muli siyang kinalaban ng Student Council na dati ay todo pigil sa kanya.

"Congrats talaga Bro! Hanep!" Nagising ako sa malalim na pag iisip noong magsimulang mag ingay ang mga kasama ko sa table.

Tinitigan ko ang bagong dating. Nakangiti ni Luke na umupo sa tabi ni Asha na nasa harap ko.

"Congrats Luke." Nakangiting bati ko sa kanya. Alam kong sila ang nanalo last finals noong biyernes.

"Thanks." He said. "Salamat sa inyo!"

"That was a nice game, bro." Saad ni Nico, ang Vice ni Asha.

Pinagpatuloy ko ang pagkain habang nakikinig sa kanila at palipat lipat din ang tingin sa kanila.

"Walang kupas si Villaluis."

Hindi sinasadyang napalingon ako kay Luke at nakita ko ang mabilis na paglaho ng ngiti nya pero agad din iyong bumalik pero hindi na kasing tamis noong nauna. Why? Anong meron kay Trey?

Tumahimik ang buong cafeteria kaya napatigil din sa pag iingay ang mga ka table ko. Pati si Asha na abala sa pakikipag usap sa SC Adviser sa telepono ay nag paalam. Normal na eksena pero hindi pa din nawawala.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kaela. Isa sa mga malalaking pangalan sa school na to. Maganda siya at palaging nakangiti. Sa pagkakaalam ko ay kilala siya dahil palagi siyang nakadikit kay Celestine.

Tumaas ang kilay niya at napatigil ng saglit noong napansin ang katahimikan pero nagdire diretso din siya sa bakanteng upuan.

The crowd was still silent, waiting for the door to open again dahil isang malaking katanungan na nauna si Kaela kaysa kay Celestine. And it did.

Malamig na mata agad ang sumalubong saamin pagkapasok niya sa cafeteria. Those cold piercing eyes. Kumunot ang kilay niya dahil sa katahimikan. Hindi nagtagal ay may braso nang pumulupot sa bewang niya.

Rinig ko ang iba't ibang singhap ng mga naririto. It's Trey Villaluis!

Nilingon ni Celestine si Trey at binigyan ng isang matalim na tingin. Inalis niya ang hawak nito sa bewang niya at naglakad sa direksyon ni Kaela.

"What? Ano nanamang kasalanan ko?" Natatawa tanong ni Trey habang sinusundan si Celestine.

Rinig na rinig ang boses niya dahil mahihina ang ginagawang ingay ng lahat.

Nilagay ni Celestine ang bag niya sa upuan kaharap ni Kaela at naglakad papuntang counter pero hinila ni Trey ang kamay niya.

My jaw dropped. They are too close!

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon