Chapter 27

84 0 0
                                    

Chapter 27. Best choice

"I'll follow in a bit." I told Kaela. Tumaas ang kilay niya at ngumuso.

"At bakit?" She said.

"I just need to talk to someone." I said. Ang pag nguso niya ay unti unting napalitan ng ngisi.

"Okay!" She laugh. I glared at her before I turn my back and start walking through the indoor garden.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman inabot ko ito sa bag.

Trey:
      Eat your lunch.

Napabuntong hininga ako at tinago ang aking cellphone. Hindi ko pa rin siya nakikita simula kaninang umaga pero tinetext nya naman ako katulad ngayon.

I stepped inside the indoor garden. Agad kong nasalubong ang tingin ni Luke pagkapasok ko pa lang.

He smiled and walk toward me. Naglakad na rin ako papalapit sa kanya.

"How are you?" He asked looking at my bandages. I fake a smile.

"I'm fine." I said.

"Sorry." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Para saan?" I ask.

Ginulo niya ang buhok niya at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Sana nandoon ako para protektahan ka. Hindi ko akalain—"

"Hindi ko kailangan ng proteksyon mula sa iba. Nagkataon lang na wala akong lakas para lumaban." Matigas kong putol sa sinasabi niya. Natigilan siya habang nakatingin pa rin saakin.

"Celestine, anong nangyari?"

Tinitigan ko siya at tinagilid ang ulo ko. Ask yourself Luke, what happened?

"Walang nagyari." I said at nagkibit balikat.

Inihakbang ko ang aking paa upang magsimulang maglakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Nakatingin lamang ako sa mga bulaklak at halaman dito habang ramdam ko ang pagtitig niya saakin.

"Iniiwasan mo ba ako?" He asked.

I didn't look at him. Nananatili ang tingin ko sa aking paligid.

"No. I told you I'm busy catching up." I said plainly.

I was caught off guard when he pull my hand to make me face him. Napahawak ako sa dibdib niya para mapigilan nag tuluyan kong paglalanding sa kanya.

"What the hell?" Iritado kong saad.

"Who is Trey?"

Tinignan ko siya na parang ang tinanong niya ay para sa mga tanga lamang. Inalis ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at umayos ng tayo.

"Sigurado kang tinatanong mo sakin kung sino ang Star Player mo?" Sarkastiko kong saad at umirap sa kanya.

"Who's Trey in your life?"

Hindi ako nakasagot. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. What will I say? Trey is my ex boyfriend! Magiging insensitive nanaman ba ako at pagsisisihan yon? Hell.

"Trey..." I eyed him intently. "—is Trey." Dagdag ko.

"Anong pinagkaiba ni Trey sa buhay ko at sa buhay mo?" Tanong ko sa kanya, trying to avoid the question.

"Meron nga ba, Celestine?"

I glared at him. Ano bang gusto niyang sagot?

"Labas ka sa kung anong meron saamin ni Trey. What's this for anyway?" I asked.

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon