Chapter 1
Alibughang anak. Ganitong masasabi ang 23-anyos na binatang si Axel. Mula sa buwena pamilya. Ang kanyang mga magulang ay nagmamay-ari ng isang ceramic, publishing, at dairy business. Sunod lahat ang kanyang luho. Palibhasa’y nag-iisang anak na lalaki sa apat na supling ng kanyang mga magulang. Bunso pa siya.
Hilig ng kelot ang potograpiya pero mas matindi ang kanyang debosyon sa pagsusulat. Dahil sa may pag-aari silang publikasyon, nalilimbag ang anomang aklat na kanyang isulat. Kaso, hindi mabenta. Kulang sa sustansiya at hindi mabenta sa merkado. Hindi pa raw siya hinog sa karanasan at sa sining ng pagsusulat.
Madalas magliliwaliw si Axel. Barkada, alak, babae. Diyan umiikot ang kanyang buhay. Pinagsama niya ang hilig sa pagsusulat at potograpiya. Kapag may gagawin siyang libro, titikim muna siya ng bebot. Kasehodang syota niya ito o bayarang babae. Kahit tindera sa karinderya at panaderya basta magustuhan niya ay papatusin ng kumag. Huwag lang daw lalagpas ang edad sa 20-anyos at di naan bababa sa 16-anyos. Kapag lagpas na ng 20-anyos ang edad, matrona na raw sa kanya.
Parang basahan lang kung ituring niya ang mga babae. Na pagkatapos pitasin ang dangal ay iniiwan na lang. Mula nang magkaroon siya ng kasintahan sapol pa noong second year high school siya hanggang sa magtapos ng kolehiyo sa kursong journalism, nakaka-trentang syota na siya. Nagtatagal lamang ng 1 buwan sa kanya ang mga bebot.
Kapag inspirado siyang magsulat, tumatambay siya sa Ermita at tomotoma sa paborito niyang club roon. Doon na rin siya pumi-pick-up ng mga pokpok para banatan. Kapag nasa kondsiyon, kahit 3 bebot kaya niyang patusin ng sabay-sabay. Isang tao lang ang isinasama niya sa kanyang gimik. Ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Jimmy, 27-anyos. Ang sex ay parang gasolina niya sa katawan para laging nasa mood magsulat. Pero, hindi pa rin siya nakagagawa ng magandang plot o istorya.
Sa halos 20 aklat na isinulat niya sapol noong siya’y 16-anyos, isa pa lamang ang pinapurihan at bumenta ng todo sa madla. Na tungkol sa isang 12-anyos na bata na nagligtas ng 10 bata sa isang silid-aralan na lumubog sa baha. Bukod dun, wala na. Ang iba niyang mga sinulat ay nabibili rin sa mga bookstore. Pero, hindi ganun katindi.
Sinasabon na nga siya ng kanyang ama dahil lugi ang palimbagan nila sa kanyang mga pinalimbag na libro. Sinusuportahan naman siya ng kanyang ina sa kanyang propesyon. Spoiled brat ang kelot sa kanyang ina kung kaya malakas ang loob na gawin ang mga bagay na alanganin.
Nang dahil sa kanyang paghahangad na makapagsulat ng magandang tema at istorya, sige sa pambubulog ang kelot. At ang matindi, gumagamit na rin ito ng bawal na gamot para magpa-kondsiyon. Hilig niyang bumatak ng cocaine saka marijuana. Naisip niya na sa kanyang isusulat, siya na rin ang magpro-provide ng larawan. Larawang kuha niyang talaga. Mas napapansin pa nga ang husay niya sa potograpiya kaysa sa pagsusulat. Pero, matindi ang paghahangad niyang sundan ang yapak ng mga mahuhusay na mga manunulat sa Pilipinas at ng mga klasikong may-akda. Gaya nina Ricky Lee, Carlos Bulusan, Efren Abueg, Edgardo Reyes, at mag-ala J.K Rowling at Stephen King.
Sa kanyang pagmumuni-muni, mas magnda raw sigurong magsulat sa ibang lugar kaysa sa sariling bayan. Kung kaya, naisipan niyang magbakasyon. At dahil kailangan ng malaking alat para sa gagawin niya kunong obra ay pinakialaman niya ang vault sa kuwarto ng kanyang mga magulang at kumuha ng malaking halaga. Naglalaro sa Php 200,000 at US$1000. May Credit Card pa siya. Ikinagalit ito ng kanyang ama at mga kapatid. Pero kinampihan siya ng kanyang inang si Elena.
“ Kaya tumitigas ang ulo ng anak mong yan dahil kinokonsenti mo. At saan mo naman niya gagamitin ang ganung kalaking halaga? Sa bisyo? Sa luho? Aba, mahirap kitain ang pera ngayon,” himutok ng kanyang amang si Leonardo.
“ Para sa publication naman natin ang gagawin ko, dad! Gagawa ako ng libro na magpa-pangat ng sales at mapapasikat sa ating publication,” alibi ng binata.
“ Gunggong! Lagi namang lagapak sa sales ang mga isinusulat mo. ‘ E kung tumulong ka na lang sa pamamalakad ng negosyo natin, may silbi ka pa.”
“ Dad, nandiyan naman sina ate Jenna, Helen, at Mildred. Yun ang hilig nila ‘e. Ako iba ang passion ko. Pagbigyan mo na ako, dad!”
“ Pagbigyan mo na siya, Leo. Wala namang masama sa gagawin niya. Natural lang talaga sa mga writer ang mangamote sa umpisa. Pero, darating ang panahon na sisikat din ang anak mo. Na dadakilain din si Axel Freddie Baltazar,” ani ng kanyang ina.
“ Bahala ka kung anong gusto mong gawin. Basta, huwag mo lang kaming bibigyan ng sakit ng ulo ng mommy mo. Freedom is relative, not absolute. Gawin mo ang nais mo pero huwag mong gagawin ang ikahihiya ng pamilya natin,understand!” pabulyaw pero malambing na turan ni Leonardo.
“Thanks, dad, mom. Hayaan nyo, I’ll make both you proud of me,” nakatawang sabi ni Axel.
Umalis ang binata ng Pilipinas at nagtungo sa Malaysia. Noong una ay tumigil siya sa Kuala Lumpur. Pero, dahil hindi niya gusto ang ambiance sa naturang lungsod, lumipat siya sa Selangor at nangupahan sa isang bahay sa suburban city doon. Sa Subang Jaya. Naging kaibigan niya ang anak ng landlady ng tinutuluyan niyang bahay na si Omad Jair Ahmad, 24-anyos. Ito ang naging guide niya para malibot ang buong paligid sa lungsod. Kasa-ksaa niya sa stroll, shopping, at inuman ang kelot.
Minsan, niyaya niya ang kelot na kung saan masarap magtampisaw. Alam na ni Omad ang gusto ng binata. Bulog. Totnak. May alam si Omad na kakaiba. Isinama siya nito sa isang kasa sa Puchong Utama. Isang mini brothel o himlayang paraiso sa loob ng isang factory outlet. Front lamang ang mga tindahan ng mga damit at iba pang apparels at produkto ng naturang factory. Pero, sa ilalim ng basement nito, may kuwarto at may mga babaeng naka-puwesto roon para magbenta ng panandaliang aliw.
Karamihan ng mga bebot doon ay pawang Chinese at Vietnamese. Bilang lang ang Thai at babaeng Malaysian. May nasumpungan ding Pinay doon si Axel. Taga- Puerto Prinsesa sa Palawan daw. Tineybol ito ni Axel at kinausap. Gigi ang pangalan ng bebot. Nasadlak siya sa prostitusyon dahil iba ang hinagap niya sa trabahong inasam. Trabaho sa pabrika ang inalok sa kanyang trabaho pero, ibang pabrika pala. Sex service. Wala nang nagawa si Gigi kundi tanggapin ang mapait at masaklap na kapalarang sinapit dahil sa migrasyon. Habang nagku-kuwento ang bebot ay kumuha ng kuwaderno’t ballpen sa dala niyang back pack ang binata. Itinala ang tinuran ni Gigi.
Kahit na masalimuto ang nasabakang trabaho ay malaki ang kan yang kinikita. Pumapalo sa 20,000 Ringgit ang kita ni Gigi kada buwan. Naging GRO siya sa isang nightclub sa Kuala Lumpur sa loob ng 2 buwan. Pero, inilipat siya ng manager ng club sa Subang Jaya para may ibang mukha at putahe namang matitikman ang mga parokyano.
Kapag tineyk-out daw siya ng kustomer ay pumapalo sa 75 ringgit kada oras ang patak niya. Minimum na yung 10 oras kada booking. Kapag tineybol daw siya ng buong magdamag ng parokyano, papalo sa 1,000 ringgit ang bayad sa bebot. Kaya, kahit di gusto ang trabaho ay nakasanayan na ng bebot alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay na nais niyang makaahon sa hirap.
“ Di ka ba naku-konsensiya na sa hindi malinis na paraan mo pinapakain ang pamilya mo sa Pilipinas? “ tanong ni Axel.
“ Oo, pero wala akong magagawa. Kapag nakaipon na ako ng malaki, saka na lang ako titigil,” sagot ng babae.
“ Titigil ka kailan pa? Praktikal ka pala. Hihintayin mo pang magkasakit ka o may mangyaring masama iyo bago ka tumigil. Saka, ilegal ang raket mo. Papaano kung matiklo na ito ng otoridad? Saan ka pupulutin? “
“ Teka, nandito ka ba para maaliw o manermon? Hindi mo alam ang naging buhay ko kaya wala kang karapatang husgahan ako,” ani Gigi.
“ Pasensiya ka na. Naaawa kasi ako sa iyo. Kababayan kita kaya concern ako sa lagay mo,” ani ng binata.
“ Naaaawa? Kung ganun nga ang pakiramdam mo, hindi ka sana nandirito. Naaawa ka ba sa mga babae rito gayun gusto mong makipagsex sa amin? Saka bakit isinusulat mo ang mga sinasabi ko?”
“ May point ka ha! Oo, titikim ako ng bebot dito pero hindi ikaw ang papatusin ko. Lalaki lang ako at naghahanap ng aliw. Pero, mas masahol pa ako sa asong ulo kapag nakipagtalik ako sa kababayan ko,” sagot ni Axel.
“ Aminin mo, nasilaw ka na din sa salapi kaya ginusto mo na ang trabahong ito. Dahil kung labag sa kalooban mo, aalis ka rito at walang makakapigil sa iyo. Isusumbong mo sa kinauukulan ang kabulukan sa establisiyimentong ito,” dagdag pa ng binata.
BINABASA MO ANG
MEMORIES IN SUBANG JAYA
RomanceSi Axel ay isang frustrated writer pero magaling na photographer. Na dahil sa hindi sikat at kinikilala ang ka niyang mga akda sa PIlipinas at nagtungo sa ibang bansa upang makagawa ng isang kakaibang obra. Isang mabisyo, babaero, durugustang binata...