Chapter 5 Nobela

598 1 0
                                    

Samantala, nakauwi na sina Axel sa bahay nina Chahaya. Masayang-masaya ang mga bata. Kasi, hinabol pa ng binata na bilhan  sila ng bagong 21 inches flat screen TV na ipapa-deliver na lang. Ang gaan ng pakiramdam ni Axel dahil nakikita niyang masaya sina Chahaya. Di baleng kapusin siya sa budget basta sa mga bagay na makabuluhan ito napupunta. Lalong-lalo na para sa kasayahan ni Chahaya.

Makalipas ang isang oras ay dumating na ang TV at excited itong pinanooran agad ng mga bata.

Si Chahaya naman ay naghanda na ng mga lulutuing pagkain para sa magiging hapunan nila. Katuwang ng dalaga si Omad. Nagpahinga ng mga sandaling iyon si Axel. Nakadama siya ng matinding hilo at namumutla.

Pero, nang makainom ng gamot ay tutok na agad ito sa kanyang laptop at nagsimulang tumipa. Pinagpatuloy ang naputol na kabanata ng isinusulat niyang nobela. Nasa ikaapat na tsapter na siya. Inspiradong-inspirado si Axel na magsulat ng sandaling iyon.

Si Chahaya at ang mga bata ang tema niya sa kabanatang isinusulat. Naisip ng binata na isulat ang mga naging karanasan niya sa Subang Jaya. Wala siyang itinago o inilihim. Lahat ng mapapait at masaya nilang karanasan sa naturang siyudad ay kanyang isinulat.

Pero, habang tumitipa siya sa laptop ay nakakaramdam ng matinding hapo ang binata. Ang masaklap, nasusuka siya. Kung kaya, nagtungo siyang saglit sa banyo at nagsuka. Putlang-putla ang binata pagkatapos nun at nakaramdam ng pananakit ng ulo’t pagkahilo. Isa pa, medyo naduduling din ang paningin ng binata. Bagay na kanyang ipinagtataka.

“ Pre, anong nangyayari sa iyo? Putlang-putla ka ‘a,” alalang tanong ni Omad nang mapansin siyang napasandal sa isang silya.

“ Baka sobrang stress lang saka pagod to, pre. Pahinga lang to,” sagot ni Axel sa wikang Inglisg na isinalin sa Tagalog.

“ Ikaw naman kasi, alalay lang sa pagsusulat ng novel mo. Nagpupuyat ka kasi. Uminom ka na ba ng gamot? Baka trangkaso lang ‘yan,” singit ni Chahaya na nag-aalala sa kasintahan. Napahipo ito sa kanyang noo’t leeg.

“ Baka nga. Pero, wala ito. Bata lang ang dumadaing sa sakit. Matanda na ako,” ani Axel.

Ipinagpatuloy ng binata ang pagta-tayp ng nobela niya sa laptop. Balak niyang tapusin ang Chapter 4 at Chapter 5 ng kanyang ginagawang nobela. Pero, habang tumatagal ay sumasakit na naman ang kanyang ulo at nahihilo. Naninigas din ang kanyang leeg at kamay.

Kung kaya, tumigil muna siya sa ginagawa at nagawang maidlip sa inuupang silya habang nakatapat sa mesa.

Noong una, hindi binibigyang pansin ng binata ang nararamdaman niyang iyon. Makalipas ang isang buwan ay napapansin ng binata na lagi siyang na-a-out-balanse sa paglalakad. Lagi rin siyang nagsusuka tuwing umaga at nahihilo na kahit antok na antok siya ay nagigising siya dahil dito.

Sa isip-isip ng binata, marahil ang kakatwang nararamdaman sa nakalipas na 60 araw ay sanhi ng kanyang paggamit noon ng droga. Na kung saan ay halos 3 o 5 araw siyang gising at walang tulog.  Pero, hindi iyon ikinabahala iyon ng binata. Aniya, natural lang daw iyon kapag nagpupuyat. Bukod kasi sa nobela niyang isinusulat ay may ginagawa rin siyang koleksiyon ng magaganda niyang larawan na gagawin niyang coffee table collection. At dahil ganado magsulat at halos 3 o 4 na oras lang ang tulog niya sa magdamag.

Kapag umaga ay nagtutungo siya kina Chahaya. Hanggang hapon siya run. Kung minsan, namamasyal sila sa parke at inaabutan na ng gabi. Pagdating sa inuupahan niyang bahay ay diretso sulat na siya at nakukuhang makipagtalastasan sa kanyang ina sa social networking site. Kapag di siya natiis ng kanyang mommy ay nakakausap niya ito sa cellphone niya. Kinukumusta siya kung ano ang kanyang lagay.

Pasumpong-sumpong ang nararamdaman ni Axel na pananakit ng ulo, pagsusuka, pagkahilo, stiff neck, pananakit ng mga mata, at pamumutla. Kung kaya, sinabihan siya nina Omad at Chahaya na huwag nang magpuyat at sa araw na lang gawin ang tinatayp niyang nobela. Huwag daw sa madaling araw.

MEMORIES IN SUBANG JAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon