“ Sabihin na nating nagmamahal ako... nagmamahal ng lubos. Chahaya, kabaliwan ba ang sabihin sa iyong umiibig ako sa iyo!”
Biglang natigilan ang babae sa narinig. Napayuko. At nang muling iangat ang mukha’y matamang minasdan ang binata.
“ Kabaliwan nga ang sinabi mo, Axel. Ako na isang babaeng walang kuwenta... walang halaga... madumi... mababa ang lipad, iniibig mo! I’m AWEK BERBAYAR.”
Ang Awek Berbayar ay termino o tumutukoy sa mga prosti sa Malaysia.
“ Huwag mong sabihin ‘yan. Lahat ng kapintasan sa iyong pagkatao’y nilinis na ng aking pang-unawa’t wagas na pagmamahal. Hindi ka ba naniniwala?”
“ Baka nahihibang ka lang. Siguraduhin mo muna.”
“ Saya suka penpatan cinta,” ani Axel kay Chahaya na ang ibig sabihin ay “ Mahal kita, sinta!”
Natigilan ang babae. Napabuntong hininga. Alam niyang kasing hinugot mula sa puso ang sinabi ng binata. Totoo iyon. Tapat at walang halong biro.
“Saya suka anda juga,” sambit ni Chahaya na ang ibig sabihin ay ” Mahal din kita”.
Yakap ang iginanti ng binata sa dalaga. Mahigpit ang yakap na iyon. Minasdan ni Axel si Chahaya. At sa muling pagkakataong umibig siya, tinitiyak niya na hindi na ito laro-laro lang. Totohanan na ito. Nagtawanan ang dalawa. Gumanti ng mahigpit na yapak si Chahaya.
“ I promise that I will love you so much! You’re my special angel, Chahaya, “ sambit ni Axel sabay halik sa pisngi ng babae.
At sa pagkakataong iyon na may isang lalaking nagpahalaga sa kanya, hindi na magbababad si Chahaya sa pusali. Iniahon na siya roon ni Axel. Nangako ang binata na aalalayan niya ang dalaga pati ang mga batang nasa pangangalaga nito. At higit sa lahat, hahanapin niya nang nawawalang kapatid ni Chahaya na si Chatangalee.
Ipinakita rin ng dalaga ang litrato ng kapatid sa binata. Kutob ni Chahaya, nasadlak sa prostitusyon ang kapatid. Na hawak ito ng sindikato upang gawing sex slave. Nang sumunod na araw ay masiglang gumising si Axel. Tineks niya si Chahaya.
“ Good morning... I love you.” ang nalakagay sa text.
“ I love you too.” Namana ng iginanting mensahe sa kanya ng babae. Bakyang-bakya lang ang cell phone ni Chahaya. Lumang modelo. Dugyot ito kung ikukumpara sa kanyang cell phone.
Kahit ganun ay makabuluhan naman iyon sa dalaga. Dahil pagdating sa pagpapadama ng pag-ibig sa sinisinta, pare-pareho lang ang mensahe. Pero, iba’t-iba ang panimbang.
“ Alis tayo mamaya after lunch. Sama mo ang mga bata. Punta tayong Kuala Lumpur,” ani Axel na tinawagan na ang babae.
“ Okay,” sagot ni Chahaya na hanggang dun lang. Naubusan na kasi ng baterya. Bukod dun, ala na ring load.
Sinabi ni Axel na pupunta siya ng maaga sa bahay nina Chahaya. Kasama niya si Omad para raw may bodyguard siya. Magaling kasi sa Muay Thai ang kelot dahil may pagma-may-aring gym ang tiyuhin ni Omad na nagtuturo ng Muay Thai Lesson. Payag naman ang binata.
Alas dyes ng umaga ay dumating na sina Axel at Omad sa bahay. Walking distance lang kasi ang bahay nina Chahaya. May dalang back pack ang binata kung saan nakalagay ang kanyang laptop, iPad, kuwaderno, at iba pang gamit. Ang camera niya ay laging nakasukbit sa kanyang leeg. Sinabi niya kay Omad na banatayan muna ang mga bata at mamamalengke sila ng dalaga. Para sa pananghalian daw nila.
BINABASA MO ANG
MEMORIES IN SUBANG JAYA
RomanceSi Axel ay isang frustrated writer pero magaling na photographer. Na dahil sa hindi sikat at kinikilala ang ka niyang mga akda sa PIlipinas at nagtungo sa ibang bansa upang makagawa ng isang kakaibang obra. Isang mabisyo, babaero, durugustang binata...