Chapter 7 Pangako

53 0 0
                                    

Minarapat nang gawin iyon ni Axel at pilit niyang tatapusin ang mga nalalabi pang 4 na kabanata  sa kabuuang labingdalawa.

Pagsapit ng alas dos ng hapon ay dumalaw si Chahaya sa kanyang inuupahang bahay. May dala itong prutas. Nag-aalala ang dalaga sa kalagayan ng binata dahil malaki ang ipinayat nito sa nagdaang mga araw.

Inalagaan siya ni Chahaya maghapon at minamatyagan ang kanyang kondisyon. Sa pakiwari ng dalaga’y may seryosong sakit ang binata.

Sinabihan si Axel ng dalaga na magpatingin sa doktor para malaman ang dahilan ng kanyang pasumpong-sumpong na karamdaman. Kinabahan si Axel dahil napapansin na ng dalaga ang pagbagsak ng kanyang katawan. Sinabi ni Chahaya na minsang nasa bahay nila ang binata ay nakita niya itong nagsuka at natumba sa palikuran. Akala nga ng dalaga ay uminom siya ng alak. Pero, hindi naman pala.

Ang alibi ni Axel, marahil ay dahil sa kanyang pagpupuyat dahil pinipilit niyang matapos ang nobela’t mga koleksiyon ng kanyang mga larawan. Nais ng binata na mailathala agad ito sa oras na matapos na at maisaayos.

Kahit masama ang pakiramdam ng araw na iyon ay gumaan ang katawan ng binata nang dumating si Chahaya. Nakuha pa ng dalaga na patulugin ang binata na ang ulo nito ay nakahilig sa kanyang mga hita. Hinahaplos-haplos niya ang ulo at mukha ni Axel habang natutulog.

At sa kanyang paghaplos ng buhok ng binata’y napansin ni Chahaya na sumasama ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mga daliri. Napansin niyang ang dating makapal na buhok ng binata ay unti-unting numinipis sa nakalipas na tatlong buwan. Lumakas pa ang hinala ng dalaga na may karamdaman ngang iniinda ang kanyang kasintahan nang makakita ng ilang garapang nakalagay sa trash bin. Hindi naman aniya iyon botelya na pinaglalagyan ng multi-vitamins. Wala siyang kabatiran sa nakasulat sa label ng botelyang nakita niya.

Ang nasa isip niya ay sleeping pills iyon na iniinom ni Axel. Batid niya kasing may insomia ang binata.

Makalipas pa ang kalahating oras ay nagising na ang binata. Hinalikan niya sa palad ang kasintahan na nagtataka. Inutusan niya ang nobya na magluto o maghanda ng kanilang meryenda. Pumunta naman sa pridyeder si Chahaya para tingnan kung ano ang pupuwedeng iluto. May kinuha naman siyang pagkain sa grocecy items. Biscuit iyon na dalawang balot, gatas na kondensada, at prutas. Gumawa si Chahaya ng isang cake mula sa nabanggit na pagkain at inilagay sa malaking plastic na hugis parisukat. Pagkatapos ay nilagay niya ito sa pridyeder.

Nagbukas ang dalaga ng dalawang lata ng corned beef  at naghiwa ng papatas at sibuyas. Iginisa  niya iyon. Nagtusta din siya ng malalaking buns sa oven toaster at nagtimpla ng orange juice.

Ang ginawa naman ng binata ay binuksan ang kanyang lap top ay nagsimula na  namang tumipa. Sinisimulan na niya nang ika- siyam na kabanata ng ginagawa niyang nobela. Mga 12 pangungusap pa lalang ang kanyang nagagawa’y inihinto niya ang kanyang pagta-tayp at tinulungan ang kasintahan sa ginagawang paghahanda sa kanilang meryenda.

“ Bakit hindi mo isinama ang mga bata? Anong ginagawa  nila dun sa bahay?” tanong ni Axel kay Chahaya habang inakbayan niya ito.

“ Hayun, tuwang-tuwa sa paglalaro ng mga games sa ibinili mong iPad sa kanila. Yung dalawa namang batang babae ‘e babad sa panonood ng cartoons. Binabantayan naman sila ng kaibigan kong si Piangya, yung kapitbahay naming bading,” malambing na sagot ni Chahaya.

“ Ganun ba? Akala ko pinabayaan mo sila,” natatawang sabi ng binata.

Sa wikang English nag-uusap ang dalawa dahil hindi pa gaanong gamay ni Axel ang magsalita ng Malay. Naisip ni Chahaya na ano kaya kung turuan pa siya ng kasintahan ng wikang Filipino para marami itong alam na salitang Filipino?

MEMORIES IN SUBANG JAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon