Chapter 2
“ Okey ka rin, ano? Tatay ba kita para pangaralan ako? Hindi ito gagalawin ng otoridad rito dahil palabigsan nila ang raket na ito. In short, gatasan. Saka di sila makakatikim ng mga bebot kapag gusto nila. Para silang nagtampo sa belat,” pilyang pahayag ng bebot.
“ Ganun! Alam mo, sayang ka! Maganda ka pa naman. Kaso, ikaw na mismo ang nagbababad ng sarili mo sa pusali. Ang ibang Pinay, di maaatim na gawin iyan,” ani Axel.
Ang nangyari, pinaalis ng binata ang babae dahil ayaw niyang tikman ang kababayan. Ipinalit na bebot na maging ka-table niya ang isang 18-anyos na Thai. Maganda ito at mapungay ang mga mata. Sa wikang English sila nag-uusap ng kelot dahil di marunong ng wikang Thai ang binata. Nehadia ang pangalan ng babae. Aliw na aliw ang bebot habang nag-uusap sila ni Axel. Ikinuwento ng binata na isa siyang manunulat at photogapher.
Nang maparami na ng inom at nilukuban ng kamunduhan sa katawan ay sumenyas siya sa mamasang doon na gusto niyang harbesin ang bebot sa VIP room. Iyon nga ang nangyari.
Masarap katalik ang babaeng Thai. Ito ang napatunayan ng binata. Hindi nalalayo ang pisikal na anyo ng mga ito sa mga babaeng Pilipina. Lahat ng ikaliligaya niya ay ginawa ng naturang bebot.
Matapos ang mainit at nakakakiliting bakbakan ng dalawa’y humiga sila na sa kama. Nagkuwentuhan. Si Nehadia ang pinakara ni Axel. Nais niyang marinig ang paglalahad at pagsasalaysay sa buhay nito. Lalo na ang napasukang propesyon sa Subang Jaya.
Habang nagku-kuwento ang babae ay kumuha ng kuwaderno’t ballpen si Axel sa back pack nito na nakalagay sa gilid ng kama. Sinusulat ang bawat katagang sinasabi ng babae. Tinanong siya ng babae kung bakit gayun ang ginagawa niya.
“ Trip ko lang. Bale, eksperimento para sa temang isusulat ko para sa susunod kong librong gagawin. Huwag kang mag-alala, hindi ko nilagay ang pangalan mo,” sagot ng binata sa wikang Filipino na isinalin mula sa wikang English.
Nang matapos na ang palugit na pinaglalagakan nil ng silid ay binayaran ni Axel ang bebot ng 100 ringgit. Bukod pa ang tip nito na 20 ringgit at bayad sa mamasang na 80 ringgit para sa serbisyo ni Nehadia.
Lagi nang pumupunta si Axel sa naturang kasa sa Puchong Utama at tomotoma. Kapag medyo may tama na ng alak ay makikipagtalik na siya sa mga babaeng maiibigan. Suki na siya ni Nehadia.
At nang minsang mapag-isa siya sa kanyang kuwarto, napag-isip-isip ng binata na wala na siyang nagagawa. Wala pa siyang materyales sa kanyang obra sa potograpiya at magandang paksang susulatin sa kanyang gagawing libro.
Isa pa, unti-unti nang nauubos ang baon niyang pera. Naipagpalit na niyang lahat ang baong dollar bills sa Malaysian currency. Kaya, nagtipid siya ng todo nang magtagal ng 3 buwan, sa Subang Jaya sa Selangor.
Pero, hindi kumpleto ang araw ni Axel kapag hindi nakakatoma ng alak at nakakatikim ng babae bawat Linggo. Pakiramdam niya, mamamatay siya sa matinding panlulumo kapag hindi niya nagawa iyon. Kaya, lihim niyang kinontak ang kanyang mommy para padalhan siya ng pera via money transper. Idinahilan niya na nauubos na ang kanyang budget dahil sa ginagawa niyang pananaliksik sa ginagawa niyang libro. Nabilog ng binata ang ulo ng kanyang ina.
Kaya, every week ay pinapadalhan siya ng pera nito at mababa na yung 30,000 libong piso. Nang matanggap ni Axel ang padalang pera ng mommy niya nung isang araw ng Sabado, naisipan niyang mamili sa palengke ng Pasar Malam ng prutas. Namili rin siya ng maraming bara ng tsokolate sa isang convenience store. Pampagana raw para mag-isip at magsulat. Pero, kapag nakakakain siya ng tsokolate, mas hinahanap-hanap niya ang hilig ng katawan. Ang sex.
Kung kaya kinagabihan ng araw ng Sabado, umalis siya sa inuupahang bahay para magtungo sa kasa sa Puchong Utama. Wala siyang dalang back pack. Iinom siya at balak bumanat ng 2 bebot. Threesome ang trip niya kapag nakapili na ng mga bebot run.
BINABASA MO ANG
MEMORIES IN SUBANG JAYA
RomanceSi Axel ay isang frustrated writer pero magaling na photographer. Na dahil sa hindi sikat at kinikilala ang ka niyang mga akda sa PIlipinas at nagtungo sa ibang bansa upang makagawa ng isang kakaibang obra. Isang mabisyo, babaero, durugustang binata...