Chapter 10 Ang Pagbabalik

149 0 0
                                    

Ngayong naayos na ang missing link na namagitan kina Chahaya at Chetangalee sa loob ng mahabang panahon, masaya ang binata na buong-buo na ang pamilya ng kanyang kasintahan.

At dahil sa muling pagkikita ng magkapatid, batid ni Axel na napawi nang lahat ang sakit, hirap, at sama ng loob na naranasan nina Chahaya sa kinasadlakang kapalaran noon. Pawang naburang lahat iyon ng kalagalakang nadarama ng magkapatid sa kanilang muling pagtatagpo.

Matulin pang lumipas ang mga araw, inasikaso ni Axel ang kanyang mga papeles sa Malaysia para magtagal pa ng ilang araw sa naturang bansa. Inasikaso niya ang kanyang tourist  VISA. Plano niya na ring umuwi ng Pilipinas para ipalimbag na ang natapos niyang nobela at coffee table photo collections. Magpapagaling din siya sa kanyang nararamdamang kondisyon. Hihingi ng second opinion at nagbabaka-sakaling hindi seryoso ang kanyang karamdaman.

Gayung kapiling na nina Chahaya ang kanyang kapatid, nagpasya itong sumama sa binata pauwi ng Pilipinas. Gusto niyang damayan at suportahan ang binabalak na book launching ng kasintahan kapag nailimbag na ang isinulat na nobela.

Bago umalis ang dalawa ay katakot-takot na paala-ala’t tagubilin ang ginawa nila sa mga bata at kay Chetangalee. Magpakabait kuno at laging susundin ang payo ni Chahaya. Dahil plano ng dalaga na pag-aralin na ang mga bata sa susunod na School Year.

Laking pasasalamat naman ni Axel kay Omad sa lahat ng ginawa nitong pagtulong sa kanya. Nangako ang binata na babalik sa Malaysia... Sa Subang Jaya dahil naging pugad  na ito ng kanyang binubuong pangarap. Nang dahil sa naturang pook, nakilala niya’t inibig si Chahaya.

Nang muling makapagpadala ang mommy ni Axel, inasikaso niya agad ang mga kakailanganin sa kanilang pagtungo ni Chahaya sa Pilipinas. My plane ticket na rin sila.

Ipinaalam ni Axel sa kanyang ina na sa kanyang pagbabalik ay kasama niya ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso sa ibang pook. Okay lang daw at gusto ring makilala ng kanyang mommy si Feliza si Chahaya.

Nang makabalik sa bansa ang binata, ikinagulat ng kanyang mga magulang at kapatid ang malaking pagbabago sa kanyang hitsurang pisikal. Ang dating magulo at hanggang batok na buhok ay maikli na.

Hindi na rin siya nagsusuot ng hikaw. Inahit na rin  kasi  nito ang kanyang balbas sa baba. Maayos na ring manamit ang binata at hindi pormang pangkista. Ikinatuwa ng kanyang ina ang pagbabago sa anyo ni Axel. Nakipag-beso-beso ito kay Chahaya pagkatapos niyang ipakilala sa kanyang pamilya.

Welcome naman ang dalaga sa pamilya ng binata at mainit siyang tinanggap. Ang napansin lang nila sa katawan ng binata ay mukhang nangangayayat ito at matamlay.

“ Ayos ka  rin namang bata ka! Pagkatapos mong magliwaliw sa Malaysia ‘e may kasama kang bebot pauwi. Baka kung ano na naman ang gagawin mo dyan. Baka paluluhain mo lang din ‘yan gaya ng ginawa mo kay Kate at sa mga nagdaang girlfriends mo?” pang-aalaska ng daddy ni Axel sa kanya.

“ No, dad! Mahal ko si Chahaya. Nag-magtured  na ako nang dahil sa kanya. Marami kaming pinagdaanang pagsubok kung kaya minamahal namin ng buong puso ang isa’t-isa. Itaga nyo po sa bato, siya na ang babaeng pakakasalan ko!” ani Axel.

“ Talaga! O siya, dalhin mo na bukas sa publication ang ginawa mong nobela para malimbag na. Tingnan natin kung umepekto ang sinasabi mong karanasan sa Subang Jaya,” dugtong pa ng daddy ng binata. Gayun nga ang nangyari.

Habang nasa bahay ng binata si Chahaya, sa visitors room siya tumuloy. Nakakausap niya roon ang mga kasambahay nina Axel at naibahagi nito ang kanilang makulay na pag-iibigan ng binata. Kilig na kilig naman ang mga kasambahay na babae. Sa wikang English sila nag-uusap pero manaka-nakang kinakausap ng mga kasambahay si Chahaya ng wikang Tagalog. Nakakaintindi naman kahit paano ang dalaga dahil tinuruan ito ni Axel.

Nang matapos mailimbag ang 214 pahinang nobelang isinulat ng binata, nagkaroon ito ng book launching pagkatapos ng 5 araw na ginanap sa isang mall. Dagsa ang mga tao sa book launching. Marami ang bumili lalo na ang mga babae... ang mga teenagers.

Sa nobelang Memories in Subang Jaya lang nalaman ng mga kaanak ni Axel ang tungkol sa iniinda niyang karamdaman. Na mayroon siyang brain tumor na nasa Stage 1 pa lang na nakasulat sa huling pahina. Na kung saan ay inilalahad ang munting impormasyon tungkol sa may-akda. Buong tapang na inilahad ng kanyang nobela ang mga nangyayari sa mga babae, lalo na sa mga Pinay ang pagkasadlak sa prostitusyon. Na pawang labag sa kanilang kalooban.

Isinalaysay din sa nobela ang tungkol sa kanilang pagkakakilala ni Chahaya at kung anong klaseng babae ito. Kaya lamang ay itinago niya ang karakter nito sa ibang pangalan... ibang pagkatao. Na nagawang umibig ng isang alibughang anak mayaman sa isang babaeng marumi ang pamumuhay nung una. Pero, dakila ang pagkatao nito dahil nagawang ikalakal ang sariling katawan mabuhay lamang ang limang  batang nasa pangangalaga nito.

Masaya si Axel na nagustuhan ng mga tao ang kanyang nobela. Ito na raw ang pinakapatok niyang akda na isinulat. Pinag-usapan, pinuri, pinalakpakan, at naging isa sa mga bestseller. Nabasa ni Kate ang nobela ni Axel at labis siyang humanga sa sakripisyo’t pagiging responsable ng binata. Hindi na lingid sa kanya ang karamdaman ni Axel.

Ang masakit para sa dalaga, nabasa nito sa pambungad na pahina kung kanino iniaalay ni Axel ang nobela. Kay Chahaya. Hindi rin matanggap ni Kate na sa dinami-dami ng babaeng ipagpapalit sa kanya ng binata ay bakit sa isang dayuhan pa at hindi kabilang sa alta sosyedad.

MEMORIES IN SUBANG JAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon