Chapter 3
Nang tapos nang maligo ang mga bata ay si Chahaya naman ang naligo. Pagkatapos ay nagtimpla ng natitirang kapeng nasa garapon. Umusok pa ang cup nang alukin niya ang dalawang magkape. Mistulang coffee break iyon sa palalim nang gabi. Mag-a-alas onse na kasi nung mga oras na iyon.
Gumayak ang dalaga. Bagay na ipinagtaka ni Axel. Kuntodo pabango ito at nag- lipstick. Ang simpleng kagandahan nito na kahali-halina’y naging kaakit-akit na binibining marikit.
Batid ni Axel na raraket ito dahil nagpaalam sa mga bata na aalis siya at madaling araw na babalik. Nagparamdam na rin siya sa dalawang lalaki na aalis na. Niyaya niya ang dalawa na sabay nang maglakad palabas ng looban.
“ Saan ka pupunta sabi ng kaibigan ko? Huwag ka na lang daw tumuloy. Mag-usap daw kayo,” sabi ni Omad sa babae.
Huminto si Chahaya. Humingi ng yosi kay Omad at nanghiram ng lighter. Nagsindi at humithit.
“ Kailangang kumayod. Kung hindi, gutom ang pamilya ko. Kung sinisingil ako ng kaibigan mo sa pangli-libre niya sa akin, okey lang. Basta, bigyan niya ako ng tip,” sambit ni Chahaya. Sinabi ni Omad ang tinuran ng babae sa binata.
“ Kaysa sa maghanap ka ng ibang parokyano, siya na lang daw. Sumama ka sa kanya,” ani Omar.
Sabay-sabay na silang tatlong lumabas ng looban. Napadpad sila sa madilim na iskinita na kung saan ay pinamumugaran ng panggabing ibon. Ang pagiging kalapating mababa ang lipad sa lugar nina Chahaya ay hindi na kinahihiya ng mga tao roon. Kaswal na lang na raket iyon sa kanila.
“Hei, kacak, tampan pelanggan anda juga, Chay! Mungkin anda ma-inlove terdapat,” bati ng isang bebot na nasa umpukan ng mga pakawala na kumindat sa dalaga nang madaanan sina Axel doon.
Na ang ibig sabihin ay: “Uy, ang pogi-pogi naman ng customer mo, Chay! Baka mainlove ka diyan.”
Tinitigan ni Chahaya ang binata. Nakaramdam siya ng paghanga. Saka lang niya napansin na cute si Axel kapag seryoso. Binati rin ng dalaga ang mga babae at tumuloy na sa paglalakad.
Nang makarating sa labasan ay sumakay ng taxi ang dalawa. Nagpaalam na si Omad sa kanila at mauuna nang umuwi.
Nang maka-check-in silang dalawa sa motel ay nagtaka si Chahaya sa inasal ng binata. Naghuhubad na siya ng pang-itaas ay walang reaksiyon ang binata.
“ What’s happened to you, handsome? I thought that something kinda thing will explode!,” ani Chahaya.
“ No. It ‘s not like that what you think! Fixed yourself. I want to talk with you. Not to play silly.”
Itinaas ni Chahaya ang hinubad na pang-itaas na kung saan ay luwa na ang kaibig-ibig na dibdib nito. Umupo sa gilid ng kama sa gawing likuran ni Axel. Inabutan siya ng yosi ng binata at sabay silang nagsindi.
Sinabi ni Axel na nagtatalo ang kanyang isip at udyok ng kamunduhan. Pero, sa kalayagan ng dalaga, hindi niya iyon sasamantalahin. Sinabi niya sa dalaga na kikita ito sa ibang paraan... sa kanyang ipagagawa.
Bilang isang photographer, naghahanap ng magandang subject ang binata para sa gagawin niyang coffeetable book. Magagandang tanawin ang gagawin niyang subject. Gayun din ang gawain ng tao at ang kagandahan nito. Nais ng binata na ipasyal siya ng dalaga sa magagandang tanawin sa Subang Jaya. Inalok din niya ang dalaga na maging modelo sa kanyang mga photoshots.
Pumayag si Chahaya. Ang masarap na pagsasalo sana ng katawan kung gugustuhin ni Axel ay magaganap kung gugustuhin lang niya. Pero, hindi mababa ang tingin niya kay Chahaya. Ewan kung bakit.
BINABASA MO ANG
MEMORIES IN SUBANG JAYA
RomanceSi Axel ay isang frustrated writer pero magaling na photographer. Na dahil sa hindi sikat at kinikilala ang ka niyang mga akda sa PIlipinas at nagtungo sa ibang bansa upang makagawa ng isang kakaibang obra. Isang mabisyo, babaero, durugustang binata...