Last Chapter Hanapin Kung Saan Naiwan ang Puso't Pag-ibig

90 1 0
                                    

Makalipas ang isang linggo'y hindi pa rin nagkakamalay ang binata. Kung kaya, nilalamon lang ng hiya si Chahaya. Pakiramdam niya, napakasikip ng loob ng pamamahay nina Axel gayung ang luwang-luwang nito. Hindi siya gaanong iniimik at kinikibo ng pamilya ng binata maliban sa mommy ni Axel.

Ayaw na niyang magpaka-ipokrita pa at ipilit ang sariling makisama sa mga taong ayaw naman sa kanya. Pero, hindi naman siya pinagbubuhatan ng kamay ng mag-anak nina Axel. Niyayaya naman siyang kumain ng mga ito sa takdang oras at kasabay pa sa dulang. Napag-isip-isip din ni Chahaya na baka nahihirapan lang makipagtalastasan sa kanya ang mga tao sa loob ng bahay dahil kapag siya ang kausap, dapat ay Malay, Thai o kaya English ang salita. Pero, tinuturuan siyang mag-Tagalog ng mommy ni Axel.

At sa halos isang buwan niyang pananatili sa Pilipinas, naging magkalapit sila ni Kate. Naging magkaibigan. Nilinaw ni Kate na wala itong intensiyong paghiwalayin sila ni Axel. Maliban na lang kung ang binata mismo ang makikipaghiwalay.

“ Aawayin ko si Axel kapag sinaktan ka niya. Ayaw kong gawin niya sa iyo ang ginawa niya sa akin! “ sabi ni Kate kay Chahaya nang minsang mamasyal sila sa malawak na hardin na pag-aari nila.

Pero sa isang banda, umaasa rin si Kate na magkakabalikan sila ng binata. Naaawa siya kay Chahaya kapag talagang sasaktan lang ito ng binata.

“ To tell you frankly again, Chahaya, I like you as a person. But, I hoping that I and Axel will be together again. Maybe time will tell and I want it in a nice way.”

Makalipas ang isang Linggo’y nagpasyang bumalik na sa Malaysia ang dalaga... sa Subang Jaya para asikasuhin ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Hangad niya ang mabuting kalagayan ni Axel at magising na rin sana ito. Kung kaya, tinulungan siya nina mommy Feliza at Kate na asikasuhin ang dapat asikasuhin. Binigyan din siya ng perang pamadyak ng ina ng binata

Inihatid siya ni mommy Feliza at ni Kate sa NAIA. Isang sulat ang iniwan niya sa ina ng binata na nakalagay sa sobre. Ibinilin na huwag na huwag bubuksan at ibigay lalang kapag nagising na sa coma ang binata. Niyakap siya ng mahigpit ni mommy Feliza at ni Kate. May ibinigay ding isang brown envelop si Mommy Feliza na naglalaman ng printed manuscript sa short bondpaper ng nobela ni Axel.

“ Bago siya isailalim sa surgery si Axel ay pinakuha niya ito sa akin at ibigay ko raw sa iyo. Para kung ano man sakali ang mangyari sa kanya, natanggap mo na ito,” ani mommy Feliza.

“ Maraming salamat po sa lahat ng tulong,” ani Chahaya sa wikang Tagalog.

At habang lulan ng eroplanong umalis  ang dalaga’y dumaloy ang luha sa mga mata nito. Pakiramdam ni Chahaya’y hindi na sila magkikita pa ni Axel. Na nagdaaan lang ito sa kanyang buhay. Isang ala-alang hindi malilimutan.

Dala ng kuryusidad ay binuksan ni Chahaya ang envelop na naglalaman ng manuskrito ng nobela ni Axel. Sumatotal iyon ng 188 pirasong bondpaper. May nakalagay ding larawan na pawang sila ni Axel at ng mga bata ang kuha. Meron din si Chetangalee na sa mga huling larawan niya na lamang nakita.

May nabasa rin siyang sulat sa bondpaper na ginawa ni Axel na nagsasabing ang tangan niyang manuskrito ay ibigay kay Omad para ibigay naman ng huli sa kakilalang nagnanais na ilathala ang nobela.

Malungkot na dumating si Chahaya sa Subang Jaya. Nangungulila siya kay Axel. Na-mi-miss niya ito. Nabigla naman si Omad nang ibalita niyang sumailalim sa surgery ang nobyo at na-comatose. Ibinigay ni Chahaya ang manuscript ng nobela ni Axel. Alam na ni Omad ang gagawin dito. Ibibigay niya ito sa kapatid ng kaibigan niyang si Yuangkhalo na isang patnugot ng Romance Novel sa Kuala Lumpur.

“ Ang totoo, nabasa ni Yuangkhalo ang synopsis at 4 na chapter ng nobela ni Axel sa pamamagutan ng e-mail. Nagustuhan niya ito at ipinabasa sa kanyang kapatid. Nagustuhan ito ng kapatid niya at nais ilimbag ang nobela ni Axel kapag natapos na. Pumirma ng kontrata si Axel na sa wikang Malay isasalin ang nobela niyang isinulat sa wikang English. At sa bawat aklat na maibebenta ay mayroong 12% royalty fee na mapupunta sa iyo. Sa iyo ibibigay ang bayad sa istorya na nagkakahalaga ng 550 ringgit dahil iyon ang gusto ni Axel,” wika ni Omad sa dalaga.

MEMORIES IN SUBANG JAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon