Chapter 8 Yellow Lily

43 0 0
                                    

Makalipas ang isang linggo, kumikita na ang negosyo ni Chahaya at ng kaibigan niya sa labasan ng kanilang kanto. Nakalilim ang kanilang puwesto sa dalawang puno na tinalian ng trapal.

Nagtitinda sila ng barbecue, chicken wings, fanning satay sa istik, popiah. At ang pinakamabenta rito ay ang Jacket Potato. Ito’y parang siopao na may rekadong papatas, cheesy beef o chicken, at mushroom.

Katuwang ng magkaibigan ang mga bata sa pagtitinda. Pero, mas gusto ni Axel ang pagkain ng Popiah na parang Tsiksilog lang ang dating ng naturang pagkain. Pritong sinangag, chicken wing, at may kaunting sabaw o gavy na inilalagay. May dahon din ng pechay o ng repolyo.

Natutuwa ang binata dahil may pinagkakakitaan na ang kasintahan niya. Ayaw niya kasing bumalik pa ito sa lusak kapag umalis siya sa Subang Jaya. At kahit isipin niyang gayun ang mangyayari ay hindi na rin iyon magagaganap dahil itataguyod niya sina Chahaya.

At habang lumilipas ang mga araw ay lalong nakakadama ng panghihina si Axel. Bagama’t pasumpong-sumpong ang kanyang nararamdaman ay ibayong sakit at kirot ang epekto nun sa kanya. Wirdo ang kanyang nararamdaman. Lalala... bubuti. Bubuti, lalala. Kaya nagpasya siyang uuwi ng Pilipinas para doon magpagamot at magpagaling.

Nung isang araw ng Sabado, nagpasama siya kay Omad na bumili ng gamot sa bayan at para kunin na rin ang perang padala ng kanyang mommy. Si Chahaya naman at ang mga bata’y abala sa pagtitinda ng mga pagkain sa labasan. Marami ang bumibili sa kanila.

Nang papauwi na sila at mapadaan sa isang eskinita’y sinitsitan sila ng isang lalaking naninigarilyo. Katamtaman ang taas nito at may sumbrero. Disente ang gayak. Medyo boses babae ito at nilapitan nila.

Nang makalapit na sina Axel at Omad ay sinabihan sila ng lalaki na may alam siyang puwesto na tiyak na liligaya ang mga katulad nilang kadugo ni Adan. Nahuhulaan ni Axel kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. Bugaw ito at may inaalok na bahay-aliwan.

“ Hoy, ano ka ba? Di ba nangako kang di na pupunta sa mga ganung lugar? Di ka na mambababae?” nagtatakang tanong ni Omad sa binata.

Medyo lumayo muna ng kaunti si Axel at hinila si Omad. Pinagwikaan niya ito ng paanas.

“ Mali ang iniisip mo, pare. Medyo kinukutuban lang kasi ako. Malakas ang pakiramdam kong may mangyayaring maganda. Puntahan natin ang sinasabi niyang lugar at baka iyon ang sagot at solusyon sa isang malaking katanungan,” ani ng binata sa wikang English na isinalin sa ating wika.

“ Sige. Mukhang nababasa ko ang laman ng utak mo. Alam kong hindi ka naman gagawa ng maganda. Ala detective ka na ba?” natatawang sabi ni Omad.

“ Huwag ka nang maraming tanong. Halika ka na at sumama tayo sa kanya.”

Sumunod nga ang dalawang binata sa lalaki na tuwang-tuwa nang sumama sila. Binabaybay nila ang isang eskinita patagos sa Puchang Utama at humantong sa isang factory outlet. Sa unang tingin, aakalain na isang tindahan ang naturang gusali ng factory. Pero, nang pumasok sila sa isang tila pintuan ng sinehan ay nagulat sina Axel sa  tanawing tumambad sa kanila ni Omad.

May napuntahan na noon silang lugar na kunwari ay tindahan o factory putlet. Pero, pagdating sa kaloob-looban o lihim na kuwarto, may naka-set-up pa lang Night Club at mini-brothel. Pero, kakaiba ang napuntahahan nila ngayon dahil mas malala ito kaysa una nilang napuntahan.

Sa isang malaking kuwarto na salamin ang dingding, makikita mo ang mga kababaihan na may nakalagay na numero. Na pipiliin ng kanilang parokyano para parausan. Iba’t ibang babae ang makikita sa naturang kuwarto na animo’y mga isa sa aquarium. Nakagayak ang mga ito na pawang masahista na talagang nakakaakit ang dating.

MEMORIES IN SUBANG JAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon