Bakit minahal at inibig aniya ni Axel ang isang babaeng maihahalintulad sa suka ng aso? Na kung kailan isinuka dahil nasadlak dati sa maruming gawain ay nagawang lapitan at kainin ni Axel ang sukang iyon.
Inihahambing niya rin si Chahaya sa isang pagkaing nabubulok... napanis. Na kung kailan hindi na makain ay kinain ni Axel ng buong kasarapan. Hindi matanggap ni Kate na ito ang seseryosohin ng dati niyang nobyo.
At ang kakatwa, kung kailan umibig si Axel sa isang dating patutot o nagbebenta ng panandaliang aliw, saka naman nagbago ang ugali nito. Nagulat pa siya nang sabihan ni Axel nang nagkataong mag-usap sila na:
“ Wala kang karapatang husgahan ng tuwiran ang iyong kapwa, Kate! Oo, dati siyang nasadlak sa dilim. Ngunit, hinila ko siya patungo sa liwanag. Katulad niya rin ako noon. Parehong naligaw ng landas. Ngunit, bumangon at iniwan ang likong pamumuhay. Bakit mo kamumuhian ang isang taong nagbagong-buhay na? Na nilinis na ng aking pang-unawa’t pagmamahal?”
Tumagal ng labinlimang araw si Chahaya sa bahay nina Axel. Napagpasyahan ng mga magulang ng binata na isailalim siya sa surgery upang matanggal ang tumor sa kanyang utak. Pumayag ang binata. Gusto niyang gumaling para kay Chahaya. Gusto pa niyang mabuhay ng matagal para maipadama ang pagmamahal niya rito.
Matagumpay naman ang isinagawang operasyon sa binata. Ngunit, na-comatose si Axel. Hindi naman malubha ayon sa mga manggagamot at sihurano. Marahil ay epekto raw ng pagkakatanggal ng tumor. Nagkaroon din kasi ito ng komplikasyon sa kanyang puso. Ipinanganak kasing “Blue Baby” si Axel kaya nagkaganun.
“ Actually, hindi natin masasabi kung kailan siya magigising. Pero, hindi naman magtatagal ang coma niya. Huwag ho kayong mag-aalala. Baka sa mga susunod na araw ay magising na siya,” pahayag ni Dr. Corales na siyang nag-opera sa binata. Pinapalakas ang loob ng pamilya ng binata.
Kapwa nasa ospital na pinaglalagakan ni Axel sina Kate at Chahaya. Mabuti naman ang pakikitungo ng una sa huli. Kapwa sila nag-aalala sa kalagayan ng binata.
“ Gaano mo kamahal si Axel?” tanong ni Kate kay Chahaya sa wikang Filipino na sinalin mula sa wikang English.
“ Mahal na mahal ko siya,” sagot ni Chahaya.
“ Mabuti kung gayun. Pero, to tell you frankly, Chahaya! Ang tipo ng lalaki gaya ni Axel ay madaling umibig at madali ring magsawa. Parang gaya lang ng sipon o kaya’y sakit ng ulo. Ang problema’y kung hanggang kailan ka niya mamahalin. Noong naging kami ni Axel, sinabi rin nya sa akin na mahal na mahal niya ako. Ibinigay ko ang sarili ko para mapatunayang mahal na mahal ko siya. Pero, madali siyang magsawa. Parang flavor of the month na ice cream lang ang babae sa kanya. Seasonal. Na kapag nakakita na ng iba ay para ka na lang na basahan na itatapon.”
“ Tell me honestly, may nangyari na ba sa inyo ni Axel?
“ Marami kaming beses na nasadlak sa tukso. Pero, naging magalang siya sa akin at hindi niya ako ginalaw. Itinuring niya akong tao. Tao at hindi manyikang laruan,” sagot ni Chahaya.
“ Sana nga lang. Sana, mahal ka pa niya kapag nagising na siya. Dahil kung hindi, mas nanaisin mong lumisan na lang bago pa marinig ang katagang hindi ka na nya mahal,” sabi ni Kate.
“ Bakit mo sinasabi sa akin, yan? Bakit inihahalintulad mo ang pagmamahal sa akin ni Axel kumpara sa pagmamahal niya sa iyo? Iba noon at iba ang ngayon. Maybe, immature at selfish pa si Axel nung mga panahong umibig siya sa ibang babae. Umibig sa iyo. Huwag mo muna siyang husgahan.”
“ I’m only concern about you, Chahaya! Ayoko lang na isa ka na naman sa naging biktima niya. Na paluluhain din sa bandang huli. Do you think that he’s truly madly deeply inlove with you? Or, he only used you as far as his concern about his writings... his bestseller novel so far!”
Nasundot at tila kumirot ang puso ni Chahaya sa tinuran ni Kate. Ayaw man niyang isipin ‘e tila may punto ang dalaga. Papaano nga kung ginamit lang siya ni Axel? Na isang palabas lang ang pagmamahal nito sa kanya.
Pero, hindi gayun ang paniniwala niya. Walang matinong tao ang gugugol ng oras, salapi, at ibayong pagmamalasakit sa ibang tao kung wala itong nadaramang pag-ibig sa pinag-uukulan nito.
Mahal siya ni Axel. Iyon ang isinisiksik ng dalaga sa puso’t isip niya.
Makalipas ang one week ay hindi pa rin nagkakamalay ang binata. Kung kaya, nilalamon lang ng hiya si Chahaya. Pakiramdam niya, napakasikip ng loob ng pamamahay nina Axel gayung ang luwang-luwang nito. Hindi siya gaanong iniimik at kinikibo ng pamilya ng binata maliban sa mommy ni Axel.
Ayaw na niyang magpaka-ipokrita pa at ipilit ang sariling makisama sa mga taong ayaw naman sa kanya. Pero, hindi naman siya pinagbubuhatan ng kamay ng mag-anak nina Axel. Niyayaya naman siyang kumain ng mga ito sa takdang oras at kasabay pa sa dulang.
Napag-isip-isip din ni Chahaya na baka nahihirapan lang makipagtalastasan sa kanya ang mga tao sa loob ng bahay dahil kapag siya ang kausap, dapat ay Malay, Thai o kaya English ang salita. Pero, tinuturuan siyang mag-Tagalog ng mommy ni Axel.
At sa halos isang buwan niyang pananatili sa Pilipinas, naging magkalapit sila ni Kate. Naging magkaibigan. Nilinaw ni Kate na wala itong intensiyong paghiwalayin sila ni Axel. Maliban na lang kung ang binata mismo ang makikipaghiwalay.
“ Aawayin ko si Axel kapag sinaktan ka niya. Ayaw kong gawin niya sa iyo ang ginawa niya sa akin! “ sabi ni Kate kay Chahaya nang minsang mamasyal sila sa malawak na hardin na pag-aari nila.
Pero sa isang banda, umaasa rin si Kate na magkakabalikan sila ng binata. Naaawa siya kay Chahaya kapag talagang sasaktan lang ito ng binata.
“ To tell you frankly again, Chahaya, I like you as a person. But, I hoping that I and Axel will be together again. Maybe time will tell and I want it in a nice way.”
BINABASA MO ANG
MEMORIES IN SUBANG JAYA
RomanceSi Axel ay isang frustrated writer pero magaling na photographer. Na dahil sa hindi sikat at kinikilala ang ka niyang mga akda sa PIlipinas at nagtungo sa ibang bansa upang makagawa ng isang kakaibang obra. Isang mabisyo, babaero, durugustang binata...