Chapter 9 Ang Pagtatagpo

35 0 0
                                    

Sinabi ng binata sa dalaga na maghintay lamang at may gagawin silang hakbang ni Omad. Tineks ni Axel ang kaibigan na nang mga sandaling iyon ay patoma-toma ng beer habang nakikinig ng love song na pinatutugtog ng isang bebot sa CD player nito. “ Meet Me Halfway” ang pamagat  ng kanta na inawit ni Kenny Loggins.  

Nang mag-usap sila ay tinimbre na niya ang dapat gawin. Pagkatapos mag-usap at makalipas ang 10 minuto’y umalis si Omad sa lihim na bahay-aliwan na yun. Nasa loob pa rin ng kuwarto sina Axel at Chetangalee. Nag-uusap at inaalo ng binata ang dalaga na noo’y nagkukuwento ng tungkol sa karanasan niya sa naturang sex factory.  

Awang-awa ang binata sa naranasan ng dalaga na naghahangad lalang na maging maayos ang buhay. Pero, inabuso’t sinamantala ng mga ganid sa salapi at ikinalakal ang kanyang katawan. At sa bawat pagluray sa kanyang puri ay parang sundang na hinihiwa ang kanyang pagkatao.   Pagkalipas ng halos isang oras, nagkalabugan na sa labas ng sex factory.

Rinig nila ang palahaw ng mga babae. May naririnig din silang tila tumatanggi o sambit ng nagpupumiglas. Batid ni Axel na pinasok na ng awtoridad ang naturang bahay-aliwan. Ni-raid. May kumatok sa pinto ng kinalalagakan nilang kuwarto. Tinatawag ang pangalan niya. Si Omad ang tumnatawag.   Binuksan niya ang pinto. Yakag-yakag niya si Chetangalee. Inakay sila ni Omad at ng kasama nitong pulis palabas ng sex factory.

Gayun din ang eksenang yakag-yakag ng mga pulis ang mga babaeng inilabas sa naturang pook. Kanya-kanyang talukbong ng mukha. Ang manager at operator ay dinampot ng mga pulis at isinakay sa mobile car.   Nabilad sa iskandalo mang naturang factory outlet at pinagpiyestahan ng media ang kahihiyang sinapit nito.

Na pronta pala ng prostitusyon. Si Axel naman at Omad ay pinasakay ng isang pulis na nangangalang Rohan. Kababata at kaklase ni Omad. Inihatid sila nito sa bahay ng binata. Kasama na nila si Chetangalee na walang imik na nakaupo sa back seat. Katabi ni Axel. Katabi naman ni Omad ang nagmamanehong si Rohan. Ipinasuot ni Omad sa dalaga ang dala nitong jacket para hindi ginawin.  

“ Ihanda mo na ang sarili mo. Alam kong sabik na sabik ka nang makita ang iyong ate,” si Axel na hinaplos ang braso ni Chetangalee. Pinapalakas ang loob.

Binibigyan ng excitement. Ang siphayong mukha nito ay naging maaaliwalas. Nabakasan ng ngiti.   Humninto ang kotse sa tapat ng eskinita na papasok naman sa looban. Sa bahay nina Chahaya. Mag-aalas dose na iyon ng gabi.   Bukas pa ang ilaw kaya nabatid nila na may gising pa ng mga sandaling iyon. Kumatok si Axel sa pinto. Na-bosesan ng dalaga ang kumakatok at tumatawag sa kanya.   “ Axel, gabing-gabi na ‘ah. O siya, pariyan na ako,” si Chahaya na hagos na nagtungo sa pintuan na naglalaba ng mga oras na iyon.  

Niyakap ni Chahaya ang kasintahan na halos 8 oras niyang di nakita.   “ Napasugod ka! Akala ko tulog ka na at masama ang pakiramdam mo. Kaya di na kita tineks. May pupuntahan ba tayo?” si Chahaya na nakangiting yumakap sa nobyo.  

Pumasok si Axel sa loob ng bahay na yakag-yakag ang kasintahan. Umupo sa sopa. Masigla ang aura at mukha. Usapan nila ni Omad ay sosopresahin si Chahaya. Kaya nagkubli langsilang dalawa ni Chetangalee sa puno na natatakpan ng sampayan. Animo’y telon ang mga nakasampay na damit kung kaya hindi mo mapapansin o makikita ang nagkukubli roon.  

“ Masaya ka ata? Bakit? Natapos mo na ba ang ginagawa mong nobela?”   “ Hindi. May sopresa ako sa iyo.”   “ Sopresa? Ano ba yun? Yayain mo ba akong mamasyal o may dala ka na namang anik-anik. Mag po- foodtrip ba tayo?”  

“ Magugustuhan mo ito. Close your eyes muna. Huwag na huwag mong ididilat ang mga mata mo hangga’t di ko sinasabi.Okay.”  

“ Okay,” si Chahaya na natatawa na lang sa trip ng nobyo. Sa isip-isip niya ay magpro-propose na ang binata sa kanya. Okay lang dahil mahal na mahal niya si Axel. Lumabas si Axel ng pinto at sinenyasan na ang dalawa na nagtatago sa sampayan. Pinapasok sa pinto.  

Pigil na pigil naman ang hikbi ni Chetangalee nang makitang nakangiti ang kapatid na nakapikit. Dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. Niyakap ang kapatid. Walang kabatiran si Chahaya kung sino ang yumakap sa kanya ng mahigpit.

Pero, batid niyang babae iyon. Narinig ng dalaga ang pinakawalang emosyon ni Chetangalee. Pigil ang iyak nito na parang itik na binusalan ng papel na may kornik sa lalamunan.

“ Idilat mo na ang mga mata mo, Chahaya,” ani Axel na pumuwesto sa likuran ng nobya at hinawakan ang kamay nito.   Nanlaki nang mga mata ng dalaga sa taong tumambad sa kanyang harapan. Natigilan siya. Kung kanina ay ngiti ang dumapo sa kanyang mukha, ngayo’y nangilid na ng luha ang kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso at habol-habol ang hininga.

At sa labis na pagkagalak ay pinakawalan na ang silakbo ng kaligayahan.  

“ Chetangalee... kapatid koooo...,kapatid ko..... hu!hu!hu!,” si Chahaya na niyakap ng mahigpit ang kapatid.   “ Ate... ate.. akala ko hindi na tayo magkikita... ate... ,” si Chetangalee na lumakas ang pag-iyak.

Nabulabog tuloy ang mga natutulog na bata at nagising. Nagtataka sa mga nangyayari. Pero, nagagalak sila dahil masaya ang ate Chahaya nila.   “ Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito. Akala ko hindi na kita makikita. Mayayakap... at mahagkan ang iyong mukha. Salamat sa Diyos,” si Chahaya na hinahaplos ang buhok at pisngi ng nakababatang kapatid.

Mistulang kumupas na obra na kinulayan ng water color ang gayak ng muka ni Chetangalee dahil sa nabura ang make-up at burloloy nito sa mata ng kanyang luha.   At ikinuwento ng kapatid ni Chahaya sa kanila ang kanyang karanasan sa Subang Jaya.

Nakaupo silang lahat sa sopa sa sala. Ang mga bata ay nagpatuloy sa pagtulog. Ang iba ay nagising at nakihalo sa midnight snack na kasama sa makabuluhang usapan. Sina Axel at Omad na ang naghanda ng meryenda nila para di na maabala ang maganda at makabuluhang usapan ng magkapatid.  

Pineapple juice ang panulak nila. Pizza, fruit salad, at tsitsirya ang pambara nila. At sa usapan ng magkapatid, tila naiintindihan na niya ang hiwaga kung bakit nandito siya sa Subang Jaya. Malalim pa pala ang maari niyang gawin... ang misyon bukod sa pagsusulat at lasapin ang sarap ng maging malaya. Pero, nag-iba ang ihip ng hangin. Iniba niya ang kanyang agenda. Mas itinuon niya ang sarili kung papaano maging isang responsableng tao... anak... at kasintahan.  

Na kaya siya naparito sa lungsod na ito sa Malaysia ay dahil sa iginuhit ng tadhana... o mas akmang sabihing binalak ng Maykapal. Ang muling pagtagpuin ang nawalay na magkapatid at iahon sila sa kinalubugang lusak. Ibang klaseng kaligayahan ang nadarama ng binata ng sandaling iyon.

Ang sigla-sigla ng pakiramdam niya. Para wala siyang iniindang karamdaman. Marahil aniya ay unti-unting ginagamot iyon ng kasiyahan at pagmamahal.   Nalaman ni Chahaya ang lahat-lahat sa kapatid at ang pagsagip sa kanya nina Axel at Omad. Niyakap niya ang binata at nagpasalamat ng labis sa lahat ng kabutihang loob na ginawa nito sa kanila. At dahil sa nangyari, alam na ni Axel kung papaano tatapusin ang isinusulat na nobela.

At tinitiyak niyang hahaplusin ang puso ng makakabasa ng kanyang nobela. Sana... sana raw bago man lang siya mamatay. Mamatay sa inis at kabiguan.   Ayaw niya muna raw mamatay. Kahugkangan daw yun. Ngayon pa ba daw siya mamamatay gayung alam na niya kung papaano mamuhay. Mamuhay ng responsable. Umibig at ibigin ng tapat.

MEMORIES IN SUBANG JAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon