Spark 3

49 3 0
                                    

SPARKLING CHAPTER 3

Seatmates Sila PART TWO!

GENEVA’S POV:

Nakngsingkamas! Panginoon, ba’t binibigyan mo ako ng sandamakmak na kamalasan sa mundong ito! Aishhhhhh!

Ba’t ba kasi itabi dito yung mukhang Spongebob na shrink version dito! Tangna lang?

And speaking of that mukhang crab na demonyo, papalapit na siya sa tabi ko.

At umupo na siya sabay bati ng...

“Hello, Milkfish!” –Milkfish ka diyan, eh ikaw nga tong mukhang piranha! Nyetes!

Timpi timpi lang, Geneva, mamaya giginhawa din ang buhay mo pag recess na!

And then, MATH period na!

Ba’t kasi sa lahat ng subjects, ‘tong Math pa ang mauuna. Nyeta lang?

“OK class, dahil bago pa lang kayo sa subject na ito, kelangan nating magdiscuss about simple terms in geometry. OK, get ¼ sheet of pad paper, write your name and submit it to me.” –sabi ng teacher, eh? First day na first day, me recitation na. Aish, ano ba tong adviser namin, ubod ng kill joy! Errrr.

“Aish!” –singhal ko.

“Ay, ba’t ganon? Malas na nga dahil Geom ang mauuna, sabayan mo pa ng bruha sa tabi ko, wala na, mamamatay ako ng maaga nito.” –bulong naman nitong katabi ko. Hahambalusin ko na ito eh! Bruha ka diyan! Ang ganda ko naman para maging bruha!

Tiis tiis ka lang muna, Geneva. Makakatikim din tong Alfonsong to sa akin.

“Hay naku! Basta nga may mga taong me katok sa utak nga naman ang katabi mo, pati mood mo iiba.” –parinig ko naman sa kanya.

Agad naman akong nagsulat ng pangalan.

Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko, bigla na lang may dumamba na papel sa mukha ko.

Kasi ako ang nasa aisle, sa akin ipapasa ang papel.

Pero ‘tong lintik na lalaking ‘to. Aba, langhiya! Walang manners!

“Aray ko! Lintik na walang ganti, humanda ka talaga!” –pagalit ko ng sabi.

“Ipasa mo na, antagal mo namang magsulat ng pangalan.” –sabi nitong mukhang hippo na ubod ng yabang.

Aish! Humanda talaga ito mamaya. Makakatikim ito ng samu’t saring bugbog.

Agad kong kinuha yung mga dumambang papel sa akin. Pinatong ko na din yung papel ko. Hay, kaaga-aga ng araw, badtrip na kaagad ako! Leche!

At nang mapasa na ang mga papel...

“OK, we will start now the recitation.” –agad namang sabi ng teacher naming walang pakundangan

“Close your books and and we will have a surprise recitation.” –sinabi niya pang surprise. Buset na teacher na to!

Agad naman naming tinago yung aming mga books. Aist talaga oo.

“OK, I’ll start picking names.” –yung San Juan nagsalita. Drrrr. -__-

At sa di namang inaasahang pagkakataon.

“Miss Geneva Marie Garcia”.

Aynakkkkuuuuuu! Ampupu naman ng buhay e. Ako pa naman ang tawagin. Hay, di pa naman ako nakareview.

Agad naman akong tumayo.

“Ok, Miss Garcia, what is geometry?”

Anak ng patis, anong definition ng geometry? Malay ko ba sa definition ng tuchang geometry na iyan.

“I have no idea, Sir!” –agad ko na lang sabi, baka kung saan pa abutin ang sagot ko eh.

“Oh, ok.” –alam kong mabait naman si Sir.

“Halatang naculture shock ka doon.” –dagdag nito.

Agad naman akong umupo.

“Haist, geometry lang, di pa alam ang definition.” –panggagatol naman nitong mukhang hippo na katabi ko.

“Eh sa hindi ako nakapag-aral eh!” –pikon na pikon na talaga ako dito sa Alfonsong ito.

“Ang sabihin mo, hindi mo talaga alam!!” –aish! Heto na ata ang hinihintay kong pagkakataon.

“EH DI IKAW NA ANG MARUNONG NG LAHAT!” –napasigaw ako at napatayo.

And.

Oh-oh.

Natigil ata ang klase.

“Miss Garcia, me problema ba?” –tanong sa akin ni Sir San Juan sa akin.

“Ah, wala, Sir, me tanong lang sana ako!” –tinatago ko lang talaga ang inis ko.

“Yes, what is it?” – Sir

“Pwede po bang lumipat ng ibang upuan. May mga bwiset kasi na umaaligid sa palibot eh!” –ako, with matching inis na doon sa bwiset na Alfonso na walang ginawa kundi ang magyabang. Aish! Nakakabanas ang mukha, sarap upakan ng kaliwa at kanan!

“Me problema ba diyan, Miss Garcia?” –Sir

“Oo, Sir, malaking-malaki at hindi ko matitiis na manatili ako dito sa upuan ko, baka may matiris akong kuto dito na umaaligid sa TABI ko.” –inemphasize ko talaga yung Tabi na word para marinig ng kuto sa tabi ko.

“Wala nga lang bakante Miss Garcia, kaya diyan ka na sa iyong seat. And permanent na itong seating arrangement natin.” –Sir

“Eh?” –ako

“Sige na, let’s continue with our discussion.” –Sir

Nak ng PUGITS! Pag sadyang MALAS talaga ang araw mo, sasagarin talaga ang pagkakasunod-sunod ng kamalasan sa buhay mo, at sa araw mo! Arggghhhh!

Umupo na lang ako ng padabog.

“Eh, ano, tatabi ka pa din sa akin.” –pagmamayabang naman nitong buset sa tabi ko.

“Manahimik ka na lang kung ayaw mong magkabaligtad ang panga mo at ang alaga mo diyan!” –nasabi ko na lang.

Pero natawa ako.

Alaga talaga? Hahahahaha!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Updated. 

Until here,

KhelvinnMichicko

ASDFGHJKLQWERTY. <3

09.25.2013

A Love Spark from an EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon