Chapter 1.2

2.5K 69 4
                                    

Bailey decided not to bring his gray Lamborghini because he wanted to rest while travelling. Okay na iyon kasi at least, wala siyang iintindihing sasakyan kahit saan man siya mamasyal pagdating niya sa pupuntahan.

He laughed at himself inwardly. Nasisiguro niya kasi na mawi-weirduhan ang kahit sinong nakakakilala sa kanya kapag nakita siyang nakasakay ng bus habang nagbibiyahe. Why not? His family owned five luxury cars, including his.

Aside from those luxury cars that they owned, their family holding company, Morrison Properties, has operations in real estate, hotels and tourism. His father was a British and his mother was a pure Filipina.

Bata pa lang siya ay sa Pilipinas na sila nanirahan. Mas gusto kasi ng kanyang ama sa bansa dahil sa klima nito. Tumira lang siya sa United Kingdom ng apat na taon upang doon mag-aral ng college.

Sampung taon pa lang siya nang magtayo ng maliit na negosyo ang kanyang ama. Dahil likas na matalino at magaling humawak ng pera ay nagawa nitong palaguin iyon. Sa katunayan nga ay napabilang ito sa top 15 business tycoons of Asia's richest. Siya ang nag-iisang tagapagmana kaya sa murang edad pa lang ay sinanay na siya nito na mamahala ng kanilang negosyo.

Awtomatiko siyang napasok bilang regular na empleyado ng sarili nilang kumpanya pagkatapos niyang mag-aral. Gusto niya kasing mas matutunan pa ang mga pasikut-sikot doon kaya pinili niyang magsimula sa mababang posisyon. Ngunit pagkalipas ng dalawang taon ay nag-retire ang dating Presidente ng kanilang kumpanya. Dahil maganda naman ang performance niya, siya ang naging kapalit nito. Ngayon ay dalawang taon na siyang Presidente ng kanilang kumpanya.

Though a workaholic, he still found time to party. In fact, his women came and go ngunit lahat yata ng mga ito ay walang ibang hangad kundi ang pikutin siya. Iyon ang sanhi kung bakit magbabakasyon muna siya. He felt that he needed to take a break from all the stress in his work and from those women who were giving him headaches. Pupunta siya sa isang lugar kung saan ay pwede siyang mag-unwind.

Nang mapuno ang bus ay dahan-dahan itong umusad hanggang sa payapa na nitong binabagtas ang North Luzon Expressway. Napansing niyang babae ang katabi niya sa upuan. Biglang nabuhay ang kanyang kuryosidad nang tingnan ito. Tulog na tulog ang babae habang nakasandal sa malambot na backrest at nakaharap sa bintana. Nakasuot ito ng hood kaya wala siyang ideya kung ano ang hitsura nito.

Naglakbay ang kanyang mga mata sa braso nitong maputi at makinis. He felt the urge to touch and feel its smoothness but he immediately reprimanded himself.

Man, kailan ka pa naging apektado sa makinis at maputing braso? All your flings are fair-skinned, remember? Huwag mo nang isali sa kalokohan mo ang inosenteng babaeng katabi mo, tudyo ng kanyang isipan.

He felt worried about the woman's safety while thinking that she was traveling alone. Paano na lang kung hindi siya ang katabi nito at nataon ito sa katabi na masamang loob at nakawan ito? He heaved a deep sigh.

Medyo mabilis magpatakbo ang driver kaya may mga pagkatataon na kapag napapadaan sila sa malubak ay nahihiwalay ang ulo nito sa pagkakasandig. Gayunpaman ay hindi man lang ito nagising. Naisip niyang isandal ang ulo nito sa balikat niya ngunit kaagad din naman niyang sinuway ang sarili dahil baka masampal pa siya nang 'di oras nito kapag nagising at akalaing tsinatsansingan niya.

Bigla siyang na-bored kaya dinukot niya ang kanyang iPhone mula sa bulsa at inilagay ang earphones sa magkabilang tainga. He turned on the Spotify and while listening to his favorite songs, he fell asleep.


Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon