Chapter 7.1

1.5K 39 0
                                    

                  

Eksaktong alas nuwebe ng umaga nang tumunog ang alarm clock sa cellphone ni Katniss. Alas onse ang napili niyang schedule ng biyahe pa-Manila upang hindi siya abutan ng gabi. Medyo masakit ang kanyang ulo dahil hindi siya nakatulog nang maayos kagabi sa kaiisip sa halik na pinagsaluhan nila ni Bailey. Gayunpaman ay bumangon pa rin siya mula sa higaan.

Mabigat ang dibdib na tinungo niya ang banyo. Ilang oras na lang kasi ay lilisanin niya na ang Baguio at tanging mga masasayang alaala na lang nila ni Bailey ang babaunin niya pag-uwi. Balik sa normal na naman ang lahat pag-uwi niya.

Nagbigay man ng assurance sa kanya ang binata na hindi mapuputol ang kanilang komunikasyon, hindi pa rin siya lubusang napapanatag. Nangangamba kasi siya na baka makalimutan siya nito sa sandaling bumalik na ito sa buhay na nakasanayan. Party at mga babae – siguradong hindi mawawala ang mga iyon sa agenda ng binata.

She was about to get out of her unit to check out when she suddenly heard some knocks on the door. Talaga namang nasurpresa siya sa bumungad sa kanya pagbukas ng pinto.

"Good morning! Are you ready to go back to Manila?" Bailey greeted, wearing a genuinely honest smile.

Nagtataka siya kung ito naka-backpack. Babalik na rin ba ito sa Manila? Her heart danced thinking that he would travel with her.

"Bailey, anong ginagawa mo rito?" maang na pagbabalik-tanong niya. Ayaw niya munang umasa hangga't hindi pa niya naririnig mula rito na uuwi nga ito.

"I decided to go back to Manila today, too. Mabo-bored lang din naman ako dito kapag wala ka na," malambing na wika nito.

Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa dahil sa sinabi nito. Gosh! Oo na, ayaw niya sa mga assumera pero hindi niya talaga maiwasang huwag mag-assume sa mga oras na iyon. Kung ganoon, ibig bang sabihin nito ay masaya itong kasama siya?

"Gano'n ba?" aniya na ayaw ipahalata ang tunay na nilalaman ng puso sa mga oras na iyon.

"Yeah. So, pwede ba akong sumabay sa'yo?"

"Oo naman! Alas onse ang departure ng bus na sasakyan natin."

He threw a quick glance at his wristwatch. "Well, tamang-tama lang pala ang dating ko dito. So, let's go?"

She nodded as a response. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kanyang kamay habang naglalakad sila palapit sa elevator. Nagpresinta rin itong dalhin ang kanyang backpack ngunit mariin niya iyong tinanggihan.

They took a bus in Benguet on the way to Cubao. Anim na oras din ang iginugol ng biyahe at hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya habang tumatakbo ang bus.

Dahan-dahang nagdilat ng kanyang mga mata si Katniss nang maramdamang tila may mainit na bagay na humahaplos sa kanyang pisngi. Then she realized that those were Bailey's fingers caressing her cheek. Her head was also leaning on his shoulder. Kung titingnan siguro ng ibang tao ay mukha silang magkasintahan na sweet na sweet habang nagbibiyahe.

"Hah!" bulalas niya sabay ayos ng upo. Mabilis niyang ipinahid ang sariling mga daliri sa gilid ng bibig upang pahirin kung may laway mang tumulo. Mabuti na lang at wala. "Nasaan na tayo?"

"Kadarating lang natin dito sa Cubao."

"Ah, gano'n ba?"

"Yeah. Tara, bumaba na tayo."

Tumango lang siya at pagkuwa'y sabay na silang tumayo upang bumaba.

"Sigurado ka ba na ayaw mong magpahatid sa'kin hanggang sa apartment mo, Kat?" naninigurong tanong ni Bailey. They were walking to the exit of the terminal.

Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon