Chapter 10.3 (Final Chapter)

3.1K 58 8
                                    

1 year later...

Maingat na inalalayan ni Bailey si Katniss na bumaba mula sa kabayong sinakyan nila. Weekend iyon at nasa Mines View Park silang dalawa kasi may surpresa raw ang nobyo sa kanya. Nahihiwagaan man kung ano iyon at kung bakit kinailangan pa nilang magbiyahe ng limang oras para lang doon, sinakyan na lamang niya ang trip nito. Afterall, wala naman siyang ibang gagawin at gusto niya rin itong makasama. Saka sino naman siya para umayaw na makita ulit ang kagandahan ng lugar?

"Ano ba kasi ang gagawin natin dito, Bailey?" untag niya sa lalaki nang makababa.

"You'll find it out soon, Love. For now, I need to do this," anito saka ipinakita niya ang isang malaking panyo at nirolyo iyon. "Come."

Bago pa siya nakapagprotesta ay piniringan na nito ang mga mata niya. Hinawakan siya nito at maingat na iginiya sa kung saan.

"Wait, wait! Baka madapa ako," wika niya na nangangapa sa dilim kahit na nakaalalay ito sa kanya.

Impit siyang napatili nang bigla siyang kargahin nito. Ilang saglit pa ay tila nakalutang na siya nang humakbang ito. Buong ingat din siyang ibinaba nito nang sa tingin niya ay nasa bahagi na sila kung saan nito ipapakita ang sinasabing surpresa.

"Ready ka na ba sa surprise ko, Katniss?" malambing na bulong nito sa kanya. Tumama sa kanyang mukha ang mainit at mabangong hininga nito.

"Oo naman! Ang hirap kaya nang nakapiring ang mata," kunwari'y reklamo niya ngunit nakaguhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Gumapang ang matinding excitement sa kanyang katawan habang iniisip kung ano susunod na magaganap.

Nagbigay ito ng go signal na pwede na niyang alisin ang piring. Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyo sa kanyang mga mata. Nang matanggal iyon ay ganoon na lang ang pagkagulat niya dahil nakaluhod si Bailey sa harap niya. May hawak itong singsing na halatang mamahalin. Sa likuran nito ay mabilis na bumagsak ang puting tela na naaadornohan ng Everlasting na bulaklak at sa gitna ay may nakasulat na, WILL YOU MARRY ME? Naaadornohan din ng iba't-ibang bulaklak ang buong paligid na halatang pinaghandaan talaga nito.

Katniss remained speechless. Wala siyang masabi sa sobrang pag-effort ng nobyo para lang maging extra special ang proposal nito. Tunay ngang nasurpresa siya sa ginawa nito. Takot siyang kumurap dahil baka mawala maglaho ang lahat ng iyon at mapagtanto niyang panaginip lang pala ang lahat.

"Love, will you marry me?" pabulong na tanong ng nobyo habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Punong-puno ito ng sinseridad. Saka lamang niya napatunayan na totoo ang lahat nang nagaganap pagkatapos marinig ang boses nito.

Biglang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Hindi niya magawang ipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Basta ang tanging alam niya ay walang pagsisidlan ang kaligayahan niya.

She nodded in a heartbeat. "Yes, Love, yes!" mabilis niyang sagot habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Hindi rin mabura ang kanyang ngiti. Mahal na mahal niya ito at sapat na ang panahong naging magkasintahan sila upang mapatunayan niyang mahal din siya nito. Wala na siyang ibang nais makasama habambuhay kundi ito lang.

Mula sa kung saan ay nagsilabasan ang mga tao at nagpalakpakan ang mga ito nang sumigaw ng malakas na "yes" si Bailey. Kinuha nito ang kanyang kamay sabay suot ng singsing sa kanya.

Luhaan itong tumayo saka ikinulong siya sa mga bisig nito. Sinakop nito ang kanyang mga labi nang magbitiw sila sa pagkakayakap.

"I love you, Bailey. Thank you for all of these. God, na-surprised mo talaga ako!" masayang sabi niya rito habang nakatutop ang dalawang kamay sa bibig.

Masuyo nitong hinalikan ang kanyang noo. "I love you more, Katniss. Thank you for loving me back." Muli ay naglapat ang kanilang mga labi.

Sabay silang humarap sa magandang view ng Amburayan Valley habang nakaakbay ito sa kanya, parehong silang nakangiti.

"Napaka-romantic talaga rito, 'no?" aniya saka tiningala ang kasintahan.

Tumingin ito sa kanya. "Yeah. But do you know what makes this place more romantic? You. Love, I'm going to prove to you that my love will never fade just like the Everlasting flowers. Bubuo tayo ng mga alaala hindi lang dito kundi kahit saan mo gusto."

Muli na namang bumalong ang luha sa kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. "Hindi ko alam kung ano ang mabuting nagawa ko upang ibigay ka ng Diyos sa'kin, Love. Hindi naman ako gano'n kabait." Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa katawan nito.

"Well, hindi siguro ikaw ang may nagawang mabuti sa'ting dalawa kundi ako. Ako ang binigyan ng Diyos ng blessing at ikaw 'yon," pabiro ngunit sinserong wika ni Bailey.

"Siguro nga. Either way, I'm so thankful that we have each other," sagot naman niya.

Napangiti na lang siya habang iniisip na kung paano naging unexpected ang pagpunta siya sa Baguio ay ganoon din ka-unexpected na nabuo ang love story nila ni Bailey. Gusto niya tuloy magpasalamat kay Paolo sa panloloko nito sa kanya dahil iyon ang naging daan upang mahanap niya ang tunay na pag-ibig.

THE END


Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon