Chapter 10.2

1.8K 44 2
                                    

Katniss was on her way to a new client's house to take detailed measurements and photographs of all the spaces involved on the project. Isa na naman iyong malaking proyekto na nakatoka ulit sa kanila ni Jeaneth. Naging matagumpay kasi ang resulta ng kanilang concept presentation para sa bahay ni Mr. Cristobal noon kaya sa kanila ulit ipinagkatiwala ni Vera itong bago.

Tumawag na si Jeaneth sa kanya kanina at sinabi nitong male-late ito ng konti kaya nauna na siya. Hindi naman siya nahirapang pumasok sa subdivision kung nasaan ang mansiyon na pag-aari ng bagong kliyente kasi nasabihan na nito ang gwardiya na darating siya.

Pinindot niya ang doorbell ng gate pagbaba niya mula sa taxi. Hindi naman nagtagal at nagbukas iyon. Iniluwa mula roon ang may katandaang lalaki. Isa itong multi-millionaire na Tsinoy na tumandang binata. Kare-retire lang nito at sa Pilipinas na gustong manirahan.

"Good morning, Mr. Wang. I'm Katniss Orellana, a fashion designer from Vera Trends and Concepts," pormal na pagpapakilala niya sa sarili.

"Hello Katniss! Come in." Niluwangan nito ang bukas ng gate.

"Thank you, Sir." Humakbang siya papasok sa bahay.

Hindi nakaligtas sa paningin niya nang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka malapad na ngumiti. She suddenly felt uncomfortable. Bigla tuloy siyang nagsisi na hindi siya sumabay kay Jeaneth.

"A-ah, Sir, where are those whom we arranged with to take the measurements of the spaces?" pagbubukas niya ng usapan.

"They'll be here in a few minutes. Come, let's have breakfast," alok nito sabay turo sa direksiyon kung saan sa hinuha niya ay patungo sa dining area.

Magalang naman niya itong tinanggihan. Paraan niya rin iyon upang iwasan ito. Tumunog ang kanyang cellphone. Nag-text si Jeaneth na malapit na raw ito kaya nakahinga siya nang maluwag.

Nagpaalam ang lalaki sa kanya na babalikan nito ang kinakain at kaagad naman siyang pumayag. Tuluyan siyang nakahinga nang makita niyang tumalikod na ito. Inabala niya ang sarili sa paniningin ng mga kasangkapang naroon. Puro mamahalin ang mga naroon kaya hindi niya hinawakan ni isa man sa mga iyon. Ngunit habang tinitingnan niya ang mga naka-display ay bigla na lang niyang naramdamang may humahapit sa kanyang baywang.

"Ay!" tili niya. "Bitiwan mo ako!" sigaw niya habang pilit na kumakawala mula sa mga braso niyon.

"Shhh... don't you know that you are so beautiful?" Mr. Wang said as he tried to kiss her neck as he tried to cover her mouth with his hands.

"No!" she shrieked in terror. Patuloy siya sa pagpalag ngunit mas lalo namang humigpit ang paghawak nito. Sobra siyang kinilabutan nang hinaplos nito ang kanyang dibdib. "No! Please let go of me, Mr. Wang," pagmamakaawa niya rito. Naglandasan na rin ang kanyang mga luha.

"Hey, stop!" dumadagundong ang boses na utos ng isang lalaki na walang iba kundi si Bailey. Hindi alam ng dalaga kung paano nito nagawang makapasok doon.

"Bailey, tulungan mo ako. Pagsasamantalahan niya ako," umiiyak na wika niya.

"You, how did you get here?" galit na tanong ni Mr. Wang.

Binitiwan nito si Katnis at akmang susugurin ng suntok si Bailey ngunit mabilis iyong nailagan ng binata. Inundayan nito ng suntok si Mr. Wang sa mukha at dumugo ang ilong ng huli.

"Argh!" daing ng matanda sabay sapo sa bahaging natamaan. Gaganti sana ito ng suntok ngunit hindi iyon tumama. May angkin palang galing sa Martial Arts si Bailey kaya nagmistulang punching bag ang matanda hanggang sa walang malay itong bumulagta sa tiles na sahig.

"B-baka mapatay mo siya. T-tigilan mo na," awat niya sa dating nobyo. Nakinig naman ito saka mabilis na lumapit sa kanya. Niyakap siya nito. Hindi naman siya pumalag. Nabigla kasi siya sa bilis ng mga pangyayari.

"A-akala ko tuluyan na niya akong mapapagsamantalahan. Mabuti na lang at dumating ka." Muling naglandasan ang kanyang mga luha at nauwi iyon sa hagulhol.

"Stop crying, Love. I won't let anybody hurt even the tip of your finger. Over my dead body," masuyong bulong ng binata sa kanyang tainga. Tumama sa kanyang balat ang mainit nitong hininga. Masuyo nitong hinalikan ang kanyang buhok

Napapikit na lang siya pagkatapos marinig ang mga katagang iyon. Gusto niyang namnamin ang sandali na nakakulong siya sa matipunong mga bisig nito. God, how she missed him so much! Doon mismo ay inamin niya sa sarili na mahal niya pa rin ang dating nobyo.

"Wait, I'll call the police," anito saka kinuha ang cellphone mula sa bulsa at nag-dial.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang patrol car at pumasok sa bahay ang dalawang lalaking pulis. Eksakto namang bumalik ang malay ni Mr. Wang. Dumating na rin si Jeaneth. Hindi nakapalag ang lalaki nang damputin ito ng mga alagad ng batas.

"Naku sorry, Kat. Kasalanan ko kung bakit muntik ka nang mapahamak. Kung sabay pa sana tayong pumunta sa bahay ng Mr. Wang na 'yon, 'di sana ito mangyayari sa'yo," paninisi ng babae sa sarili. Nakalarawan din sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, Jeaneth. Dumating naman si Bailey, eh. Niligtas niya ako," nakangiting wika niya sabay pisil ng palad ng babae.

Umayos ng upo si Jeaneth sa backseat ng kotse ni Bailey saka tumikhim. Ngumiti ito saka pinalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "So, ibig sabihin ba n'yan, bati na kayo?"

"Hmmm..." pabiting niyang sagot saka tumingin sa binata na katabi niya sa harapan. "Oo naman!" Kinindatan niya ito

Masuyong pinisil ng binate ang magkabilang pisngi ni Katniss sabay yakap sa kanya. "Thank you so much, Love. You really don't have an idea how happy I am now."

Matamis na ngiti lang ang kanyang iginanti rito pagkuwa'y nagbitiw sila sa pagkakayakap. May naalala siya bigla. "Paano ka nga pala napunta sa bahay ni Mr. Wang?"

"Well, kung hindi mo naitatanong, kagabi pa kita sinusundan. Hanggang sa nagpunta ka sa subdivision na ito. Hindi mo lang siguro nahalata kasi ibang kotse ang ginamit ko."

"Naku, Friend. May pagka-stalker din pala 'tong boyfriend mo. Pero mabuti na lang din at ginawa niya 'yon kasi hindi ka napahamak," si Jeaneth.

Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Katniss. Mabuti na rin at hindi siya sinukuan ng binata. Kahit ilang ulit niya itong itinataboy, hindi pa rin ito napapagod na sundan siya.

"Thank you, Love at sorry kung pinahirapan kita, ha?" saad niya rito. Siya naman ang yumakap dito.

"Okay, kayo na ang sweet at ako na ang walang lovelife," kunwari'y nagtatampong saad ni Jeaneth. Pinahaba pa ang nguso.

"Sus! Sagutin mo na kasi 'yong kasama natin na matagal nang nanliligaw sa'yo," panunukso ni Katniss dito. Alam niya kasi na allergic ito sa taong iyon.

"Hay naku! Kung siya lang, 'wag na, uy!"

Nagtawanan na lang sila sa sagot nito.

Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon