Chapter 1.1

3.8K 68 2
                                    


Maingat na kinuha ni Katniss ang hugis pusong chocolate cake na may nakasulat na "Will You Marry Me?" mula sa standard-sized refrigerator na nasa dining room ng kanyang apartment. Gumising pa siya kaninang alas singko nang umaga upang i-bake iyon para ibigay sa boyfriend niyang si Paolo. Kahit malayo sa kanyang tunay na hilig ay pinag-aralan niya talaga ang tamang pag-bake lalo na ng Ultimate Chocolate Cake dahil paborito iyon ng lalaki.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang iniisip ang magiging reaksiyon nito sa oras na matanggap iyon. For sure, he will be very happy.

Tatlong buwan na lang at dalawang taon na ang kanilang relasyon ngunit dahil Leap Year sa araw na iyon ay ipinasya niyang alukin ito ng kasal. Nabasa niya kasi mula sa Internet ang tungkol sa isang lumang Irish tradition na sa Leap Year daw pinakaperpektong mag-propose ang isang babae sa kanyang kasintahan. Sigurado na naman siya na mahal niya talaga si Paolo kaya kaagad niyang pinlano ang araw na iyon nang nakaraang linggo. Mabuti na lang at nagkataong Sabado ang Leap Year kaya hindi maaapektuhan ang kanyang trabaho.

She carefully put the cake inside a red box. Nakabihis at naka-make-up na rin siya kaya binitbit na niya iyon palabas pagkatapos damputin ang shoulder bag na nasa couch. Nasa loob na rin ng bag ang kahetang may lamang singsing na ibibigay niya kasama ng cake.

Matiyaga siyang naghintay ng taxi sa harap ng gate. Alas siyete pa naman nang umaga kaya tiyak na tulog pa si Paolo. Well, she would wake him up with a marriage proposal.

Nakita niyang maayos na nakaparada sa garahe ang kulay asul na kotse pagdating niya sa bachelor's pad ng nobyo. Hindi na siya nag-abalang mag-doorbell pagbaba mula sa taxi dahil may spare key naman siya sa gate. Mabilis niya iyong binuksan at pagkatapos ay pumasok siya.

"Paolo?" Sinadya niyang lakasan ang boses upang marinig siya nito ngunit nakabibinging katahimikan lang ang sumalubong sa kanya.

She crossed the distance between the main door and the stairs toward his room. Kabisado na niya ang pasikot-sikot sa tirahan ng lalaki dahil ilang beses na siyang naisama ng nito roon. Nang tuluyang makaakyat ay dumiretso na siya sa kwarto nito.

She dragged in a deep breath before holding the doorknob, praying that everything would come out positively. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura saka binuksan ang pinto para lang mawindang sa tagpong bumungad sa kanya. Paolo was sleeping in his bed and he was with another man. They were both naked under the sheets! Ang malala pa, magkayakap ang mga walanghiya habang nakaunan sa braso ng kanyang nobyo ang kasama nito!

Kasabay nang pamimilog ng mga mata ay ilang sandaling namanhid ang buong katawan niya at tila naumid ang kanyang dila. Bahagyang gumalaw ang kamay Paolo. Siguro ay namalayan nitong may nakatingin kaya dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.

"K-katniss!" tarantang wikang nito nang makita siya. His face turned pale, as if it was soaked in a pail of vinegar. Akmang babangon ito.

Nang mahamig ang sarili ay tila nagdidilim ang paninging ibinato niya ang hawak na kahon sa mga ito. Bumukas iyon at hiwa-hiwalay na ang cake nang tumama kay Paolo. Dumikit pa sa kumot ang frosting niyon. Edukada siyang tao at pinakaayaw niya ang masangkot sa gulo ngunit sa mga oras na iyon ay tila nawala na siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay may kung anong puwersang nag-udyok sa kanya na sugurin ang mga ito.

"Mga hayop kayo!" sigaw niya sabay hila ng braso ni Paolo at pinagkakalmot ito. "Ang bababoy niyo! Mga walanghiya!"

Tuluyan siyang nagwala at pinagsusuntok pa ito. Hindi tuloy ito magkandaugaga sa pagtakip sa sariling kahubaran habang ang isang lalaki naman ay mabilis na bumangon. Pilit din nitong tinatakpan ang katawan na unti-unti nang nahahantad. Patda itong nakatingin sa kanya.

"K-kat, please calm down," Paolo pleaded. He was gripping her wrists.

"Bitiwan mo akong hayop ka! Ang kapal-kapal ng mukha mo!" gigil niyang sigaw dito. Wala na siyang pakialam kahit na sumabog pa ang laway niya habang nagsasalita. Nangangatal na ang buo niyang katawan sa galit at basa na rin ng luha ang kanyang mga pisngi.

"Calm down, Katniss! Please, ang gaga-aga. Baka makadistorbo tayo sa mga kapitbahay na tulog pa," may halo ng inis sa boses nito.

Ngunit mas lalong sumulak ang kanyang dugo sa narinig kaya sinipa niya ito sa harapan. Napilitan tuloy itong bitiwan siya.

"Ouch! Shit!" bulalas nito sabay sapo sa harapang nasaktan.

"Ikaw ang dapat mahiya, Paolo, kasi ang baboy mo! Nakakadiri ka! I've loved you but you just wasted it." Akmang tatalikod na siya nang may maalala. "You—" Huminga muna siya ng malalim dahil tila mapupugto na ang kanyang hininga sa galit. "—are lower than a snake's belly! I hate you so much!" sigaw niya sabay duro rito. Nanatili namang tahimik ang isang lalaki na tila tuod na nakasiksik sa may bintana.

Tuluyan na sana siyang tatalikod ngunit biglang may humawak sa kanyang balikat. "I'm s-sorry, Kat. H-hindi—" Ngunit hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil mabilis na sumapo sa pisngi nito ang kanyang palad.

"'Wag ka nang magpapakita ulit dahil para sa'kin ay patay ka na. Pinagsisisihan ko kung bakit nakilala at minahal pa kitang gago ka! You two should go to hell!" Marahas niyang pinahid ang luha sa magkabilang pisngi.

Poot at galit ang isinisigaw ng kanyang puso't kaluluwa habang patakbong lumalabas sa kwarto nito. Mabuti na lang at eksaktong may dumaan na taxi sa tapat ng gate kaya kaagad siyang nakasakay pauwi.

Nang makauwi ay kaagad niyang inayos ang sariling mga damit sa loob ng backpack. She decided to leave indefinitely. At ang destinasyon niya ay sa Baguio.


Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon