Chapter 5.2

1.6K 42 0
                                    

Bailey loves art and he was into wood carving so he recommended Ifugao Woodcarvers Village to Katniss. Nagkataon namang mahilig din ang dalaga sa mga ganoon kaya pumayag kaagad ito nang yayain niya.

He witnessed how the wood carvings overwhelmed Katniss the moment they arrived to the place. Hindi siya museum na tulad ng inaasahan ng mga tao pero matatagpuan doon ang wood carvings na may iba't-ibang laki. There was even one as big as a person. The type of wood carved ranged from animals to a replica of a person.

Sikat ang naturang village dahil madalas iyong dinarayo ng mga turista. One was that the quality of the products was excellent. The hand work, the details are exquisite. Bukod sa pagiging de calidad ay mura lang ang mga produkto kumpara sa iba.

"Oh my god! What is that?" Katniss uttered as she pointed at the wood that looked like a male organ. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito habang nakaguhit ang atubiling ngiti sa mga labi.

Natuwa siya sa kainosentihan nito. Maniniwala rin naman siya kung sasabihin nitong wala pa itong karanasang seksuwal kaya ganoon ang reaksiyon nito.

"What do you think?" aniya saka pilyong ngumiti. Dahil sa sinabi niya ay mas lalo itong pinamulhan ng mukha.

"Hay, ewan!" Ibinaling nito ang paningin sa ibang bagay na naroon. Napangiti na lang ulit siya nang tumalikod ito sa kanya.

May partikular na bagay na nakahuli sa atensiyon nito kaya iyon na ang pinagtuunan nito ng pansin. Hindi naman sinasadyang napatingin si Bailey sa hilera ng wood carvings kung saan ay may babae at lalaki na magkalapat ang mga labi habang nagsasayaw. Biglang pumasok ang isang ideya sa kanyang isip.

Pumili siya ng isa sa mga iyon saka binayaran kaagad. Dinala niya iyon sa isang woodcarver na kasalukuyang gumagawa ng isang replica at pinaguhitan iyon.

"Nobya niyo po siya, Sir?" nakangiting tanong ng lalaki. Sa tingin niya ay magkaedad lang sila nito.

"Hindi pa, Sir." Hindi niya alam kung bakit iyon ang kanyang nasabi. He knew that he could take his word back but he just simply didn't want to do it.

Sa ilang araw kasi na magkasama sila ng babae ay hindi niya talaga maiwasang magustuhan ito. Well, he liked her before. In fact, hindi ito nawala sa isip niya kahit na nagpunta pa siya sa United Kingdom. May mga pagkakataong sumasagi ito sa kanyang isipan. Tinangka niya nga itong puntahan pagbalik niya sa Pilipinas ngunit hindi naman niya alam kung saan ito nakatira. Hanggang sa natuon na ang kanyang pansin sa trabaho at isinantabi niya ang pagkatatangkang hanapin ito. Natuwa siya nang magkita ulit sila sa bus noong unang araw nila sila sa Baguio.

He wasn't the type who patiently chases someone – particularly women – but with Katniss, everything made a drastic U-turn. Sanay siya na siya ang hinahabol ng mga babae ngunit iba ang naging sitwasyon sa dalaga. Para kasing may pwersang nag-uutos sa kanya na sundan ito kahit na tinatarayan siya nito noon. Kaya natuwa talaga siya nang sa wakas ay pinatawad siya nito.

"Sir, tapos na po." The man's voice brought him back to reality. Awtomatiko siyang napakurap.

The man showed him the outcome of the carvings and the effort exerted to it made him appreciate it more. Maganda ang kinalabasan niyon. Pinabalot niya agad iyon bago pa man makita si Katniss. Eksakto namang naibigay sa kanya ang nakabalot nang wood carving ay saka tumingin sa kanya ang dalaga.

"Nakabili ka na pala. Ano 'yan?" wika nito nang makita ang hawak niya. May hawak din itong kahoy na hugis kabayo.

"Ah, ito? Secret..." maikling sagot niya.

"Okay," anito saka nagkibit-balikat.

Sabay nilang pinuntahan ang cashier upang bayaran ang napili nito. Hawak niya pa ang sukli sa kanyang binili kanina kaya iyon na ang ibinigay niya sa cashier habang kumukuha pa ng pera si Katniss mula sa pitaka nito.

"Okay na, Kat. Just put the money back in your wallet," aniya nang akmang iaabot nito ang pera sa cashier.

"H-ha? Thank you, Bailey. Babayaran na lang kita mamaya, ha?"

"No need. It's my treat!" saad niya rito.

They stayed at the place even after paying their items and they got the chance to meet the people behind the amazing artworks. They witnessed and observed wood carvers do their carving from scratch and got to interact with them at the same time.

"For you, Kat." Iniabot niya sa babae ang binili niya kanina nang nasa harap na sila ng pinto sa unit nito.

Tila naman hindi ito makapaniwala na para pala rito ang binili niya. "What is this?" anito sabay tanggap niyon.

"Well, just open it when you get home."

"Ikaw talaga. May pa-surprise-surprise ka pang nalalaman. Sige na nga!"

"Good! So, good night?" ang tanging nasabi niya.

"Good night, Bailey. Thank you, ha?"

Without uttering any word, he winked at her before heading to the elevator.  

Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon