Chapter 1.3

2.3K 65 0
                                    

"Baguio na po. Nasa Baguio na po tayo." Ang malakas na boses na iyon ng konduktor ang gumising sa diwa ni Katniss.

"Oh!" Her body froze in a second when she realized that her head was lying on a stranger's arm. Oh my god! Nakakahiya! sigaw ng kanyang isip pagkuwa'y umayos ng upo saka inalis ang hood sa kanyang ulo.

Eksakto namang pagtaas niya ng ulo ay lumingon sa kanya ang katabi. Biglang kumunot ang kanyang noon nang makita ang pamilyar nitong mukha. He was Bailey Thomas Morrison! Biglang sumulak ang kanyang dugo nang makita ang mukha ng lalaking noon pa man ay ipinagdarasal niyang huwag nang makita pa ulit.

"Hi Katniss! All this time ay ikaw lang pala ang katabi ko. Kumusta? Are you traveling alone?" he asked in a deep voice, plastering a friendly smile on his face. Para bang nakalimutan na nito ang atraso sa kanya noon. Oo nga pala, siya lang ang nakakaalam ng kasalanan nito sa kanya.

Maaari ngang nakalimutan na nito na galit siya rito dahil ilang taon na rin ang lumipas. Isa pa, pagka-graduate nila ng High School noon ay agad na siyang lumuwas sa Manila upang doon na mag-aral. Pagakatapos niyon ay nawalan na talaga siya ng balita tungkol dito.

Base sa hitsura nito, larawan ito ng isang lalaking marami nang narating sa buhay. He looked prominent in his pair of chinos, button-down and sneakers. His physical looks had also changed – no, it was enhanced to be exact.

Ilang sandali niyang pinasadahan ng tingin ang buong hitsura ni Bailey. My, but he looked like a male model! His hair was black and coiffed to perfection. The pointed nose he sported complemented his prominent cheekbone. Handsome in an understated way, his basalt jaw and Spartan shoulders spoke of strength. He seemed molded from a different cast as he had an androgynous look uncommon to most people.

"Is there anything wrong?" anito pagkuwa'y muling sumilay ang isang ngiti sa mga labi. It was a naughty grin this time.

Bah, baka akala nito ay nabibighani siya sa hitsura! Huh! In his dreams! her alter-ego defended. Tumikhim muna siya saka pinakaswal ang bukas ng kanyang mukha.

"H-hi! You're Bailey, right? Okay lang ako. Napasandal pala ang ulo ko sa balikat mo habang nakatulog ako sa biyahe. Bakit hindi mo ako ginising?" kaswal na wika niya rito. Maayos itong nakipag-usap sa kanya kaya pakikitaan niya na lang din ito ng civil na pagtrato.

"Why should I? Ang himbing-himbing ng tulog mo. Sayang naman kung puputulin ko lang. Anyway, are you travelling alone?"

Pangalawang beses na nitong itinanong iyon, ah. Bakit atat na atat itong malaman kung nag-iisa siya o wala? Feeling close lang? Saka obvious naman na nag-iisa siya.

"Oo, mag-isa lang akong bumibiyahe pero pupunta ako sa bahay ng tita ko para magbakasyon ng ilang araw," pagkakaila niya. "Sige, ha? I have to go. Baka kasi naghihintay na ang tita ko. Excuse me," dagdag niya.

Hangga't maaari ay nais niya itong iwasan. Kahit naman sobrang tagal na ng nangyari noon ay nabubwisit pa rin siya kapag naaalala iyon kaya ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila.

Mabilis niyang dinampot ang backpack saka isinukbit iyon sa magkabilang balikat. Nagbigay-daan naman ito sa kanya nang tumayo siya.

"Katniss, wait!" Ngunit paglabas niya sa inuupan nila ay bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay.

Ramdam niya iyong urge na hilahin ang buong braso dahil tila napaso siya sa hawak nito. Basta, hindi niya maipaliwanag kung bakit nagkaganoon. Hindi kasi siya nakadama ng ganoon nang unang beses na nagdampi ang mga balat nila ni Paolo.

"Bakit?" Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nagsasalita.

"Can I get your number? I wanna invite you out for a stroll one of these days." Nasa himig ng boses nito ang pagsusumamo ngunit may kalakip din iyong awtoridad.

Determinado na siya na ayaw na niya talagang makipagkita rito ulit. Kaya nagdahilan ulit siya."Sorry, ha. Nasira kasi ang cellphone ko at hindi pa ako nakabili ng bago. I really have to go. It's nice to see you, anyway." Hinila niya ang sariling braso at mabilis na tumalikod.

Kaagad siyang lumabas mula sa bus at sumabay sa hugos ng mga tao upang huwag na siya nitong makita. Nag-abang siya ng sasakyang maghahatid sa kanya sa hotel kung saan siya nagpa-book kanina gamit ang kanyang cell phone habang nasa apartment.


Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon