Chapter 10.1

1.5K 33 0
                                    

Papalabas na si Katniss mula sa opisina Vera Trends and Concepts upang umuwi na nang makita niya si Bailey. Nakatayo ito at nakasandal sa sariling kotse na nakaparada sa parking lot. May katabi itong babae na halos kaedad niya ngunit hindi niya kilala. Sa halip na puntahan ang mga ito ay diretso siyang naglakad patungo sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng taxi.

Ilang linggo na niyang iniiwasan ang binata. Hindi niya sinasagot ang mga text nito. Pinapatay niya rin ang kanyang cellphone tuwing tumatawag ito at itinataboy kapag pumupunta sa apartment niya. Para sa kanya ay tapos na talaga ang relasyon nila ngunit para namang wala itong balak na sumuko.

Hmp! Sino naman kaya ang babaeng kasama niya? Bagong paglalaruan? bigla siyang napaismid sa naisip. Gayunpaman ay bigla siyang nakadama ng tila pinong kurot sa kanyang puso dahil sa nakita. Ipinilig na lang niya ang ulo upang burahin ang bagay na iyon mula sa kanyang isip. You should learn to forget him, Katniss!

"Katniss!"

Alam niyang tinig iyon ni Bailey. Hindi niya ito pinansin. Tatawid sana siya sa kalsada ngunit nahawakan nito ang kanyang kamay.

"Ano ba?" asik niya rito saka iwinaksi ang kamay nito. Ngunit mas lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Katniss, please listen to me first," he pleaded.

"Ayoko nang makipag-usap sa'yo. Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan mo!" aniya habang patuloy na binabawi ang sariling kamay. Napatingin siya sa babaeng kasama nito na tahimik lang na nakikinig sa kanila. "At sino naman 'tong kasama mo? Bagong lolokohin?" mapang-uyam na tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Miss Orellana, ako po si Herlyn Pampilo. Ako ang sumulat ng article tungkol sa announcement ng kasal nina Mr. Morrison at Miss Godinez. Ngayon lang ako nakaharap sa inyo kasi nag-leave ako pagkatapos kong i-submit ang article. Na—"

"And so?" she interrupted. She raised an eyebrow at the woman.

"Pakinggan niyo po muna ang sasabihin ko, Miss Orellana. Narito ako para sabihin sa inyo na hindi totoo ang kasal na na-announce sa The Blast magazine. Si Miss Godinez lang ang pumunta sa opisina namin at nag-utos na i-publish namin iyon," mahabang pahayag nito. Nanatiling tahimik si Katniss. Pilit niyang nililimi kung nagsasabi nga ba ito ng totoo.

"At dahil usap-usapan noon na may relasyon sila ni Mr. Morrison, akala namin ay ikakasal na nga talaga sila. On behalf of The Blast magazine management, I'd like to apologize for what happened, Miss Orellana," dagdag pa nito.

"Lalabas na rin sa newspaper bukas ang tungkol sa maling announcement, Kat. Saka wala na si Bettina dito sa Pilipinas. Kahapon lang ay lumipad na siya patungong States," sabat ni Bailey.

"Really?" Then she laughed sarcastically. Matatag niyang tiningnan ang mga ito. "At iniisip niyo na maniniwala ako sa inyo? Pwede ba, Bailey, nasa realidad tayo. Wala tayo sa nobela o teleserye! Saka okay lang naman kahit ituloy niyo ang kasal niyo. Nakapag-move-on na ako sa'yo. Diyan na nga kayo!" aniya saka binirahan ng talikod ang dalawa. Malalaki ang hakbang na sumabay siya sa mga taong naglakad sa pedestrian lane.

Paano naman siya maniniwala sa pinagsasabi ng dalawa lalo na kay Bailey? Sa tingin niya pa naman kay Bettina ay hindi ito iyong tipo na aalis at isusuko na lang basta-basta ang lalaki.

"Katniss!" tawag ng binata sa kanya. Nakita niya na saglit pa nitong kinausap ang article writer. Susunod sana ito sa pagtawid ngunit biglang nagpalit ng kulay berde ang traffic light. "Katniss!"

Nagmistula siyang bingi at lumakad na papunta sa parte kung saan siya pwedeng sumakay. Kahit papaano ay naawa siya kay Bailey, sa lalaking hanggang ngayon ay may puwang pa rin sa puso niya. Ngunit hindi niya na kasi magawang isugal pa ang kanyang puso. Tama na iyong dalawang beses siyang nasaktan.

Hindi na muna siya dumiretso sa apartment dahil baka pumunta ang dating nobyo roon. Dumaan na lang muna siya sa isang mall upang doon magpalipas ng oras at kumain ng dinner.


Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon