Chapter 3.2

2K 50 0
                                    

Katniss heard two long rings before someone answered the phone from the other line. Tinatawagan niya siya Vera, ang may-ari Vera Trends and Concepts kung saan ay apat na taon na siyang nagtatrabaho bilang Interior Designer. VTC was an interior design consultancy firm based in Metro Manila with a concentration in Condos and Residential Houses.

She was a scholar in the Philippine School of Interior Design when she was in college. Dalawang buwan bago ang graduation niya ay sinubukan niyang mag-apply sa iba't-ibang kumpanya upang makapagtrabaho agad pagka-graduate. Ilang beses na siyang na-reject dahil sa kawalan ng experience at tanging si Vera lang ang tumanggap sa kanya.

"Hello, Katniss?" wika ng babae na naging malapit niya na ring kaibigan.

"Yes, Miss V. A-ah, sorry, hindi ang makakapasok sa trabaho ngayon kasi may trangkaso ako," aniya na pilit iginaralgal ang boses at nagkunwari pang umuubo.

Imbes na magreklamo dahil sa pag-absent niya ay nagpahayag pa ito ng pag-aalala. "Sige, huwag ka na lang pumasok. Uminom ka na ba ng gamot?"

"Yes, Miss. Kailangan ko lang talagang magpahinga. Ang sakit ng buong katawan ko," kunwari'y daing niya.

"Okay, Katniss. I'll just plot your sick leave para magkasweldo ka pa rin kahit absent ka."

"Thanks, Miss V. I'll be back as soon as I'm fine. Bye." Then she locked the screen of her phone.

Umupo siya sa gilid ng kama at ipinatong ang cellphone sa side table. Kahit papaano ay nakadama siya guilt dahil sa ginawang pagsinungaling sa babae. Napakabait kasi nitong boss sa kanila. Hindi ito tulad ng iba na nilalagyan ng gap ang relasyon sa mga empleyado. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit siya nagtagal sa kumpanya nito. Pero anong magagawa niya? Gusto niya munang makalimot pansamantala. Hindi rin naman siya mkakapagtrabaho nang maayos dahil heart-broken siya.

Naging abala siya sa pag-iisip kung saan pupunta sa araw na iyon at kung paano enjoy-in ang "sick leave" ngunit biglang naagaw ang kanyang pansin ng tatlong katok sa pinto. Who could it be? She was not expecting any friend that would come to her unit. Kunot-noong binuksan niya ang pinto para lang masira ang mood dahil sa unpleasant surprise na bumungad sa kanya.

"Hi Katniss!" masiglang bati ni Bailey. Napakasimpatiko ng ngiti nito.

The masculine scent of his men's cologne invaded her nostrils, making her close her eyes for a moment. Pero hindi! Hindi siya dapat paapekto sa bango nito. Saka may isa pa itong atraso sa kanya - iyong "pinagsamantalahan" siya habang tulog siya! She hates this man so much!

"Ikaw?! Anong ginagawa mo rito?" asik niya sa lalaki. Matalim ang tinging inihagkis niya rito.

"I just want to see you and ask you out, maybe? Anyway, this is for you," anito sabay abot sa kanya ng isang basket na katamtaman lang ang laki at puno ng Strawberries.

She didn't accept the basket, instead she just looked at it. Yes, the sparkling red fruit drooled her like hell but she couldn't afford to accept it. Hinding-hindi siya tatanggap ng kahit anong galing sa mokong na ito. Baka sabihin pa nito na madali siyang utuin.

"Hindi kasi ako tumatanggap ng limos kahit kanino. Saka isa pa, marami na akong nakain niyan at nagsawa na ako. So please, do the honor to leave 'cause I'm busy," pagtataboy niya sabay irap.

She was about to shut the door close but Bailey was quick to push it open.

"Katniss, wait! Please, mag-usap muna tayo," hiling nito. Bakas sa boses nito ang matinding kagustuhan na pagbigyan niya.

Ilang beses pa silang nagtulakan sa pinto ngunit sa huli ay nanaig ang lakas nito bilang lalaki. Nabuksan nito ang pinto kaya nakapasok ito.

"Ano ba talagang kailangan mo sa'kin? Lumabas ka nga rito!" Sinubukan niya itong itulak ngunit sadyang malakas ang katawan nito at ni hindi man lang napaatras kahit isang hakbang.

Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon