Chapter 3.1

1.9K 53 0
                                    

                  

Nagising si Katniss dahil sa nakangingilong kirot sa kanyang sentido. Bahagya siyang napangiwi habang binubuksan ang mga mata. Kumunot ang kanyang noon nang makitang estranghero ang kwartong namulatan, bagama't hindi maiaalis sa kanya ang mapahanga sa kaayusan niyon.

Kumpleto sa gamit ang unit. Wall-to-wall ang carpet sa sahig at napakaaliwalas sa mata ang kulay kremang kurtina na nakasabit sa dalawang malalaking bintana. Umiikot rin sa buong kwarto ang mabangong air-freshener na humahalo sa malamig na hanging ibinubuga ng aircon.

The unit had a touch of masculinity. At sa isiping iyon ay biglang naalerto ang kanyang utak. Namilog ang kanyang mga mata at ganoon na lang ang pagkawindang niya nang mapagtantong wala siyang anumang saplot sa ilalim ng comforter.

Diyos ko! Anong nangyari sa'kin? May nagdala ba sa'kin dito at pinagsamantalahan ako? She almost cried thinking that someone really took advantage of her.

Pinakiramdaman niya ang sariling katawan ngunit bukod sa masakit ang kanyang ulo ay wala na siyang naramdamang kakaiba lalo na sa maseselang parte. She tried to recall everything that happened to her last night. Ang tanging naaalala niya ay iyong pamimilit niya sa waiter na bigyan pa siya ng maiinom tapos may kumaladkad sa kanya na isang lalaki palabas ng bar.

Kung ganoon, lalaki ba ang naghubad sa kanya? Tapos ano? Pinagpiyestahan nito ang hubad niyang katawan? Kaagad na sumulak ang kanyang dugo dahil sa naisip. How dare that bastard eye-rape her! Halos maiyak siya sa sobrang inis.  

Lumingon siya sa paligid upang hanapin ang sariling mga damit ngunit bigo siyang makita ang mga iyon. She saw a white thermos on the side table.

Bigla siyang napaigtad nang marinig ang pag-ikot ng doorknob ng pintong nasa tapat maliit na refrigerator. Akmang bubukas iyon. Mabilis niyang dinampot ang thermos at naniningkit ang mga matang itinuon ang paningin sa pinto. Humanda talaga ang kung sinumang bumaboy sa kanyang katawan! She braced herself for the stranger.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sabay hagis ng thermos sa kung sinumang taong iniluwa ng pintong bumukas. "Pagbabayaran mo talaga ang ginawa mong pambababoy sa'kin!" dagdag pa Tila nagdidilim na ang kanyang paningin sa ngitngit.

To her dismay, hindi man lang natamaan ang lalaki dahil mabilis itong nakailag. Basag ang thermos nang bumagsak ito sa sahig.

"Katniss!" the man exclaimed in his deep voice.

"Bailey!" Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaki. He was there in front of her, almost in his birth suit. Napalunok siya ng laway nang makita ang mamasel na braso at malapad na dibdib nito, gayundin ang namumutok nitong six-packed abs.

Juskolord! Paano na lang kaya kapag aksidenteng nahubad ang tuwalyang itinapis nito? Ipinilig niya ang ulo upang pawiin ang nakakahiyang eksenang nasa isip. Tumikhim siya saka pilit na pinatatag ang dating ng kanyang mukha.  Mahigpit niyang hinawakan ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan sabay tayo.

"What did you do to me? Bakit mo ako hinubaran? My god! Did you molest me?" eksaheradong wika niya habang dinuduro ito.

"Of course not, Katniss! I just did it to make you feel comfortable while you were sleeping," kalmado ang boses na sagot ni Bailey ngunit kunot naman ang noo. Nakalarawan sa mukha nito ang digusto sa ibinibintang niya rito.

"And do you expect me to believe you? What a lame excuse, Mr. Morrison!" aniya saka marahas na bumuga ng hangin. Her chest was heaving up and down in exasperation.

"Then what do you want to hear from me?"

"That you eye-raped me!" sigaw niya rito. Hindi niya na talaga napigilan ang bugso ng inis na

Ngunit tila hindi man lang ito tinablan sa sinabi niya dahil tumawa pa ito ng pagak. Iyon ang dahilan kung bakit mas lalo pa siyang nainis dito.

"Why are you laughing?" kandaiyak na tanong niya.

Hindi niya talaga matanggap na may lalaki nang nakakita sa buo niyang katawan bago pa man siya ikinasal. And worst, sa lalaki pa talagang abot-langit ang kanyang galit.

"Katniss, why would I eye-rape you if I can do the real thing with your permission? So sobrang kalasingan mo kagabi, hindi mo na alam ang ginagawa mo. Pasalamat ka at 'di mga manyakis ang nakakita sa'yo dahil malamang ay na-rape ka na talaga," napapailing na wika nito.

"Eh, bakit mo nga ako hinubaran?" giit niya pa rito.

"Dahil nabahiran ng suka ang damit mo nang pinangko kita papunta dito sa unit ko. Hindi mo ba alam na sinukahan mo ako kagabi?"

"Ewan ko sa'yo!" ang tanging nasabi niya. Hindi talaga matanggap ng kanyang pride na ito ang taong tumulong sa kanya. "Where are my clothes?"

"Nasa banyo nakasampay."

Mabilis siyang pumasok sa banyo. Awtomatikong nag-init ang kanyang mukha nang makita sa sampayan ang ternong panty at bra niya na nakasabit sa tabi ng kanyang maong short at sleeveless top.

"Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Ang sarap niyang tirisin!" gigil na wika niya habang isa-isang isinusuot ang mga damit.

Inis pa ring lumabas siya sa banyo at dumiretso sa pinto upang lumabas ng unit. Ngunit nabitin ang kanyang paglabas nang narinig itong magsalita.

"Saan ka pupunta?"

"Saan pa? Eh 'di sa unit ko," aniya na hindi man lang nag-abalang lumingon dito. Stupid!

"Mamaya na. Parating na kasi ang lunch na in-order ko."

Lumingon siya rito at nakita niyang nakabihis na ito. "Thanks, but no thanks, Mr. Morrison. I'll eat lunch alone." Then she opened the door and immediately stepped out, not bothering to hear his response. 

Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon