Hi Everyone! I'm sorry if di ako ganun ka-active dito sa wattpad. But, sabi ko nga may book 2 ang TCHATCN! At syempre dahil natutuwa ako sa inyo, here's a preview of the prologue! ENJOY! :) <3
------
THE CAMPUS HEARTTHROB AND THE CAMPUS NERD BOOK 2 PRESENTS:
"Jam tara na!" Sigaw ko kay Jam. Kukupad-kupad kasi kumilos 'tong kakambal ko. Siya nga mas sakin ng ilang minuto pero siya yung kung umasta parang bunso. Tamad!
"Oo na! Excited ka masyado kahit kailan eh!" Naiinis na sabi ni Jam. Sabay na kaming bumaba.
"Dad! Mom! Alis na kami!" Paalam namin sa parents namin. We hugged them and gave them a sweet smile.
"Oh, ingat kayo ah. Gem, wag masyadong makulit. At ikaw Jam, wag pasaway. Sige na. Ingat kayo!" Sabi ng Dad at tumango naman kami.
Pagkalabas namin ng bahay ay nadatnan namin si Hunter sa labas ng van. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa itsura niya. Siguro na-busted ulit siya.
"Hoy, kayong kambal kayo, mga pa-VIP kayo! Male-late na tayo eh! Tara na nga." Bigla siyang umikot papuntang drivers seat. Binuksan ni Jam ang pinto ng van at nadatnan ang barkada.
May kanya kanya silang buhay. Wala manlang bati samin. Si Athena may katext. Si Xander nagsa-soundtrip. Si Jacob tulog as usual. Si Tiffany ang ingay sa harap, may kausap sa phone niya. Urat na urat na nga si Hunter eh. Si Stephanie nagbabasa ng libro. Si Quinn naman nanunuod sa phone niya. Si Thalia, nagkukutkot ng kuko niya.
"Hoy! Sakay na! Tagal! Tsk." Pagrereklamo ni Hunter. Laki talaga ng problema neto.
"Oo na!" Cold na sabi ni Jam. Sumakay na kami at nagsimulang bumiyahe.
We live the way we want it to. Pero kahit may kanya kanya kaming buhay minsan... our friendship is strong. Ganyan man ang ugali nila, may taglay parin naman silang kagandahan sa loob. Mababait tong mga 'to hindi lang halata.
Lahat kami hinahangaan. Lahat kami may kanya kanyang pagkakakilanlan sa school. Pero kahit ganun, we stick together kahit minsan nagkakapikunan o nagkakatampuhan. Syempre kasi nagkakaisa kami.
Pagkababa namin ng van ay sinalubong kami ng maraming tao. Lahat sila napatingin samin with amazement in their faces. It's our first day of class at sanay na kami sa gantong aura, not because mga bagong students or salta kami, it's because they know us as The Campus A-lists.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob and The Campus Nerd
Teen FictionWhat if the Campus Heartthrob falls in love with his best friend The Campus Nerd?