Chapter 4: Where's Hillary?

4.2K 129 12
                                    

//Ary’s POV//

*FRIDAY NIGHT*

Hayyy kapagod mamili ng mga damit. Teka makapag FB nga muna.

/le opens facebook…log in/

What’s on your mind?

“Just Got Home from Glorietta. Dami naming pinamili. Grabe. Pero ayus na to, kinakabahan ako! Thanks sa mga nakasama ko kanina sa mall! :’)—with Poging Vinz, Super Yel, Nevz ZzzFab Eri & Kram Kram”

Cheking Notifications~ Nothing important~

Checking friend request…WOAH! 3000+ Friend Request? O.o Pero di ko kilala tong mga ‘to! Yaan mo muna yan.

Checking inbox… 5 new messages.Sino naman kaya tong mga ‘to?

First message from Iam Britabitch?

“Hoy Campus Nerd! Sisiguraduhin kong di ka makakapunta ng Fashion Show!”

Tss. Ano nanaman ‘tong kabaliwan ng babaeng to?  Ma-seenzone na nga lang to.

Second message from Super Yel

“Thankies kanina ha? :D Sana nagustuhan mo mga pinili ko for your fashion show~ hehe, ako narin mag-aayos sayo sa event! Sisiguraduhin kong ikaw ang magniningning sa event! Hehe! Goodnight! Loveyah! :*”

Aw. Sweet. Hehe. Replyan ko sya.

“Thankies din! I love what you picked for me! It’s superb! <3 Goodnight! Loveyah Too! :*”

Third Message from Poging Vinz.

“Bestfriend! Bukas ah? :D Sa Canteen! Sabay ulit tayo nila Ye, Nevs, Eri at Kram mag-lunch!  Goodnight! ;))”

Reply…

“Sige Bestfriend!!! Hehe. Text kita bukas! Gooodnight!”

Fourth and Fifth Message…

“Ate! Pa-like po ng DP ko at paki-comment narin mo na *Ang ganda/cute mo naman **insert name here** Iloveyou na!*”

Wow ha. Famewhore lang? Seenzone ka saken!

“Anak! Kumain ka na?” –Mommy

“Yes Ma! Kumain na kami kanina sa mall”

“Ah, speaking of mall, di ba namili kayo? Patingin ng mga pinamili niyo! Dali!~” excited ang mother ko ah.

Nilabas ko ang mga damit at sapatos ko. At pinakita sa kanya.

“Ang gaganda naman ng mga ‘to anak! Galingan mo sa Friday ha? Aja! Fighting!” –Mommy

Binigyan ko ng isang matamis na ngiti ang mommy ko at ganun din ginawa niya, hinalikan niya ako sa noo, niyakap at lumabas na sya ng kwarto, ako naman sinarado ko na ang laptop ko. Naligo, nagbihis at nahiga.

“Hay, kinakabahan na ako sa Friday. Pero ang layo pa ng Friday… Pero kinakabahan parin ako! >_< hanubeyen!” sabi ko sa isip ko. Pero kinakabahan talaga ako eh. Makatulog na nga!

*Kinabukasan*

“ATE ANG GANDA NAMAN NG MGA DAMIT AT SAPATOS MO! AKIN NALANG!” sigaw ng Kapatid ko.

“Ano ba yan Patchoy! Wag mo nga pakelaman damit ko! Tsaka sana naman kumatok ka naman bago ka pumasok ng kwarto! Ginugulo mo tulog ko eh! Ganda na ng panaginip ko eh! Tss”

The Campus Heartthrob and The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon