Chapter 10: Is this it?

3.3K 107 2
                                    

//Vinz’ POV//

*Fast Forward*

1st Year 2nd term… At nagpasya akong pumunta ng Library. Andun kasi Bestfriend ko. AS usual, Kahit wala pa sya maalala masyado eh nasa puso parin niya ang pag-aaral. Wala na syang inatupag kundi mag-aral ng mag-aral ng mag-aral. Hayy, Namimiss ko na yung dati kong bestfriend. Yung aral konti tapos bonding na with us after.

“Oh Vinz, andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay” at nginitian ako ni Ary.

“Tara lunch na tayo”

“Ah sige. Tara.”

Habang naglalakad kami ay nagku-kwento sya about sa mga friends niya sa classroom.

“Alam mo Vinz! Ang kulit talaga ni Yel nuh? Kinukwento nya sakin yung mga kalokohan daw namin. Tapos may tatlong babae dun na naiinis ako, tinatarayan ako eh.”

“Tapos?”

“Tapos may bago kaming classmate! Galing daw syang South Korea!”

Naalala ko nanaman yung childhood friend namin ni Ary…

“Krishtinne Cruz daw pangalan nya. Ang bait nya sobra! Tapos ang ganda niya! Tapos ang puti niya! Pero makulit sya, napaka Happy-go-lucky tas friendly! Hehe, natutuwa ako sa—“

“Krishtinne Cruz?”

Naputol pag-uusap namin nung nakasalubong namin si Krishtinne.

“Oh, Hi Vin! Kamusta na? Long Time No See!” bati sakin ni Krish

“Kelan ka pa bumalik dito sa Maynila?”

“Nung isang araw lang. dito ako nag enroll sa NU kase sabi nila Tita Chloe dito daw kayo nag-aaral. And I’m surprised na classmate ko si Ary. Sabe ko kase kay Eomma (Korean ng Mom) at kay Appa (Korean ng Dad), na namimiss ko na kayo ni Ary. Eh  bakit parang walang matandaan si Hillary? Ano bang nangyare? Kahit mga friends nya sa classroom di nagsasabi.”

Kwinento ko kay Krish lahat na syang ikinagulat din niya. Sabi ni Krish tutulungan daw niyang maalala ni Ary ang lahat lahat. Yung mga memories nila pagkabata.

*CANTEEN*

“Hi Hillary! Ako pala si Krishtinne Cruz, kababata mo rin ako tulad ni Vinncent. Hehe. Hillary, alam mo ba nung mga bata pa tayo, ikaw yung pambato namin sa singing contests! Ang galing mo kaya kumanta.” –Krish

“Talaga Krish?” binigyan ni Hillary si Krish ng isang matamis na ngiti

Nag-usap sila buong lunch. Ikinatuwa naman ni Hillary ang mga pinag-uusapan namin.

“Tapos alam mo ba Hillary na naging crush kita nung high school tayo?” biglang sulpot ni Julliam sa likod namin. Ako naman nakaramdam ng onting selos. Pero ayus lang kase alam ko naman yun eh.

“Talaga Julliam?  Hehe, parang di kapani-paniwala.”

“ehem… *cough cough*” –kunwarng ubo ko.

“Pero noong high school lang yun ha? Hehe, may gusto kase ako ligawan ngayon eh. Hehe.”

Agad namang nahalata ni Julliam na nagselos ako ng konti. Syempre, alam nyang mahal ko  si Hillary.

*Flashback*

Room143, the day before nagising si Hillary. Bumisita ako sa kanya.

“Hillary, gumising ka na please! Mahal na mahal kita!” bulong ko kay Hillary.

“Bro. Mahal na mahal mo talaga sya ano? Akala ko best friends lang kayo?” –Julliam

“Narinig mo pala yun. Oo, mahal na mahal ko sya. Kaso mukhang best friend lang turing sakin ni Hillary kaya okay lang yun. Ma-Best Friend zone man nya ako at least alam ko sa sarili ko na nagawa ko lahat para iparamdam sa kanya na hindi lang Best Friend and turing ko sa kanya…” at umiyak ako sa harap ni Julliam.

*End of flashback*

*KRING KRING KRING*

“Time na pala. HAha. Tara na magsi-pasok na tayo sa mga klase natin.” –Yel

“Yeah let’s Go!” –Kram

“ARAAAAAAAAAAAAAAAYYYYY!” Nagulat kaming lahat nang bigla naming narinig na sumigaw si Hillary.  Hawak nya ang kanyang ulo.

“ANG SAKIT NG ULO KO! HUHU, VINZ! TULUNGAN MO KO! YEL! ERI! KRAM! NEVS! JULLIAM! VENUS! KRISHTINNE! HUHU DI KO NA KAYAAAA! HUHUHU!”

Yung ibang estudyante nagkumpulan sa pwesto namin. Nagbubulungan sila.  Biglang dumating si Mr. Lee Rafael.

“anong kaguluhan ‘to?”-Mr. Lee Rafael

“S-si Hillary po Sir! Sumasakit ang ulo niya!” –Julliam

“Oh, eh ano pa ginagawa niyo?! Dalhin niyo na sya sa clinic!”

Ni-Piggy back ride ko na si Hillary. At dumiretso kami sa Clinic.

“GUSTO KO NA MAMATAY! HUHUUHUHUHU! ANO BANG NANGYAYARE SAKEN?! ANG SAKIT TALAGA NG ULO KOOOOOO!” sigaw na sambit ni Hillary samin. Hindi kami pinapasok ng school nurse sa loob ng clinic, nakita namin tinurukan sya ng school doctor ng pampakalma. Nakita namin na unti unting kumakalma si Ary at tuluyan na syang nakatulog. Naiyak kaming lahat. Agad tinawagan ng school doctor namin ang doctor ni Hillary. Tinignan ng school doctor ang medical records ni Hillary.

*After 1 hour*

Nandito parin kami sa harap ng clinic. Lahat kaming magbabarkada ay excuse sa klase namin  except lang kay Krishtinne. First day nya kase dito sa NU kaya kelangan muna daw nyang pumasok sa klase.

Lumabas ang doctor ni Hillary at sinabeng kailangan ulit dalhin si Hillary sa ospital para ma-check ng maayos. Kulang kase ang facilities sa clinic.

*Ospital*

Nakikita nanaman naming naka dextrose si Hillary at natutulog. Sigh.

“Wag! Wag! Please! Wag! Maawa kayo sakin! AAAAHHHHH!!!! Wag! Please!!!” –Hillary

Si Nevs lumabas ng kwarto upang tumwag ng doctor. Kami naman ay pinipilit gisingin si Hillary.

“Hillary! Wake up! Wake up! You’re having a bad dream!”

“WAG NIYO KO HAWAKAN! UHUHUHUUH! WAG! AHHHHHH!!! ARAAAYYY!”  iyak ni Hillary.

At bigla syang nagising. Umiiyak si Hillary. Ang tagal ng doctor!

“V-vinz… m-may napanaginipan ako. Nasa isang madilim na kwarto daw ako biglang may sumulpot na walong lalaki. Huhu. Tapos sa likod nila may tatlong babaeng naka maskara. Tumatawa sila. Yung isang lalaki sinampal ako. Kase naglalaban ako. Tapos… Tapos… Huhuuh… pinipilit nila akong hubaran. Tapos sinuntok ako ng isang lalaki. Sabe niya sa isang babae ‘Ayos ba babe?’ pero di ko na narinig yung sagot nung babae. Puro tawanan doon sa madilim na kwarto. Pinunit nila damit ko sinira nila jeans na suot ko, tapos tinali nila ako sa isang puno. Huhuhu.”

Ikinagulat namin ang kwento nya. Eto na ba? Maaalala na ba niya lahat?

---

The Campus Heartthrob and The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon